Publicidade

Provérbios 28

Mga kawikaang nagkakalaban.

1 Lev. 16:17;Awit 53:5.Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol:

Nguni’t ang matuwid ay matapang na parang leon.

2 Dahil sa pagsalangsang ng lupain ay marami ang kaniyang mga pangulo:

Nguni’t sa naguunawa at matalino ay malalaon ang kalagayan niya.

3 Mat. 18:28.Ang mapagkailangan na pumipighati sa dukha

Ay parang bugso ng ulan na hindi nagiiwan ng pagkain.

4 Awit 10:3;Rom. 1:32.Silang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama:

1 Hari 18:18,21;Mat. 3:7;Ef. 5:11.Nguni’t ang nangagiingat ng kautusan ay nangakikipagkaalit sa kanila.

5 Awit 92:6.Ang masasamang tao ay hindi nangakakaunawa ng kahatulan:

Nguni’t Awit 119:100;Juan 7:17;1 Cor. 2:15;1 Juan 2:20,27.silang nagsisihanap sa Panginoon ay nangakakaunawa sa lahat ng mga bagay.

6 Kaw. 19:1.Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat,

Kay sa suwail sa kaniyang mga lakad, bagaman siya’y mayaman.

7 Kaw. 29:3.Sinomang nagiingat ng kautusan ay pantas na anak:

Nguni’t siyang kasama ng mga matakaw ay nagbibigay kahihiyan sa kaniyang ama.

8 Kaw. 13:22;Ec. 2:26.Ang nagpapalago ng kaniyang yaman sa tubo at pakinabang,

Ay pumipisan sa ganang may awa sa dukha.

9 Zac. 7:11.Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan,

Maging Awit 109:7;Kaw. 15:8.ang kaniyang dalangin ay karumaldumal.

10 Kaw. 26:27.Sinomang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan,

Siya’y mahuhulog sa kaniyang sariling lungaw:

Mat. 6:33.Nguni’t ang sakdal ay magmamana ng mabuti.

11 Ang mayaman ay pantas sa ganang kaniyang sarili;

Nguni’t ang dukha na naguunawa ay sumisiyasat.

12 Kaw. 11:10.Pagka ang matuwid ay nagtatagumpay, may dakilang kaluwalhatian:

Kaw. 29:2.Nguni’t pagka ang masama ay bumabangon, nagsisipagtago ang mga tao.

13 Awit 32:5;1 Juan 1:10.Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa:

Nguni’t ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.

14 Masaya ang tao na natatakot na lagi:

Nguni’t siyang nagmamatigas ng kaniyang kalooban ay mahuhulog sa kahirapan.

15 Kung paano ang umuungal na 1 Ped. 5:8.leon at ang gutom na oso,

GayonMat. 2:16.ang masamang pinuno sa maralitang bayan.

16 Ang pangulo na kulang sa paguunawa ay lubhang mamimighati rin:

Nguni’t siyang nagtatanim sa kasakiman ay dadami ang kaniyang mga kaarawan.

17 Gen. 9:6.Ang tao na nagpapasan ng dugo ng sinomang tao,

Tatakas sa lungaw; huwag siyang pigilin ng sinoman.

18 Kaw. 10:25.Ang lumalakad ng matuwid ay maliligtas:

Nguni’t siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla.

19 Kaw. 12:11.Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay:

Nguni’t siyang sumusunod sa mga walang kabuluhang tao ay madudukhang mainam.

20 Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala:

Kaw. 20:21;23:4;1 Tim. 6:9.Nguni’t siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan.

21 Kaw. 18:5.Magkaroon ng pagtatangi sa mga pagkatao ay hindi mabuti:

Ni hindi man sasalangsang ang tao Ezek. 13:19.dahil sa isang putol na tinapay.

22 Siyang may masamang mata ay nagmamadali sa pagyaman,

At hindi nakakaalam, na kasalatan ay darating sa kaniya.

23 Kaw. 27:6.Siyang sumasaway sa isang tao ay makakasumpong sa ibang araw ng higit na lingap

Kay sa doon sa kunwa’y pumupuri ng dila.

24 Ang nagnanakaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, at nagsasabi, Hindi ito pagsalangsang;

Yao’y kasama rin ng maninira.

25 Kaw. 13:10.Siyang may sakim na diwa ay humihila ng kaalitan:

Nguni’t siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay 1 Tim. 6:6.tataba.

26 Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang:

Nguni’t ang lumakad na may kapantasan, ay maliligtas.

27 Kaw. 19:17.Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat:

Nguni’t siyang nagkukubli ng kaniyang mga mata ay magkakaroon ng maraming sumpa.

28 Pagka ang masama ay bumabangon, Job 24:4.nagsisipagkubli ang mga tao;

Nguni’t pagka sila’y nangamamatay, dumadami ang matuwid.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-