Admiração
O temor do Senhor é o princípio da sabedoria. A admiração reverente por Deus é a postura que produz conhecimento, obediência e bênção na vida do crente.
Ang pagkatakot sa Panginoon
ang simula ng karunungan.
Ngunit sa hangal, walang halaga
ang karunungan
at ayaw niyang maturuan.
Ang pagkatakot sa Panginoon
ang simula ng karunungan.
At ang pagkilala sa Banal na Diyos
ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.
Ang takot sa Panginoon
ay nagtuturo ng karunungan,
at ang nagpapakumbaba
ay pinaparangalan.
Mas mabuti pang maging mahirap
na may takot sa Panginoon,
kaysa maging mayaman na ang buhay
ay puno ng kaguluhan.
Ang may takot sa Panginoon
ay lumalayo sa kasamaan.
Namumuhi ako sa kapalaluan, kayabangan,
pagsisinungaling at masamang pag-uugali.
Ang paggalang sa Panginoon
at pagpapakumbaba
ay magdudulot sa iyo ng mahabang buhay,
kayamanan at karangalan.
Huwag mong isiping
napakarunong mo na.
Matakot ka sa Panginoon,
at huwag gumawa ng masama.
Para iyon sa ikabubuti
at ikalalakas ng iyong katawan.
Ang pagiging kaakit-akit
ay makapandaraya,
at ang kagandahan
ay kumukupas.
Ngunit ang babaeng may takot sa Panginoon
ay dapat purihin.
Ngayong nabasa mo
na ang lahat ng ito,
ito ang aking huling payo:
Matakot ka sa Diyos
at sundin mo ang kanyang mga utos,
dahil ito ang tungkulin
ng bawat tao.
Ang pagkatakot sa Panginoon
ang simula ng karunungan.
Lahat ng sumusunod sa kanyang mga utos
ay may mabuting pang-unawa.
Purihin siya magpakailanman.
Purihin ang Panginoon!
Mapalad ang taong may takot sa Panginoon
at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos.
Mapalad kayong may takot sa Panginoon,
na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan.
Ngunit binabantayan ng Panginoon
ang mga may takot sa kanya,
sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.
Umani nawa ng sagana ang mga lupain.
Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Diyos, na aming Diyos.
Magkaroon sana ng takot sa inyo
ang lahat ng tao sa buong mundo.
Pero kayong may takot sa akin ay ililigtas ko gaya ng pagsikat ng araw na ang sinag nito ay nagbibigay ng kabutihan. At lulundag kayo sa tuwa, na parang mga guyang pinakawalan sa kuwadra.
At ngayon, mga mamamayan ng Israel, ang hinihingi lang ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo ay magkaroon kayo ng takot sa kanya, mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, mahalin siya, maglingkod sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa, at sundin ang lahat ng mga utos at tuntunin ng Panginoon na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito para sa ikabubuti ninyo.
Ang Panginoon na inyong Diyos lang ang dapat ninyong sundin at igalang. Tuparin ninyo ang kanyang mga utos at sundin nʼyo siya; paglingkuran siya at manatili kayo sa kanya.
At dahil sa iginagalang ng mga kumadrona ang Diyos, binigyan sila ng Diyos ng sarili nilang pamilya.
Mga minamahal, dahil taglay natin ang mga pangakong ito, linisin natin ang ating sarili sa anumang bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu, at sikapin nating mamuhay nang banal at may takot sa Diyos.
Kaya ibigay ninyo ang nararapat sa kanila: Kung buwis at iba pang bayarin, bayaran ninyo; kung paggalang, igalang ninyo ang nararapat igalang, at kung parangal, parangalan ninyo ang dapat parangalan.
"Bilang mga kaibigan
nais kong damayan ninyo ako
sa paghihirap kong ito,
kahit na sa tingin ninyoʼy
wala akong takot
sa Diyos na Makapangyarihan.