Publicidade

Jonas 3

Pumunta si Jonas sa Nineve

1 Muling nagsalita ang Panginoon kay Jonas. 2 Sinabi niya, "Pumunta ka agad sa Nineve, ang malaking lungsod, at sabihin mo sa mga tagaroon ang ipinasasabi ko sa iyo." 3 Pumunta agad si Jonas sa Nineve ayon sa sinabi ng Panginoon. Malaking lungsod ang Nineve; aabutin ng tatlong araw kung ito ay lalakarin.

4 Pumasok si Jonas sa lungsod. Pagkatapos ng maghapong paglalakad, sinabi niya sa mga tagaroon, "May apatnapung araw na lamang ang natitira at wawasakin na ang Nineve."

5 Naniwala ang mga taga-Nineve sa pahayag na ito mula sa Diyos. Kaya lahat sila, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakaaba ay nagsuot ng damit na panluksa at nag-ayuno upang ipakita ang kanilang pagsisisi. 6 Sapagkat nang mapakinggan ng hari ng Nineve ang mensahe ni Jonas, tumayo siya mula sa kanyang trono, inalis ang kanyang balabal, nagsuot ng damit na panluksa at naupo sa lupa. 7 At ito ang ipinahayag niya sa buong Nineve:

"Ayon sa utos ng hari at ng kanyang mga nakatataas na opisyal,

"Walang sinumang kakain at iinom, kahit ang inyong mga baka, tupa o kambing. 8 Magsuot ang mga tao ng damit na panluksa pati na ang mga hayop, at taimtim na manalangin sa Diyos. Talikuran ninyo ang masamang pamumuhay at karahasang ginagawa ninyo. 9 Baka sakaling magbago ang isip ng Diyos at mawala ang kanyang galit sa atin at hindi na niya tayo lipulin."

10 Nakita ng Diyos ang kanilang ginawa, kung paano nila tinalikuran ang kanilang masamang pamumuhay. Naawa siya sa kanila, at hindi na niya nilipol ang mga taga-Nineve gaya ng kanyang sinabi noon.

Veja também

Publicidade
Jonas
Ver todos os capítulos de Jonas
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-