Publicidade

O adultério

Por Bíblia Online

O adultério é pecado grave que destrói alianças, famílias e vidas. A Bíblia condena firmemente a infidelidade conjugal e chama à pureza, fidelidade e santidade no casamento.

A lei de Deus

Não adulterarás. Quem comete adultério destrói a própria alma. A Palavra de Deus é clara e direta sobre este pecado.

Huwag kang mangangalunya.

" Kung ang isang lalaki ay sumiping sa asawa ng iba, siya at ang babae ay dapat patayin.

Huwag kang sumiping sa asawa ng iba dahil kapag ginawa mo ito, ituturing kang marumi.

Ang taong nangangalunya ay salat sa karunungan.

Ang kanyang sariliʼy dinadala sa kapahamakan.

Ang taong nangangalunya ay salat sa karunungan.

Ang kanyang sariliʼy dinadala sa kapahamakan.

Masasaktan at mapapahiya siya

at hindi maaalis habambuhay

ang kahihiyan niya.

Sapagkat ang asawang seloso ay labis kung magalit

at maghihiganti siya nang walang awa.

Kahit magkano pa ang ibayad,

hindi niya ito tatanggapin.

Kung maglalaro ka ng apoy

sa iyong kandungan

tiyak na masusunog ang damit mo.

At kung tatapak ka sa baga,

mapapaso ang mga paa mo.

Kaya kung mayroong sumiping

sa asawa ng iba,

ang sinumang humawak sa kanya

ay tiyak ang parusa.

Jesus ensina

Quem olhar para uma mulher com intenção impura já adulterou no coração. Jesus elevou o padrão da pureza.

Ang Katuruan tungkol sa Pangangalunya

"Narinig ninyo na sinabi, Huwag kang mangangalunya. Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang isip.

Ngunit sinasabi ko sa inyo na kapag hiniwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan maliban sa seksuwal na imoralidad, siya na rin ang nagtulak sa kanyang asawa na mangalunya kapag nag-asawa itong muli. At ang sinumang mag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.

Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masasamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya para pumatay, mangalunya, gumawa ng seksuwal na imoralidad, magnakaw, magsinungaling at manira ng kapwa.

Sinabi niya sa kanila, "Kung hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at nag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang unang asawa. At kung hiniwalayan ng isang babae ang kanyang asawa at nag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala rin ng pangangalunya."

"Ang lalaking hiniwalayan ang asawa at nag-asawa ng iba ay nagkasala siya ng pangangalunya. At ang mag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.

at sinabi nila kay Hesus, "Guro, ang babaeng itoʼy nahuling nangangalunya. Ayon sa Kautusan ni Moises, ang mga babaeng tulad niyaʼy dapat batuhin hanggang sa mamatay. Anoʼng masasabi mo?" Itinanong nila ito upang hanapan ng maipaparatang laban sa kanya.

Ngunit yumuko lang si Hesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri. Ngunit paulit-ulit silang nagtanong, kaya tumayo si Hesus at sinabi sa kanila, "Kung sino sa inyo ang walang kasalanan ay siya ang maunang bumato sa kanya." At muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa.

Nang marinig nila iyon, isa-isa silang umalis mula sa pinakamatanda, hanggang si Hesus na lang at ang babae ang naiwan. Tumayo si Hesus at sinabi sa babae, "Nasaan na sila? May humatol ba saʼyo?"

Sumagot ang babae, "Wala po." Sinabi ni Hesus sa kanya, "Hindi rin kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala."]

Armadilhas e consequências

Os lábios da mulher estranha destilam mel, mas o seu fim é amargo. Fuja da imoralidade — o adultério escraviza.

Ang salita ng masamang babae

ay kasintamis ng pulot

at banayad tulad ng langis.

Ngunit pagkatapos ay pait at sakit

ang iyong makakamit

na para bang sugat na mula

sa espadang magkabila ang talim.

Kung susunod ka sa kanya,

dadalhin ka niya sa kapahamakan,

sapagkat ang nilalakaran niya

ay patungo sa kamatayan.

Hindi niya pinapansin

ang daan patungo sa buhay.

Ang dinadaanan niyaʼy liku-liko

at hindi niya ito nalalaman.

Ang salita ng masamang babae

ay kasintamis ng pulot

at banayad tulad ng langis.

Ngunit pagkatapos ay pait at sakit

ang iyong makakamit

na para bang sugat na mula

sa espadang magkabila ang talim.

Kung susunod ka sa kanya,

dadalhin ka niya sa kapahamakan,

sapagkat ang nilalakaran niya

ay patungo sa kamatayan.

Hindi niya pinapansin

ang daan patungo sa buhay.

Ang dinadaanan niyaʼy liku-liko

at hindi niya ito nalalaman.

Kaya mga anak,

pakinggan ninyo ako at sundin.

Lumayo kayo sa babaeng masama,

at huwag kayong lumapit sa pintuan

ng kanyang bahay.

Dahil baka masira ang inyong dangal

at mapunta sa iba,

at mamatay kayo sa kamay

ng mga taong walang awa.

Lumayo kayo sa babaeng masama,

at huwag kayong lumapit sa pintuan

ng kanyang bahay.

Dahil baka masira ang inyong dangal

at mapunta sa iba,

at mamatay kayo sa kamay

ng mga taong walang awa.

At ang lahat ng kayamanan ninyo

at ang inyong mga pinagpaguran

ay mapupunta sa iba,

sa mga taong hindi ninyo kilala.

Saka kayo mananangis

kapag malapit na kayong mamatay,

kapag butoʼt balat na lamang

at wala nang lakas.

Saka ninyo sasabihin,

"Sayang hindi ko kasi pinansin

ang mga pagtutuwid sa akin;

nagmatigas ako at sinunod ang gusto ko.

Hindi ako nakinig sa aking mga guro,

at hindi nagbigay-pansin

sa aking mga tagapayo.

Kaya ngayon, narito ako

sa gitna ng kapahamakan

at kahihiyan."

Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa.

Lagi ka sanang masisiyahan sa kanyang dibdib,

at aakitin parati ng kanyang pag-ibig.

Anak, bakit ka paaakit sa babaeng mahalay?

Bakit mo yayakapin ang dibdib niya?

Kapag pumunta ka sa kanyang tahanan,

didiretso ka sa iyong kamatayan,

dahil ito ang daan patungo sa libingan.

Sapagkat ito ang daan

tungo sa daigdig ng mga patay.

Kung sino man ang pupunta sa kanya

ay hindi na makakauwi;

makakalimutan na niya ang daan

patungo sa lugar ng mga buháy.

Ang salita ng masamang babae

ay parang malalim na hukay,

at doon nahuhulog

ang kinamumuhian ng Panginoon.

Kaya lumayo kayo sa seksuwal na imoralidad. Ang ibang kasalanang ginagawa ng tao ay walang kinalaman sa kanyang katawan, ngunit ang gumagawa ng seksuwal na imoralidad ay nagkakasala sa sarili niyang katawan.

Ang Pamumuhay sa Banal na Espiritu

Kaya mamuhay kayo nang ayon sa Espiritu upang hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman. Sapagkat ang ninanasa ng laman ay laban sa nais ng Espiritu, at ang nais ng Espiritu ay laban sa ninanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito, kaya hindi ninyo magawa ang gusto ninyong gawin.

Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: seksuwal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, pagsamba sa mga diyos-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkainggit, pagkamakasarili, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos.

Dapat ninyong pahalagahan ang pag-aasawa, at dapat ninyong iwasan ang pangangalunya. Sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nangangalunya at ang mga gumagawa ng seksuwal na imoralidad.

Nais ng Diyos na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa seksuwal na imoralidad. Dapat ay matutong magpigil ang bawat isa sa sarili niyang katawan sa banal at marangal na pamamaraan, at hindi sa makamundong pagnanasa katulad ng ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Diyos.

Kayong mga hindi tapat sa Diyos, hindi ba ninyo alam na kaaway ng Diyos ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Diyos ang sarili niya.

Binigyan ko siya ng pagkakataong magsisi at tumalikod sa kanyang imoralidad, ngunit ayaw niya. Makinig kayo! Bibigyan ko siya ng karamdaman hanggang sa hindi na siya makabangon sa higaan. Parurusahan ko siya nang matindi pati ang mga nakipagrelasyon sa kanya, kung hindi sila magsisisi sa kanilang kasamaan.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-