Agradecimento pela família
Agradecer pela família é reconhecer a bênção mais preciosa que Deus nos concede. Os filhos são herança do Senhor — cada membro da família é presente divino a ser celebrado.
Ang mga anak ay pagpapala
at gantimpalang mula sa Panginoon.
Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama
ay parang pana sa kamay ng sundalo.
Mapalad ang taong may maraming anak,
dahil may tutulong sa kanya
kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.
Pupurihin ko ang Panginoon!
Buong buhay kong pupurihin
ang kanyang kabanalan.
Pupurihin ko ang Panginoon,
at hindi kalilimutan
ang kanyang kabutihan.
Hindi natin ito ililihim sa ating mga anak;
sasabihin natin sa mga susunod na henerasyon
ang kapangyarihan ng Panginoon
at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.
Karangalan ng mga loloʼt lola
ang kanilang mga apo,
gayon din naman, karangalan ng mga anak
ang kanilang mga magulang.
Hiningi ko po ang batang ito sa Panginoon at ibinigay niya ang kahilingan ko.
Ang Panalangin ni Pablo para sa mga Taga-Filipos
Tuwing naaalala ko kayo, nagpapasalamat ako sa Diyos.
Anong uring pasasalamat ang maibibigay namin sa Diyos dahil sa kagalakang dulot ninyo sa amin?
Purihin ninyo ang Panginoon,
kayong lahat ng tao sa mundo.
Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.
Lahat ng mabubuti at angkop na kaloob ay nanggagaling sa Diyos na siyang lumikha ng mga bagay sa langit na nagbibigay-liwanag. At kahit pabago-bago at paiba-iba ang anyo ng anino ng mga ito, ang Diyos ay hindi nagbabago.
Sa kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob ay tumanggap tayong lahat ng abot-abot na biyaya.
Sinabi ng mga kababaihan kay Naomi, "Purihin ang Panginoon, siya na nagbigay saʼyo ngayon ng kamag-anak na manunubos. Nawaʼy maging tanyag siya sa Israel! Palalakasin at aalagaan ka niya kapag matanda ka na, dahil anak siya ng manugang mo na nagmamahal sa iyo nang higit pa sa pagmamahal ng pitong anak na lalaki."
Ang mga buháy lamang
ang makakapuri sa inyo
katulad ng ginagawa ko ngayon.
Ang bawat henerasyon
ay magpapahayag
sa susunod na henerasyon
tungkol sa inyong katapatan.