Ajuda
Deus é nosso auxílio e socorro em todo tempo. Ele não dorme nem cochila. O Senhor é nosso ajudador — não precisamos temer o que o homem possa nos fazer.
Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
na gumawa ng langit at ng lupa.
Ang Diyos ang ating kanlungan
at kalakasan.
Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo
sa oras ng kagipitan.
Kayo, O Diyos ang tumutulong sa akin.
Kayo, Panginoon ang aking maaasahan.
Ang kaligtasan ng mga matuwid
ay mula sa Panginoon.
Siya ang tanggulan nila
sa panahon ng kaguluhan.
Tinutulungan sila ng Panginoon
at inililigtas sa mga taong masama,
dahil silaʼy humihingi ng kanyang kalinga.
Panginoon kong Tagapagligtas,
agad nʼyo po akong tulungan.
O Diyos na aming Tagapagligtas,
tulungan nʼyo kami,
para sa kaluwalhatian
ng inyong pangalan.
Iligtas nʼyo kami at patawarin
sa aming mga kasalanan,
alang-alang sa inyong pangalan.
Purihin ang Panginoon,
dahil pinakinggan nʼya ang aking pagsusumamo.
Kayo ang nagpapalakas
at nag-iingat sa akin.
Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso.
Tinutulungan nʼyo ako,
kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.
Kung hindi nʼyo ako tinulungan Panginoon,
maaaring patay na ako ngayon.
Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Diyos.
Ako ang nagpapalakas sa iyo
at nagsasabing huwag kang matatakot
dahil tutulungan kita.
Ang katulad nʼyo ay kalasag
na nag-iingat sa akin,
at sa pamamagitan ng inyong tulong
ay naging kilala ako.
"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.
At hihilingin ko sa Ama na bigyan niya kayo ng isa pang Patnubay na sasainyo magpakailanman.
Tinutulungan tayo ng Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Diyos para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin. At ang anumang nais sabihin ng Espiritu ay alam ng Diyos na siyang sumisiyasat sa puso ng mga tao. Sapagkat namamagitan ang Espiritu para sa mga tinawag na maging banal, kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos.
Magtiwala ka nang buong puso
sa Panginoon
at huwag kang manalig
sa iyong sariling karunungan.
Alalahanin mo ang Panginoon
sa lahat ng iyong ginagawa
at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.