Aliança
A aliança é o modo como Deus se relaciona com seu povo. Da aliança com Noé à Nova Aliança em Cristo, Deus se compromete com amor e fidelidade irrevogáveis.
Alianças com Israel
Deus firmou aliança com Abraão, Moisés e Davi. No arco-íris, na lei, nas promessas — Ele é o Deus da aliança.
Sinabi pa ng Diyos kay Noe at sa mga anak niya, "Itinatakda ko ngayon ang kasunduan ko sa inyo at sa mga lahi ninyo, at sa bawat nilalang na kasama ninyo sa barko: ang mga ibon, mga hayop na maaamo at maiiilap, lahat ng kasama ninyong lumabas sa barko, at sa bawat nilalang sa lupa. Ito ang itinatakda kong kasunduan sa inyo: Hindi ko na muling lilipulin ang lahat ng may buhay sa pamamagitan ng baha. At hindi na muling magkakaroon ng baha na lilipol sa daigdig."
At sinabi pa ng Diyos, "Bilang palatandaan ng kasunduan ko sa inyo at sa lahat ng nilalang na kasama ninyo, at sa lahat ng susunod pang mga henerasyon, inilagay ko ang aking bahaghari sa mga ulap, at ito ang magiging palatandaan ng aking kasunduan sa inyo.
Ito ang itinatakda kong kasunduan sa inyo: Hindi ko na muling lilipulin ang lahat ng may buhay sa pamamagitan ng baha. At hindi na muling magkakaroon ng baha na lilipol sa daigdig."
inilagay ko ang aking bahaghari sa mga ulap, at ito ang magiging palatandaan ng aking kasunduan sa inyo.
Sa araw na iyon, gumawa ng kasunduan ang Panginoon kay Abram. Sinabi niya, "Ibibigay ko sa mga lahi mo ang lupaing ito mula sa dulo ng ilog na hangganan ng Ehipto hanggang sa malaking ilog na Eufrates. Ito ang lupain ng mga Cineo, Cenizeo, Cadmoneo, Heteo, Perezeo, Refaita, Amoreo, Cananeo, Gergeseo, at mga Jebuseo."
Nang marinig ito ni Abram, nagpatirapa siya. Sinabi ng Diyos sa kanya, "Sa ganang akin, ito ang aking kasunduan sa iyo: Magiging ama ka ng maraming bansa. Mula ngayon, hindi na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham dahil gagawin kitang ama ng maraming bansa. Pararamihin ko ang mga lahi mo at magtatayo sila ng mga bansa, at ang iba sa kanila ay magiging hari. Tutuparin ko ang kasunduan ko sa iyo at sa mga lahi mo sa susunod mo pang mga henerasyon, at ako ang magiging Diyos nila. Ang kasunduang ito ay magpapatuloy magpakailanman. Mga dayuhan lamang kayo ngayon sa lupain ng Canaan. Ngunit ibibigay ko ang buong lupaing ito sa iyo at sa mga lahi mo. Magiging inyo na ito magpakailanman, at patuloy akong magiging Diyos ninyo."
Sinabi pa ng Diyos kay Abraham, "Ingatan mo ang kasunduan nating ito, at ganoon din ang dapat gawin ng mga lahi mo sa susunod pang mga henerasyon. At tungkol sa kasunduang ito, dapat ninyong tuliin ang lahat ng lalaki. Ito ang magiging palatandaan ng kasunduan ko sa inyo.
At nang ikalabing-apat na taon, tinalo ni Kedorlaomer at ng mga kakampi niyang hari ang mga Refaita sa Asterot-carnaim, ang mga Zuzita sa Ham, ang mga Emita sa kapatagan ng Save-kiryataim,
Kung lubos ninyo akong susundin at tutuparin ang aking kasunduan, pipiliin ko kayo sa lahat ng bansa upang maging mga mamamayan ko. Akin ang buong mundo,
"Itatakda ko na ang hangganan ng inyong lupain ay magsisimula sa Dagat na Pula hanggang sa Dagat ng Mediteraneo, at mula sa ilang hanggang sa Ilog Eufrates. Ibibigay ko sa inyo ang mga nakatira ngayon sa lupaing iyon, at itataboy nʼyo sila. Huwag kayong gagawa ng kasunduan sa kanila o sa mga diyos-diyosan nila.
Sinabi ng Panginoon, "Gagawa ako ng kasunduan sa inyo. Sa harap ng lahat ng iyong mga kababayan, gagawa ako ng mga kababalaghang hinding-hindi ko pa nagagawa sa kahit saang bansa sa buong mundo. Makikita ng mga mamamayan sa palibot ninyo ang mga bagay na gagawin ko sa pamamagitan mo.
Naroon si Moises kasama ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi na wala siyang kinain at ininom. Isinulat niya sa malalapad na bato ang mga tuntunin ng kasunduan, ang Sampung Utos.
Naroon si Moises kasama ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi na wala siyang kinain at ininom. Isinulat niya sa malalapad na bato ang mga tuntunin ng kasunduan, ang Sampung Utos.
Sinabi niya sa inyo ang mga bagay na gagawin ninyo sa pagtupad ng mga kasunduan niya sa inyo. Ito ay ang Sampung Utos na iniutos niyang sundin ninyo. At isinulat niya ito sa dalawang malalapad na bato.
Isipin ninyo na ang Panginoon na inyong Diyos ay iisang Diyos. Matapat siya at tinutupad niya ang kanyang kasunduan hanggang sa mga salinlahi ng mga nagmamahal sa kanya at sumusunod sa kanyang mga utos.
Alianças renovadas
O povo renovava a aliança diante do Senhor. A fidelidade de Deus permanece mesmo quando o povo falha.
Anihan noon at umaapaw ang tubig sa pampang ng Ilog Jordan. Umalis ang mga tao sa mga kampo nila para tumawid sa ilog. Nauuna sa kanila ang mga paring may dala ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. Paglusong ng mga pari sa ilog, huminto agad sa pagdaloy ang tubig. Naipon ang tubig sa malayo, sa lugar na tinatawag na Adam, isang bayan malapit sa Zaretan. Walang tubig na dumaloy papunta sa Dagat ng Araba (na siya ring tinatawag na Dagat na Patay), kaya nakatawid ang mga tao sa lugar na malapit sa Jerico. Nakatayo sa gitna ng natuyong ilog ang mga pari, dala ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon habang tumatawid ang mga Israelita. Hindi sila umalis doon hanggaʼt hindi nakakatawid ang lahat.
Pagkatapos, pinagawa ni Jehoiada ang hari at ang mga tao ng kasunduan sa Panginoon, na magiging mamamayan sila ng Panginoon. Gayon din ang ginawang kasunduan sa pagitan ng hari at ng mga tao na kanyang nasasakupan.
Pagkatapos, tumayo si Haring Josias sa gilid ng haligi. At gumawa siya ng kasunduan sa presensya ng Panginoon na susunod siya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtupad sa kanyang mga utos, katuruan, at tuntunin nang buong pusoʼt kaluluwa. Sa ganitong paraan matutupad ang mga ipinapatupad na kasunduan na nasusulat sa aklat na ito. At nangako rin ang mga tao na tutupad sila sa kasunduan.
Kaya noong panahong iyon, tinipon ni Joram ang buong Israel at umalis sila sa Samaria upang lusubin ang Moab. Nagpadala siya ng ganitong mensahe kay Haring Jehoshafat ng Juda: "Nagrebelde sa akin ang hari ng Moab. Sasáma ka ba sa akin para makipaglaban sa kanila?"
Sumagot si Jehoshafat, "Oo, sasáma ako saʼyo. Handa akong sumáma sa iyo pati na ang aking mga sundalo. Maging ang mga kabayo ko ay handa kong ipagamit saʼyo.
Kaya gumawa si Jonatan ng kasunduan sa pamilya ni David, at sinabi niya, "Ibigay ka sana ng Panginoon sa iyong mga kaaway, kapag hindi ka tumupad sa kasunduan natin ang mga kaaway ni David.." At pinasumpa ulit ni Jonatan si David ng pagmamahal sa kanya dahil mahal na mahal niya si David gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.
Sinabi ng Panginoon kay Moises, "Inalis ni Finehas na anak ni Eleazar at apo ng paring si Aaron ang aking galit sa mga Israelita. Sa pamamagitan ng kanyang ginawa, ipinakita niya ang kanyang kagustuhan na protektahan ang aking karangalan sa gitna nila. Kaya hindi ko sila nilipol. Kaya sabihin mo sa kanya na gagawa ako ng kasunduan sa kanya na pagpapalain ko siya. At sa kasunduang ito, siya at ang kanyang mga angkan ang magiging mga pari magpakailanman dahil ipinakita niya ang aking galit at tinubos niya ang mga Israelita sa kanilang mga kasalanan."
Kapag papasok si Moises sa Toldang Tipanan para makipag-usap sa Panginoon, naririnig niya ang boses na nakikipag-usap sa kanya galing sa gitna ng dalawang kerubin, sa ibabaw ng takip ng Kahon ng Kasunduan. Doon nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises.
Sinabi ng Panginoon kay Moises, "Sabihin mo sa mga Israelita na ang bawat pinuno ng bawat lahi ay magbibigay sa iyo ng isang tungkod at isulat doon ang kani-kanilang pangalan. Labindalawa lahat ang baston. Sa baston ng lahi ni Levi, isulat mo ang pangalan ni Aaron sapagkat kailangang may isang baston sa bawat pinuno ng lahi. Ilagay mo ang lahat ng ito sa Toldang Tipanan, sa harapan ng Kahon ng Kasunduan kung saan ako nakikipagkita sa inyo ni Aaron. At ang baston ng taong pipiliin kong maglilingkod sa akin bilang pari ay sisibulan at sa pamamagitan nito, titigil ang pagrereklamo ng mga Israelita laban sa inyo ni Aaron."
Kaya sinabi ito ni Moises sa mga Israelita, at ang bawat pinuno ng lahi ay nagbigay sa kanya ng baston. Ang lahat ng baston ay labindalawa at isa rito ang kay Aaron. Inilagay ni Moises ang lahat ng baston sa presensya ng Panginoon doon sa Toldang Tipanan.
Kinaumagahan, pumasok si Moises sa Tolda ng Kahon ng Kasunduan at nakita niya na ang baston ni Aaron, na kumakatawan sa lahi ni Levi ay hindi lang sumibol kundi nagkabuko pa, namulaklak, at namunga ng almendra. Pagkatapos, inilabas ni Moises ang lahat ng baston mula sa presensya ng Panginoon at ipinakita sa lahat ng mga Israelita. Tiningnan nila ito, at kinuha ng bawat pinuno ng lahi ang kani-kanilang baston.
Sinabi ng Panginoon kay Moises, "Ibalik ang baston ni Aaron sa harapan ng Kahon ng Kasunduan upang maging babala ito sa mga rebelde na mamamatay sila kung hindi sila titigil sa pagrerebelde laban sa akin." Tinupad ni Moises ang iniutos sa kanya ng Panginoon.
Muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon. Dahil dito, ipinasakop sila ng Panginoon kay Haring Eglon ng Moab. Sa tulong ng mga Amonita at Amalekita, nilusob at tinalo ni Eglon ang Israel, at sinakop ang lungsod ng Jerico.
Nova Aliança
Eis que dias vêm em que farei nova aliança. Jesus é mediador de uma aliança superior, fundamentada em melhores promessas.
Sinabi pa ng Panginoon, "Darating ang panahon
na gagawa ako ng bagong kasunduan
sa mga taga-Israel
at taga-Juda.
At hindi ito katulad ng unang kasunduan
na ginawa ko sa kanilang mga ninuno
noong pinatnubayan ko sila
sa paglabas sa Ehipto.
Kahit na akoʼy parang asawa nila,
hindi nila tinupad ang una naming kasunduan,"
sabi ng Panginoon.
"Ito ang bagong kasunduan
na gagawin ko sa mga mamamayan
ng Israel pagdating
ng araw na iyon,"
sabi ng Panginoon.
"Itatanim ko sa kanilang isipan
ang aking kautusan,
at isusulat ko ito sa mga puso nila.
Hindi na nila kailangan pang turuan
ang mga kababayan o kapatid nila
na kilalanin ang Panginoon.
Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan
at kakalimutan ko na
ang kanilang mga kasalanan,"
sabi ng Panginoon.
"Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Kung paanong hindi na mababago ang kasunduan ko sa araw at sa gabi na lalabas sila sa takdang oras, ganyan din ang kasunduan ko kay David na lingkod ko, na palaging magkakaroon ng hari na manggagaling sa angkan niya. At ganoon din sa mga paring Levita, maglilingkod pa rin sila sa akin.
Kaya si Kristo ang ginawang tagapamagitan sa atin at sa Diyos sa bagong kasunduan. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, tinubos niya ang mga taong lumabag sa unang kasunduan. Dahil dito, matatanggap ng mga tinawag ng Diyos ang walang hanggang pagpapala na ipinangako niya.
Kaya si Kristo ang ginawang tagapamagitan sa atin at sa Diyos sa bagong kasunduan. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, tinubos niya ang mga taong lumabag sa unang kasunduan. Dahil dito, matatanggap ng mga tinawag ng Diyos ang walang hanggang pagpapala na ipinangako niya.
Ngunit higit na dakila ang mga gawain ni Hesus bilang punong pari kaysa sa mga gawain ng mga pari, dahil siya ang tagapamagitan ng isang kasunduang higit na mabuti kaysa sa nauna. At nakasalalay ito sa mas mabubuting pangako ng Diyos.
Idinadalangin ko rin kayo sa Diyos na siyang pinagmumulan ng kapayapaan. Siya ang bumuhay sa ating Panginoong Hesus na Dakilang Pastol nating mga tupa niya. At dahil sa kanyang dugo, pinagtibay niya ang walang hanggang kasunduan. Nawaʼy ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng inyong kailangan upang masunod ninyo ang kanyang kalooban. At sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, nawaʼy gawin niya sa atin ang kalugod-lugod sa kanyang paningin. Purihin natin siya magpakailanman. Amen.
Siya ang nagbigay sa amin ng kakayahang maipahayag ang kanyang bagong tipan. At ang bagong tipan na ito ay hindi ayon sa nakasulat na kautusan kundi ayon sa Espiritu. Sapagkat ang Kautusan ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay-buhay.
Maaari nating tingnan ang dalawang babaeng ito bilang isang paghahalintulad. Kumakatawan sila sa dalawang kasunduan. Si Hagar ay kumakatawan sa kasunduan na ibinigay ng Diyos kay Moises sa Bundok ng Sinai. Ipinanganak na mga alipin ang mga anak niya. Si Hagar, na kumakatawan sa Bundok ng Sinai sa Arabia ay kumakatawan din sa kasalukuyang Jerusalem, sapagkat ang mga tao sa Jerusalem ay naging alipin ng Kautusan. Ngunit ang asawang si Sara ay hindi alipin, at siya ang kumakatawan sa Jerusalem na nasa langit, at siya ang ating ina dahil hindi tayo alipin ng Kautusan.
Fidelidade da aliança
A aliança de Deus é eterna. Ele não quebra seu pacto nem altera o que saiu dos seus lábios.
Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon
ay walang hanggan
sa sinumang may takot sa kanya;
ang matuwid niyang gawa
ay wala ring katapusan.
Ang magkakamit nitoʼy ang tapat
sa kasunduan,
at tapat na sumusunod
sa kanyang kautusan.
"At ito ang kasunduan ko sa inyo: Hindi mawawala ang aking Espiritu na nasa inyo at ang mga salitang sinabi ko sa inyo. Sabihin ninyo ito sa inyong mga anak, at kailangang sabihin din ito ng inyong mga anak sa kanilang mga anak hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito."
"Gagawa ako ng kasunduan sa kanila na magiging mabuti ang kanilang kalagayan. Palalayasin ko ang mababangis na hayop sa lupain nila upang makapanirahan sila sa ilang at makatulog sa kagubatan nang ligtas sa panganib.
Pangungunahan ka ng Panginoon at sasamahan ka niya; hindi ka niya iiwan o pababayaan man. Kaya huwag kang matakot ni panghinaan ng loob."
Ang haring iyon ay gagawa ng matibay na kasunduan sa napakaraming tao sa loob ng pitong taon. Ngunit pagkatapos ng tatloʼt kalahating taon, patitigilin niya ang mga paghahandog at ilalagay niya ang kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pagpapabaya sa Templo. Mananatili ito roon hanggang sa dumating ang katapusan ng hari na itinakda ng Diyos."
"Ang hari ng timog ay magiging makapangyarihan. Ngunit isa sa kanyang mga heneral ay magiging mas makapangyarihan kaysa sa kanya. At sa bandang huli, ang heneral na ito ay maghahari rin at magiging makapangyarihan ang kaharian niya. Pagkalipas ng ilang taon, magsasanib ang dalawang kahariang ito, dahil ipapaasawa ng hari ng timog ang anak niyang babae sa hari ng hilaga. Ngunit hindi magtatagal ang kapangyarihan ng babae pati ang kapangyarihan ng hari ng hilaga. Sapagkat sa panahong iyon, papatayin ang babae at ang kanyang asawaʼt anak, pati ang mga naglilingkod sa kanya.
Kaya gagawin ng hari ng hilaga ang anumang gusto niyang gawin at walang makapipigil sa kanya. Sasakupin niya ang magandang lupain ng Israel, at lubusan itong mapapasailalim sa kanyang kapangyarihan. Talagang determinado ang hari ng hilaga na salakayin ang kaharian sa timog nang buong lakas ng kaharian niya. Makikipagkasundo muna siya sa hari ng timog sa pamamagitan ng pag-aalok ng kanyang anak na maging asawa ng nito, para sa pamamagitan nito ay maibagsak niya ang kaharian sa timog. Ngunit hindi magtatagumpay ang kanyang layunin.
"Ipinangako ko sa aking sarili
na hinding-hindi ako titingin
nang may pagnanasa sa isang dalaga.
Ilalayo ka ng karunungan
sa masamang babae
na gustong umakit sa iyo
sa pamamagitan ng kanyang
matatamis na salita.
Iniwan ng ganyang babae
ang napangasawa niya
noong kanyang kabataan.
Kinalimutan niya
ang pangako niya sa Diyos
nang silaʼy ikasal.