Alimento
O alimento é provisão de Deus para o corpo e a alma. Jesus disse: Eu sou o pão da vida. A Bíblia ensina a receber com gratidão, partilhar com generosidade e confiar no Provedor.
O pão da vida
Jesus disse: Eu sou o pão da vida. Quem vem a mim nunca terá fome. O alimento espiritual sacia plenamente.
Sinabi ni Hesus sa kanila, "Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman.
Huwag kayong magtrabaho para lang sa pagkaing nasisira, kundi para sa pagkaing hindi nasisira at nakakapagbigay ng buhay na walang hanggan. Ang Anak ng Tao ang siyang magbibigay sa inyo ng pagkaing ito, dahil siya ang binigyan ng Diyos Ama ng kapangyarihang magbigay nito."
Ngunit sumagot si Hesus, "Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’"
Pinagpala ang mga taong labis na naghahangad
na tuparin ang kalooban ng Diyos,
sapagkat silaʼy masisiyahan.
Subalit pagsikapan muna ninyong gawin kung ano ang mahalaga sa kaharian ng Diyos at sundin ang kanyang kalooban, at lahat ng mga pangangailangang ito ay ipagkakaloob niya sa inyo.
"Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o iinumin, o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin. Hindi baʼt mas mahalaga ang buhay kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?
Gaya ng sanggol na bagong panganak, manabik kayo sa dalisay na gatas na espirituwal, upang lumago kayo hanggang makamtan nʼyo ang ganap na kaligtasan
Provisão divina
Deus provê alimento em abundância. Ele multiplica pães e peixes, enche os famintos e supre toda necessidade.
Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, inipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng labindalawang basket.
Dahil pinaiinom niya ang mga nauuhaw,
at pinakakain ang mga nagugutom.
Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako," sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. "Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala.
Ang Diyos na nagbibigay ng binhi sa magsasaka at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay ng inyong mga pangangailangan upang lalo pa kayong makatulong sa iba.
Ang taong mapagbigay
ay magtatagumpay sa buhay;
ang taong tumutulong
ay tiyak na tutulungan.
Ang matatamis na salita
ay parang pulot-pukyutan,
nakakapagpasaya at nakakapagpasigla
ng katawan.
Sinabi pa ni Nehemias, "Magdiwang kayo, kumain ng masasarap na pagkain at uminom ng masasarap na inumin. Bigyan nʼyo ang mga walang pagkain, dahil ang araw na ito ay banal sa Panginoon. At huwag kayong mabalisa, dahil ang kagalakang ibinigay ng Panginoon ay magpapatatag sa inyo."
Gratidão e moderação
Nada trouxemos para o mundo e nada levaremos. Tudo o que fizerdes, fazei para a glória de Deus — inclusive comer e beber.
Ang totoo, wala tayong dinala sa mundong ito, at wala rin tayong madadala pag-alis dito. Kaya kung mayroon na tayong pagkain at pananamit, dapat na tayong makontento.
Kaya kung kumain man kayo o uminom, o anuman ang gawin ninyo, gawin ninyo ang lahat ng ito para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Araw-araw, nagtitipon sila sa Templo at nagsasalo-salo sa pagkain upang gunitain ang Panginoon sa kanilang mga bahay na may lubos na kagalakan at malinis na kalooban. Palagi silang nagpupuri sa Diyos at ang mga taoʼy nalulugod sa kanila. Araw-araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga taong kanyang inililigtas.
Narito ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at buksan ang pinto, papasok ako at magsasalo kami sa pagkain.
Hindi dapat hamakin ng taong kumakain ng kahit ano ang taong gulay lamang ang kinakain. Gayundin naman ang taong gulay lamang ang kinakain, hindi nito dapat husgahan ang taong kumakain ng kahit ano, sapagkat pareho silang tinatanggap ng Diyos.
Kaya nga, huwag na kayong padadala sa mga tao na nagsasabi sa inyo kung ano ang hindi dapat kainin o inumin, o kung ano ang dapat gawin tuwing kapistahan, Pista ng Pagsisimula ng Buwan, o Araw ng Pamamahinga. Anino lamang ang mga ito ng inaasahan noon na darating, at si Kristo ang katuparan nito.
Ibinaba niya kayo sa pamamagitan ng paggutom sa inyo at pagkatapos, binigyan niya kayo ng manna – isang klase ng pagkain na hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon para ituro sa inyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Panginoon.
Maaari ninyong kainin ang anumang hayop na nabubuhay sa tubig na may palikpik at kaliskis. Ngunit huwag ninyong kainin ang walang palikpik at kaliskis. Ituring ninyo itong marumi.
Pagkatapos, sinabi ng Diyos, "Ibinibigay ko sa inyo ang mga tanim na namumunga ng butil pati ang mga punongkahoy na namumunga upang inyong kainin.
Makakakain na kayo ngayon ng mga hayop. Ibinibigay ko ito sa inyo bilang pagkain, kagaya ng mga ibinigay ko sa inyo na mga pananim na makakain.
"Ngunit huwag ninyong kakainin ang hayop na nang mamatay ay hindi lumabas ang dugo, dahil ang dugo ay simbolo ng buhay.
Hindi ako kumain ng masarap na pagkain, ni tumikim ng karne o uminom ng alak, at hindi rin ako nagpabango ng katawan hanggang hindi natatapos ang tatlong linggo.