Amigo
O amigo verdadeiro é dádiva rara de Deus. Ele ama em todo tempo, fala a verdade em amor, aconselha com sabedoria e permanece fiel nas adversidades da vida.
Amizade verdadeira
Há amigo mais chegado que um irmão. Em todo tempo ama o amigo. O perfume e o incenso alegram o coração — assim o conselho doce do amigo.
May mga kaibigang nagdudulot
ng kapahamakan
ngunit may kaibigan mas malapít pa
kaysa sa kapatid.
Ang kaibigan ay nagmamahal
sa lahat ng panahon,
at nagkakaroon tayo ng kapatid
para sa kagipitan ay tumulong.
Ang langis at pabango
ay gaya ng tapat na payo
ng isang kaibigan na nagdudulot
ng kaligayahan.
Kung paanong pinatatalas
ng bakal ang kapwa-bakal,
ang tao namaʼy matututo
sa kanyang kapwa-tao.
Mas mabuti ang pagsaway
na lantaran,
kaysa sa pag-ibig
na hindi ipinapaalam.
Ang masakit na pagsaway ng isang
tunay na kaibigan ay may katuturan,
ngunit ang halik ng kaaway ay hindi maaasahan.
Huwag mong talikuran
ang iyong kaibigan
o ang kaibigan ng iyong pamilya.
Kapag may sakunang nangyari,
huwag kang pupunta
sa bahay ng iyong kapatid;
mas nakakatulong pa
ang malapit na kapitbahay
kaysa kapatid na nasa malayo.
Kapag ang lagi mong kasama
ay isang taong marunong,
magiging marunong ka rin,
ngunit kapag hangal
ang lagi mong kasama
ay mapapahamak ka.
Ikatlong Kawikaan
Huwag kang makipagkaibigan
sa taong madaling magalit,
baka mahawa ka sa kanyang pag-uugali
at para ka na ring naglagay
ng bitag para sa iyong sarili.
Marami ang nagsasabing sila ay tapat,
ngunit ang totooʼy mahirap makahanap
ng taong tunay na mapagkakatiwalaan?
Ang mayaman ay maraming kaibigan,
ngunit ang mahirap namaʼy
iniiwanan ng kaibigan.
Jesus, o amigo
Já não vos chamo servos, mas amigos. O maior amor é dar a vida pelo amigo. Jesus é o amigo que nunca falha.
Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Mga kaibigan ko kayo kung sinusunod nʼyo ang aking mga utos. Hindi ko na kayo itinuturing na alipin, dahil hindi alam ng alipin kung ano ang ginagawa ng kanyang amo. Sa halip, itinuturing ko na kayong mga kaibigan, dahil sinasabi ko sa inyo ang lahat ng sinabi ng Ama sa akin.
Ito ang aking utos: Magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.
Mga minamahal, kung ganoon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa atin, nararapat lamang na mag-ibigan tayo. Wala pang taong nakakita sa Diyos. Ngunit kung nag-iibigan tayo, ang Diyos ay sumasaatin at nagiging ganap ang kanyang pag-ibig sa atin.
Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: Inialay ni Hesu-Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid. Kung sinuman ang nasa maayos na pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba nating sumasakanya ang pag-ibig ng Diyos? Mga minamahal kong anak, huwag tayong magmahal sa salita lamang; sa halip ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahal.
Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, "Sumampalataya si Abraham sa Diyos, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Diyos."
Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Kristo at maging magalang sa isaʼt isa.
Companheiros de fé
Dois são melhores do que um. Os companheiros de fé se fortalecem mutuamente e caminham juntos com o Senhor.
Mas mabuti ang may kasama
kaysa mag-isa;
mas marami silang magagawa.
Kapag nadapa ang isa sa kanila
maitatayo siya ng kanyang kasama.
Kaya nakakaawa ang taong nag-iisa at nadapa,
dahil walang tutulong sa kanya.
Napakagandang makita ang mga mamamayan ng Diyos
na namumuhay nang may pagkakaisa.
Itoʼy parang mamahaling langis na ibinuhos
sa ulo ni Aaron
na dumaloy sa kanyang balbas
hanggang sa kuwelyo ng kanyang damit.
Katulad din ito ng hamog sa Bundok ng Hermon
na umaabot sa Bundok ng Zion.
At dito sa Zion ay nangako ang Panginoon na magbibigay nang pagpapala,
at itoʼy ang buhay na walang hanggan.
Akoʼy kaibigan ng lahat
ng may takot sa inyo
at sumusunod sa inyong mga tuntunin.
Sumumpa si Jonatan kay David na magiging magkaibigan sila sa habang panahon dahil mahal niya si David gaya ng kanyang sarili.
Huwag kayong palilinlang, sapagkat "Ang masasamang kasamaʼy nakakasira ng mabuting ugali."