Pular para o conteúdo
Publicidade

Amor fraternal

Por Bíblia Online

O amor fraternal é marca dos discípulos de Cristo. Nisto conhecerão que sois meus discípulos: se tiverdes amor uns aos outros.

Amar uns aos outros

Este é o meu mandamento: que vos ameis uns aos outros como Eu vos amei. O amor fraternal é testemunho ao mundo.

"Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa. Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat na mga alagad ko kayo."

Ito ang aking utos: Magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo.

Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Magmahalan Tayo

Sapagkat ito ang aral na narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya: Magmahalan tayo.

Alam nating iniwan na natin ang daang patungo sa kamatayan at lumipat na tayo sa daang patungo sa buhay, dahil minamahal natin ang ating mga kapatid kay Kristo. Ang sinumang hindi nagmamahal sa kapwa ay nananatili sa daang patungo sa kamatayan.

Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: Inialay ni Hesu-Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid. Kung sinuman ang nasa maayos na pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba nating sumasakanya ang pag-ibig ng Diyos? Mga minamahal kong anak, huwag tayong magmahal sa salita lamang; sa halip ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahal.

Ang Pag-ibig ng Diyos at ang Ating Pag-ibig

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Diyos at nakakakilala sa Diyos.

Ito ang tunay na pag-ibig: Hindi tayo ang umibig sa Diyos kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak para ialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Mga minamahal, kung ganoon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa atin, nararapat lamang na mag-ibigan tayo. Wala pang taong nakakita sa Diyos. Ngunit kung nag-iibigan tayo, ang Diyos ay sumasaatin at nagiging ganap ang kanyang pag-ibig sa atin.

Ang nagsasabing iniibig niya ang Diyos ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Sapagkat kung ang kapatid niya mismo na nakikita niya ay hindi niya magawang ibigin, paano pa kaya niya magagawang ibigin ang Diyos na hindi naman niya nakikita? Ito ang utos na ibinibigay sa atin ni Kristo: Ang taong umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang kapatid.

Expressões de amor fraternal

Amai-vos com afeição fraternal. O amor cobre multidão de pecados. Perseverai no amor fraterno.

Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Kristo at maging magalang sa isaʼt isa.

Pag-ibig ang Katuparan ng Kautusan

Huwag kayong mananatiling may pagkakautang kaninuman, maliban sa utang ng pagmamahalan. Sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan.

Pagdurusa dahil sa Paggawa ng Mabuti

Ngayon, narito ang ilan ko pang bilin sa inyong lahat: Dapat magkaisa kayo sa isip at damdamin, at magdamayan. Magmahalan kayo bilang magkakapatid. Maging maunawain at mapagpakumbaba kayo sa isaʼt isa.

Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.

Ngayon, tungkol sa pagmamahalan bilang magkakapatid sa Panginoon, hindi na kayo kailangang paalalahanan pa tungkol dito, dahil ang Diyos na mismo ang nagturo sa inyo na magmahalan.

Mga Pangwakas na Salita

Magpatuloy kayo sa pagmamahalan bilang magkakapatid kay Kristo. Huwag ninyong kalimutang patuluyin ang mga dayuhan sa tahanan ninyo. May mga taong gumawa niyan noon, at hindi nila alam na mga anghel pala ang mga bisita nila. Damayan ninyo ang mga kapatid na nasa bilangguan na parang nakabilanggo rin kayong kasama nila, at damayan din ninyo ang mga kapatid na pinagmamalupitan na para bang dumaranas din kayo ng ganoon.

At higit sa lahat, pairalin ninyo ang pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa.

Sumagot si Hesus, " Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip. Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.

Kung sinusunod ninyo ang kautusan ng Hari sa Kasulatan, na nagsasabi, "Mahalin mo ang iyong kapwa, gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili," mabuti ang ginagawa ninyo.

Seja o primeiro