Ânimo
O ânimo vem de Deus. Ele nos fortalece, nos encoraja e renova nossas forças. Quando o desânimo chega, as promessas de Deus nos levantam e nos impulsionam a seguir em frente.
Ang Panginoon ang aking ilaw
at Tagapagligtas.
Sino ang aking katatakutan?
Siya ang nagtatanggol sa akin
kaya wala akong dapat katakutan.
Ang kaligtasan ng mga matuwid
ay mula sa Panginoon.
Siya ang tanggulan nila
sa panahon ng kaguluhan.
Nang humingi ako ng tulong,
akoʼy inyong sinagot.
Akoʼy binigyan ninyo ng lakas ng loob.
Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin.
Nakatitiyak akong ipagpapatuloy ng Diyos ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus.
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.
Sumagot ang mga tao, "Wala sa isipan naming tumalikod sa Panginoon at maglingkod sa ibang mga diyos. Ang Panginoon na ating Diyos mismo ang naglabas sa atin at sa mga ninuno natin sa pagkaalipin doon sa Ehipto. Nakita rin natin ang mga himalang ginawa niya. Iningatan niya tayo sa paglalakbay natin sa mga bansang dinadaanan natin.
Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan,
Nananabik akong makita kayo dahil nais kong ibahagi sa inyo ang espirituwal na kaloob na magpapatatag sa inyong pananampalataya. Ang ibig kong sabihin, magtutulungan tayo sa pagpapalakas ng pananampalataya ng isaʼt isa.
Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw.
Kaya nga, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.
Dahil dito, mga kapatid, napasigla kami ng inyong pananampalataya sa kabila ng mga paghihirap at pagdurusa namin.