Arrependimento
O arrependimento é a porta da graça. A Bíblia declara que Deus não deseja a morte do ímpio, mas que se converta e viva. Arrependei-vos, pois o Reino dos Céus está próximo.
Chamado ao arrependimento
Arrependei-vos, porque o Reino dos Céus está próximo. Quem se arrepende e confessa encontra restauração e perdão.
Mula nooʼy nagsimulang mangaral si Hesus, "Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos, dahil malapit nang dumating ang kaharian ng Langit."
Kung totoong nagsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo sa inyong mga gawa.
Humayo kayo at intindihin nʼyo kung ano ang kahulugan nito: ‘Ang hinahangad koʼy ang maging maawain kayo, hindi ang handog ninyo.’ Sapagkat naparito ako hindi para tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan."
Sinabi niya, "Dumating na ang takdang panahon! Malapit na ang paghahari ng Diyos. Pagsisihan at talikuran na ninyo ang inyong mga kasalanan, at maniwala kayo sa Magandang Balita!"
Hindi! Ngunit tinitiyak ko sa inyo: Mapapahamak din kayo tulad nila kung hindi ninyo pagsisisihan ang inyong mga kasalanan.
Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan upang magsisi sila."
Sumagot si Pedro sa kanila, "Magsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Hesu-Kristo, upang mapatawad ang inyong mga kasalanan. At matatanggap ninyo ang regalo ng Diyos na walang iba kundi ang Banal na Espiritu.
Kaya ngayon, magsisi na kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin niya ang inyong mga kasalanan.
Noong una, nang hindi pa kilala ng mga tao ang Diyos, hindi niya pinansin ang kanilang mga kasalanan. Ngunit ngayon, inuutusan ng Diyos ang lahat ng tao sa lahat ng lugar na magsisi at talikuran ang kanilang masamang gawain.
A graça do arrependimento
Os que eu amo, eu repreendo e disciplino. Arrepende-te! Deus não quer que nenhum se perca — mas que todos cheguem ao arrependimento.
"Ang lahat ng minamahal ko ay tinutuwid ko at dinidisiplina. Kaya magsisi kayo at ituwid ang ugali ninyo.
Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.
Hindi ako natutuwa kapag may namamatay. Kaya magsisi na kayo para kayoʼy mabuhay, sabi ng Makapangyarihang Panginoon."
at kung ang mga mamamayan ko na aking tinawag ay magpakumbaba, manalangin, dumulog sa akin, at tumalikod sa ginagawa nilang kasamaan, diringgin ko sila mula sa langit at patatawarin ang kanilang kasalanan, at pagpapalain kong muli ang kanilang lupain.
Nagpadala si Ezequias ng mensahe sa lahat ng mamamayan ng Israel at Juda, pati na sa mga mamamayan ng Efraim at Manases. Inimbita niya sila na pumunta sa Templo ng Panginoon sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel bilang pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Nagpasya ang hari at ang kanyang mga opisyal, at ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem na ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa ikalawang buwan. Dapat sanaʼy gaganapin ang pistang ito sa unang buwan, pero kakaunti lang ang mga pari na naglinis ng kanilang sarili sa panahong iyon at hindi nagtipon ang mga tao sa Jerusalem. Nagustuhan ng hari at ng lahat ng mamamayan ang plano na pagdiriwang ng pista, kaya nagpadala sila ng mensahe sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na dapat pumunta ang mga tao sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Sa mga nagdaang pagdiriwang, kakaunti lang ang nagsidalo. Ngunit sinasabi ng kautusan na dapat dumalo ang lahat.
Sa utos ng hari, pumunta nga ang mga mensahero sa buong Israel at Juda dala ang mga sulat mula sa hari at sa kanyang mga opisyal. Ito ang nakasulat:
"Mga mamamayan ng Israel, ngayong nakaligtas kayo sa kamay ng mga hari ng Asiria, panahon na upang magbalik-loob kayo sa Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob, upang bumalik din siya sa inyo. Huwag nʼyong tularan ang inyong mga ninuno at mga kamag-anak na hindi naging tapat sa Panginoon na kanilang Diyos, na dahil ditoʼy ginawa silang kasuklam-suklam ng Panginoon gaya ng nakikita ninyo ngayon. Kaya huwag maging matigas ang inyong ulo gaya ng inyong mga ninuno, kundi magpasakop kayo sa Panginoon. Pumunta kayo sa Templo na kanyang pinabanal magpakailanman. At maglingkod kayo sa Panginoon na inyong Diyos, upang mawala ang matindi niyang galit sa inyo. Sapagkat kung manunumbalik kayo sa Panginoon, kahahabagan ng mga bumihag ang inyong mga anak at mga kamag-anak, at pababalikin sila rito sa lupain. Sapagkat matulungin at mahabagin ang Panginoon na inyong Diyos. Hindi niya kayo tatalikuran kung manunumbalik kayo sa kanya."
Pumunta ang mga mensahero sa bawat bayan sa buong Efraim at Manases hanggang sa Zebulun, pero pinagtawanan lang sila at hinamak ng mga tao. Ngunit may ibang galing sa Asher, Manases at Zebulun na nagpakumbaba at pumunta sa Jerusalem. Kumilos din ang Panginoon sa mga taga-Juda upang magkaisa sila sa pagtupad ng utos ng hari at ng mga opisyal, ayon sa utos ng Panginoon.
Kaya nang ikalawang buwan, maraming tao ang nagtipon sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Inalis nila ang mga altar para sa mga diyos-diyosan sa Jerusalem, pati ang mga altar na pinagsusunugan ng insenso, at itinapon nila ang lahat ng ito sa Lambak ng Kidron.
Nang ikalabing-apat na araw ng ikalawang buwan, kinatay ng mga tao ang kanilang mga tupa para sa Pista ng Paglampas ng Anghel. Ang mga pari at mga Levita ay napahiya kaya naglinis sila at nag-alay ng mga handog na sinusunog sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, pumuwesto sila sa kanilang mga lugar sa Templo ayon sa mga tuntunin sa kautusan ni Moises na lingkod ng Diyos. Iwinisik ng mga pari sa altar ang dugo na dinala sa kanila ng mga Levita.
Dahil marami sa mga tao roon ang hindi naglinis ng kanilang sarili, ang mga Levita ang siyang nagkatay ng tupa para sa kanila, upang silaʼy maging malinis sa harapan ng Panginoon. Karamihan sa mga pumunta na nagmula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun ay hindi naglinis ng kanilang sarili, pero kumain pa rin sila ng inihandog para sa Pista ng Paglampas ng Anghel, kahit labag ito sa kautusan. Ngunit nanalangin si Ezequias para sa kanila. Sinabi niya, "O Panginoon, sa inyo pong kabutihan, sanaʼy patawarin nʼyo po ang bawat tao na nagnanais na dumulog sa inyo, ang Panginoon, ang Diyos ng kanyang ninuno, kahit na hindi po siya malinis ayon sa mga tuntunin sa Templo." Pinakinggan ng Panginoon si Ezequias at pinatawad niya ang mga tao.
Sa loob ng pitong araw, ang mga Israelita na naroon sa Jerusalem ay nagdiwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang may malaking kagalakan. Araw-araw, umaawit ang mga Levita at ang mga pari ng mga papuri sa Panginoon, na tinutugtugan nang malalakas na instrumento na ginagamit sa pagpupuri sa Panginoon.
Pinuri ni Ezequias ang lahat ng Levita sa mabuting gawa na ipinakita nila sa paglilingkod sa Panginoon. Kaya nagpatuloy ang pagdiriwang nila sa loob ng pitong araw. Kinain nila ang kanilang bahagi sa mga handog, at naghandog sila ng mga handog pangkapayapaan, at nagpuri sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
Pagkatapos, nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang pa sila ng pitong araw. Kaya ginawa nila ito nang may malaking kagalakan. Nagbigay si Haring Ezequias sa mga tao ng isang libong toro, pitong libong tupa at kambing. Nagbigay din ang mga opisyal ng isang libong toro at sampung libong tupaʼt kambing. Marami sa mga pari ang naglinis ng kanilang sarili.
Masayang nagdiwang ang buong kapulungan ng Juda, ang mga pari, ang mga Levita at ang lahat ng nagtipon mula sa Israel, pati ang mga dayuhang naninirahan sa Israel at Juda. Labis ang kasayahan sa Jerusalem. Wala pang ganitong kasayahan na nangyari sa Jerusalem mula noong panahon na si Solomon na anak ni David ang hari sa Israel. Pagkatapos, nagsitayo ang mga pari at ang mga Levita, at binasbasan nila ang mga tao. At pinakinggan ito ng Diyos sa langit, sa kanyang banal na tahanan.
Magsisi kayo nang buong puso
at hindi pakitang-tao lamang
tulad ng pagpunit ninyo
ng inyong mga damit.
Magbalik-loob kayo sa Panginoon
na inyong Diyos,
sapagkat siyaʼy mahabagin
at mapagmalasakit,
hindi madaling magalit
at wagas ang pag-ibig.
Naghuhunos-dili siya
at hindi itinutuloy ang kanyang parusa.
Noong ikawalong buwan ng ikalawang taon ng paghahari ni Dario sa Persia, nagpahayag ang Panginoon kay Propeta Zacarias na anak ni Berequias na anak ni Ido.
Sinabi niya, "Matindi ang galit ng Panginoon sa inyong mga ninuno. Kaya sabihin mo sa kanila: Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan: ‘Magbalik-loob kayo sa akin at akoʼy babalik sa inyo,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. Huwag ninyong gayahin ang ginawa ng inyong mga ninuno. Silaʼy sinabihan ng mga propeta noon: Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Talikuran ninyo ang inyong masasamang pamumuhay at gawa.’ Ngunit hindi sila nakinig. Hindi sila sumunod sa akin. Ang inyong mga ninuno at ang mga propetang iyon ay namatay na. Ngunit hindi baʼt nangyari sa inyong mga ninuno ang mga sinabi ko pati ang mga tuntuning iniutos ko sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta?
"Kaya nagsisi sila at nagsabing, ‘Pinarusahan tayo ng Panginoon ng mga Hukbo ayon sa ating ginawa, gaya ng kanyang napagpasyahang gawin sa atin.’ "
Sa ikadalawampuʼt apat na araw ng ikalabing-isang buwan, ang buwan ng Shebat, noong ikalawang taon ng paghahari ni Dario, nagpahayag ang Panginoon kay Propeta Zacarias na anak ni Berequias na anak ni Ido.
Isang gabi, nakita ko ang isang lalaking nakasakay sa kabayong kulay pula. Nakatayo siya sa gitna ng mga puno ng mirto na nasa lambak. Sa likuran niya ay may mga kabayong kulay pula, kayumanggi, at puti.
Itinanong ko sa anghel na nakikipag-usap sa akin, "Ano po ang ibig sabihin ng mga ito?"
At sinabi niya sa akin, "Ipapakita ko sa iyo ang ibig sabihin nito."
Ang taong nakatayo sa gitna ng mga puno ng mirto ang siyang nagpaliwanag sa akin. Sinabi niya, "Ang mga mangangabayong iyon ay ipinadala ng Panginoon upang umikot sa buong mundo."
Iniulat ng mga mangangabayo sa anghel ng Panginoon na nakatayo malapit sa mga puno ng mirto, "Nalibot na namin ang buong mundo at nakita naming tahimik ito."
Sinabi ng anghel ng Panginoon, "Makapangyarihang Panginoon, hanggang kailan nʼyo pa pahihirapan ang Jerusalem at ang iba pang bayan ng Juda? May pitumpung taon na po kayong galit sa kanila." Ang isinagot ng Panginoon sa anghel ay magagandang salita at nakapagbigay ng kaaliwan.
At sinabi ng anghel na nakikipag-usap sa akin, "Ipahayag mo ang mensaheng ito: Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Labis ang paninibugho ko para sa Jerusalem at Zion, at matindi ang galit ko sa mga bansang akala ay ligtas sila. Hindi ako gaanong galit sa aking mamamayan noon, ngunit naging labis naman ang kasamaang ipinaranas ng mga bansa sa kanila.’
"Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Babalik akong may awa sa Jerusalem, at itatayo kong muli ang lungsod na ito pati na ang aking templo,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
"Sinabi ng anghel na sabihin ko pa itong ipinasasabi ng Makapangyarihang Panginoon: ‘Uunlad muli ang aking mga bayan sa Juda. At aaliwin kong muli ang Zion, ang lungsod ng Jerusalem, at muli ko itong ituturing na hinirang kong bayan.’ "
Pagkatapos, tumingala ako at nakita ko ang apat na sungay. Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, "Ano ang ibig sabihin ng mga sungay na ito?"
Sumagot siya, "Ang mga sungay ay ang mga bansang nagpakalat sa mga mamamayan ng Israel, Juda, at Jerusalem."
Pagkatapos, ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday. Itinanong ko, "Ano ang gagawin nila?"
Sumagot siya, "Sisindakin nila at wawasakin ang mga sungay. Ang mga sungay na ito ay ang mga bansang lubusang nagwasak sa Juda at nagpangalat sa kanyang mga mamamayan."
Hindi ka uunlad
kung hindi mo ipapahayag
ang iyong mga kasalanan,
ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan,
kahahabagan ka ng Diyos.
Pakinggan ninyo
ang pagsaway ko sa inyo.
Sasabihin ko sa inyo
kung ano ang iniisip ko.
Ipapaalam ko sa inyo
ang aking sasabihin laban sa inyo,
Confissão e restauração
Se confessarmos, Ele é fiel e justo. Há alegria no céu por um pecador que se arrepende — o arrependimento abre o caminho da vida.
Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, matapat siyang magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyaʼy matuwid.
Ganoon din sa langit, masayang-masaya sila roon dahil sa isang makasalanang nagsisi kaysa sa siyamnapuʼt siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi.
Ganoon din sa langit, masayang-masaya ang mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisi."
Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso.