Bíblia
A Bíblia é a Palavra de Deus — viva, eficaz e mais cortante que espada de dois gumes. Toda Escritura é inspirada por Deus e útil para ensinar, repreender, corrigir e instruir em justiça.
Inspiração divina
Toda Escritura é inspirada por Deus. Homens santos falaram da parte de Deus movidos pelo Espírito Santo.
Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, upang maging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Diyos.
Mula pa sa pagkabata, alam mo na ang Banal na Kasulatan, na nakapagbibigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Hesus. Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, upang maging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Diyos.
Higit sa lahat, dapat ninyong tandaan na walang propesiya sa Kasulatan ang nanggaling sa sariling pang-unawa ng mga propetang naghayag nito. Sapagkat hindi galing sa sarili nilang kalooban ang mga ipinangaral nila kundi sa Banal na Espiritu na nag-udyok sa kanila para sabihin ang salita ng Diyos.
Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.
Maging handa ka sa pangangaral ng Salita ng Diyos sa anumang panahon. Ilantad mo ang mga maling aral; pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
Habang wala pa ako riyan, gamitin mo ang panahon mo sa pagbabasa ng Kasulatan sa mga tao, sa pangangaral at pagtuturo.
Poder da Palavra
A Palavra de Deus é viva e eficaz. O céu e a terra passarão, mas as minhas palavras jamais passarão.
Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.
Ang langit at lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita koʼy mananatili magpakailanman.
Ngunit sumagot si Hesus, "Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’"
Kung paanong ang ulan at nyebe
ay nagmumula sa itaas,
at hindi bumabalik doon
hanggaʼt hindi muna nakapagbibigay
ng tubig sa lupa
at nakapagpapalago ng mga halaman
upang makapagbigay ng binhi
at pagkain sa nagtatanim
at sa mga tao.
Ganyan din ang aking mga salita,
hindi ito mawawalan ng kabuluhan.
Isasakatuparan nito ang aking ninanais,
at isasagawa ang aking layunin
kung bakit ko ito ipinadala.
Ibukod mo sila upang maging iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan.
Sinasaliksik ninyo ang Kasulatan sa pag-aakalang sa pamamagitan nitoʼy magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Ang Kasulatan mismo ang nagpapatotoo tungkol sa akin,
ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman."
At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.
Paano mapapanatili ng isang kabataan
na dalisay ang kanyang buhay?
Sa pamamagitan ng pamumuhay niya
ayon sa inyong salita.
Totoo ang lahat ng inyong salita,
at ang inyong mga utos
ay makatuwiran magpakailanman.
ש Sin at Shin
Estudar e pregar
Os bereanos examinavam as Escrituras diariamente. Procura apresentar-te a Deus aprovado como obreiro que maneja bem a Palavra.
Mas bukas ang isipan ng mga Hudyong taga-Berea kaysa sa mga taga-Tesalonica. Gustong-gusto nilang makinig sa mga itinuturo nina Pablo. At araw-araw nilang sinasaliksik ang Kasulatan upang alamin kung totoo nga ba ang mga sinasabi nina Pablo.
At katulad ng nakagawian ni Pablo, pumunta siya sa sinagogang iyon. At sa loob ng tatlong magkakasunod na Araw ng Pamamahinga, nakipagtalakayan siya sa mga tao roon. Ginamit niya ang Kasulatan upang patunayan sa kanila na ang Mesias ay kinakailangang magtiis at muling mabuhay. Sinabi ni Pablo, "Itong Hesus na aking ipinapahayag sa inyo ay ang Mesias."
Kaya patakbong lumapit sa karwahe si Felipe, at narinig niyang binabasa ng lalaki ang aklat ni Propeta Isaias. Tinanong siya ni Felipe, "Nauunawaan ba ninyo ang inyong binabasa?"
Sumagot ang eunuko, "Paano ko mauunawaan kung wala namang magpapaliwanag sa akin?" Kaya inanyayahan niya si Felipe na sumakay sa kanyang karwahe at maupo sa tabi niya.
Ito ang bahagi ng Kasulatan na kanyang binabasa:
"Siya ay tulad ng isang tupa
na inaakay patungo sa katayan;
Gaya ng isang munting tupa
wala siyang imik habang ginugupitan
ni bibig niyaʼy ayaw buksan.
Kaya simula sa bahaging iyon ng Kasulatan, ipinaliwanag sa kanya ni Felipe ang Magandang Balita tungkol kay Hesus.
Sapagkat itinalaga niya ang sarili niya sa pag-aaral at pagtupad ng Kautusan ng Panginoon, at sa pagtuturo ng mga tuntunin at mga utos nito sa mga Israelita.
Sinabi sa kanila ni Hesus, "Mga mangmang kayo! Napakahirap ninyong maniwala sa lahat ng sinabi ng mga propeta! Hindi baʼt ang Mesias ay kailangang magtiis ng lahat ng ito bago siya parangalan ng Diyos?" At ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan tungkol sa kanya, mula sa mga isinulat ni Moises hanggang sa mga isinulat ng mga propeta.
Lumapit sa kanila si Hesus at sinabi, "Ibinigay sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya humayo kayo sa lahat ng mga lahi at gawin silang mga alagad ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: Akoʼy palagi ninyong kasama hanggang sa katapusan ng mundo."
Ipahayag ninyo sa kanila na malapit na ang paghahari ng Langit.
Revelação e fidelidade
A Palavra do Senhor veio aos profetas. A graça de Deus se manifestou na Escritura para a salvação de todos.
Kaya sinabi ng Panginoon kay Elias,
Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay Joel na anak ni Petuel.
At sinabi ng Panginoon kay Jeremias,
Ito ang mensahe ng Panginoon para sa bansang Israel sa pamamagitan ni Malakias.
Sinabi muli ng Panginoon kay Zacarias,
Sinabi ng Panginoon kay Isaias
Ang Espiritu ng Makapangyarihang Panginoon
ay sumasaakin.
Sapagkat hinirang niya ako
na mangaral ng magandang balita
sa mga dukha.
Sinugo niya ako para aliwin
ang mga sugatang-puso,
at para ipahayag sa mga bihag
at mga bilanggo na silaʼy malaya na.
Sinugo rin niya ako para ipahayag
na ngayon na ang panahon
na ililigtas ng Panginoon
ang kanyang mga mamamayan
at parurusahan ang kanilang mga kaaway.
Sinugo rin niya ako
para aliwin ang mga nalulungkot sa Zion,
nang sa ganoon,
sa halip na maglagay sila ng abo
sa kanilang ulo bilang tanda
ng pagdadalamhati,
maglalagay sila ng langis
o ng koronang bulaklak
sa kanilang ulo
bilang tanda ng kaligayahan.
Silaʼy magiging parang matibay na puno
na itinanim ng Panginoon.
Kikilalanin silang mga taong matuwid
sa ikakaluwalhati ng Panginoon.
Viver pela Palavra
Não só de pão vive o homem. Nada acrescentes nem diminuas. A Palavra é alimento, guia e espada do cristão.
Ang bawat salita ng Diyos
ay tunay na mapagkakatiwalaan.
Siya ay tulad ng panangga
sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.
Huwag mong dadagdagan
ang kanyang mga salita,
dahil kung gagawin mo ito,
sasawayin ka niya
at ipapakita na ikaw ay sinungaling."
Binabalaan ko ang lahat ng nakakarinig sa propesiya sa aklat na ito. Sa sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat dito. At ang sinumang magbawas sa mga nilalaman ng aklat na ito ay aalisan ng Diyos ng karapatang kumain sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. At mawawalan din siya ng karapatang makapasok sa Banal na Lungsod na nabanggit sa aklat na ito.
Nagtaka ako dahil napakadali ninyong tumalikod sa Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Kristo. Bumaling kayo sa ibang katuruan na ayon sa ibaʼy magandang balita. Ang totoo, walang ibang Magandang balita. Nasabi ko ito dahil may mga taong nanggugulo sa inyo, at gusto nilang baluktutin ang Magandang Balita tungkol kay Kristo. Sumpain nawa ng Diyos ang sinuman – kami man ito o kahit isang anghel galing sa langit – na mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa ipinangaral namin sa inyo. Sinabi na namin sa inyo noon at muli kong sasabihin: Kung may mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa tinanggap ninyo, sumpain siya ng Diyos!
Alalahanin nʼyo na kaya hindi pa dumarating ang Panginoon ay upang mabigyan ng pagkakataong maligtas ang mga tao, gaya nga ng mga isinulat sa inyo ng mahal nating kapatid na si Pablo sa pamamagitan ng karunungang ibinigay sa kanya ng Panginoon. At ito rin ang sinasabi niya sa lahat ng sulat niya. May ilang bahagi sa mga sulat niya na mahirap intindihin, na binibigyan ng maling kahulugan ng mga hangal at mahihina ang pananampalataya, gaya ng ginagawa nila sa ibang mga Kasulatan. Kaya sila mismo ang nagpapahamak sa sarili nila.
Ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan noong unang panahon ay isinulat upang turuan tayo. At sa pamamagitan ng Kasulatan, tayoʼy magiging matatag at malakas ang loob, at magkakaroon ng pag-asa.
Ngunit paano sila tatawag kung hindi naman sila sumasampalataya sa kanya? At paano sila sasampalataya kung hindi pa sila nakakarinig ng tungkol sa kanya? At paano sila makakarinig kung walang mangangaral? At paano makakapangaral ang sinuman kung hindi naman siya isinugo? Ayon sa Kasulatan: "Napakagandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng magandang balita."
Ngunit hindi naman tinatanggap ng lahat ang Magandang Balita. Sinabi nga ni Isaias, "Panginoon, sino po ba ang naniwala sa sinabi namin?" Sasampalataya lang ang tao kung maririnig niya ang mensahe tungkol kay Kristo, at maririnig lang niya ito kung may mangangaral sa kanya.
Hindi ko ikinakahiya ang Magandang Balita, dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng lahat ng sumasampalataya, una ang mga Hudyo at gayon din ang mga Hentil. Sapagkat ipinapahayag sa Magandang Balita kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao sa paningin niya. Itoʼy sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas; gaya ng sinasabi sa Kasulatan, "Mabubuhay sa pananampalataya ang matuwid."
At ang Espiritu na ito ng Diyos ang tinanggap nating mga mananampalataya, hindi ang espiritu ng mundong ito, upang maunawaan natin ang mga pagpapalang ibinigay sa atin ng Diyos.
Kaya nga ipinangangaral namin ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng mga salitang mula sa Banal na Espiritu at hindi mula sa karunungan ng tao. Ipinangangaral namin ang espirituwal na mga bagay sa mga taong pinananahanan ng Espiritu. Ngunit ang taong hindi pinananahanan ng Espiritu ng Diyos ay hindi tumatanggap ng mga aral mula sa Espiritu dahil kamangmangan ito sa kanya. At hindi niya ito nauunawaan, dahil ang mga bagay na itoʼy maiintindihan lamang sa tulong ng Espiritu.
Sapagkat sa karunungan ng Diyos, hindi niya ipinahintulot na makilala siya ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng mundong ito. Mas minabuti ng Diyos na iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ipinangangaral na Magandang Balita, na ayon sa iba ay kamangmangan lamang.
Ang mga Hudyo ay ayaw maniwala hanggaʼt walang nakikitang himala, at ang mga Griyego naman ay naghahanap ng sinasabi nilang karunungan. Ngunit kami naman ay ipinapangaral ang Kristo na ipinako sa krus: bagay na hindi matanggap ng mga Hudyo, at isang kamangmangan para sa mga Hentil. Subalit para sa mga tinawag ng Diyos, Hudyo man o Hentil, si Kristo ang siyang kapangyarihan at karunungan ng Diyos.
Sapagkat hindi ako isinugo ni Kristo para magbautismo, kundi para mangaral ng Magandang Balita. At hindi ko ito ginagawa sa pamamagitan ng mahusay na pananalita at karunungan ng tao, upang hindi mawalan ng kapangyarihan ang pagkamatay ni Kristo sa krus.
Ngunit kayoʼy bayang hinirang, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Diyos. Pinili kayo ng Diyos na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.