Comunhão com Deus
A comunhão com Deus é o propósito supremo da existência humana. Fomos criados para viver em intimidade com o Criador — e em Cristo, esse acesso é plenamente restaurado.
Em comunhão com Deus
Deus é fiel, pelo qual fostes chamados à comunhão de seu Filho. A comunhão com Deus é dom da graça e fruto da redenção.
Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo na ating Panginoon.
Hindi ba ninyo alam na kayoʼy templo ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo?
Ang katawan ng tao ay binubuo ng maraming bahagi, ngunit ang maraming bahagi na ito ay bumubuo sa iisa pa ring katawan. Gayundin naman ang mga mananampalatayang bumubuo sa katawan ni Kristo.
Hindi maaaring magsama ang mga diyos-diyosan at ang Diyos sa iisang templo. At tayo ang Templo ng Diyos na buháy! Gaya ng sinabi ng Diyos,
"Mananahan akoʼt mamumuhay sa kanilang piling.
Akoʼy magiging Diyos nila,
at silaʼy magiging mga taong sakop ko."
Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya. Ang lahat ng itoʼy gawa ng Diyos na nagpanumbalik sa atin sa kanya sa pamamagitan ni Kristo. At ibinigay niya sa amin ang tungkuling papanumbalikin ang mga tao sa kanya. Pinapanumbalik ng Diyos ang mga tao sa kanya sa pamamagitan ni Kristo, at hindi na ibinibilang na laban sa kanila ang kanilang mga kasalanan. At kami ang kanyang pinagkatiwalaang magpahayag ng mensaheng ito.
Presença divina
Eis que estou à porta e bato. O Senhor fez sua morada entre nós — e toda a criação é convidada à comunhão eterna.
Narito ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at buksan ang pinto, papasok ako at magsasalo kami sa pagkain.
Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, "Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila at magiging Diyos nila.
Maninirahan ako kasama ng mga Israelita at akoʼy magiging Diyos nila.
Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, kasama nila ako."
"Ang panalangin koʼy hindi lang para sa kanila, kundi pati na rin sa mga sasampalataya sa akin sa pamamagitan ng pangangaral nila. Idinadalangin ko sa iyo, Ama, na silang lahat ay maging isa gaya natin. Kung paanong ikaw ay nasa akin at akoʼy nasa iyo, nawaʼy sila man ay sumaatin, upang maniwala ang mundo na ikaw ang nagsugo sa akin. Binigyan ko sila ng karangalan tulad ng ibinigay mo sa akin, upang silaʼy maging isa katulad natin. Akoʼy nasa kanila at ikaʼy nasa akin, upang silaʼy lubos na maging isa. Sa ganoon ay malalaman ng sanlibutan na isinugo mo ako, at malalaman din nilang minamahal mo ang mga mananampalataya tulad ng pagmamahal mo sa akin.
Viver na comunhão
Quem permanece nele e ele no Senhor, esse dá muito fruto. A comunhão com Deus produz transformação e alegria.
Ang mga sumusunod sa utos ng Diyos ay nananatili sa kanya, at nananatili rin ang Diyos sa kanila. At malalaman natin na nananatili siya sa atin sa pamamagitan ng Espiritu na ibinigay niya sa atin.
Alam din nating ang Anak ng Diyos ay pumarito sa mundo, at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos. At tayo nga ay nakikiisa sa tunay na Diyos sa pamamagitan ng kanyang anak na si Hesu-Kristo. Siya ang tunay na Diyos, at ang pinagmulan ng buhay na walang hanggan.
Sa ganito natin nalalamang tayoʼy nananatili sa Diyos at siya naman sa atin: Ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu.
Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Diyos at nakakakilala sa Diyos.
Ipinapahayag namin sa inyo ang aming nakita at narinig upang maging kaisa namin kayo sa pakikiisa namin sa Ama at sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo.
Kaya nga, mga minamahal kong anak, manatili kayo sa kanya, para sa kanyang pagdating ay magiging panatag ang loob natin at hindi rin tayo mapapahiya sa harapan niya.
Samakatuwid, ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin kay Kristo, mayroon na tayong kapayapaang dulot ng magandang relasyon natin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Dahil sa pananampalataya natin sa kanya, tinatamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos at nagagalak tayo dahil sa ating pag-asang makakabahagi tayo sa kaluwalhatian ng Diyos.
lumapit tayo sa kanya nang may tapat na puso at matatag na pananampalataya, dahil nilinis na ng dugo ni Hesus ang mga puso natin mula sa maruming pag-iisip, at nahugasan na ang mga katawan natin ng malinis na tubig.
Kaya magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso.