Publicidade

Convicção

Por Bíblia Online

A convicção cristã é firmeza de fé que não se abala diante da oposição. É a certeza interior que compele a proclamar a verdade com ousadia, independentemente das consequências.

Ousadia para falar

Recebereis poder e sereis minhas testemunhas. A convicção do Espírito nos equipa para proclamar com coragem e sem vergonha.

Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu ay tatanggap kayo ng kapangyarihan; at kayoʼy magiging saksi ko na magpapahayag ng mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kasuluksulukang bahagi ng daigdig."

Namangha ang mga miyembro ng Sanhedrin sa lakas ng loob nina Pedro at Juan, lalo na nang malaman nila na mga karaniwang tao lamang sila at hindi mataas ang pinag-aralan. At nabatid nilang silaʼy mga kasamahan ni Hesus noon.

Sumagot si Pedro at ang ibang apostol, "Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao.

Ipanalangin din ninyo ako sa tuwing mangangaral ako, na bigyan ako ng Diyos ng wastong pananalita upang maipahayag ko nang buong tapang ang Magandang Balita na inilihim noon. Sapagkat isinugo ako ng Diyos para ipangaral ang Magandang Balitang ito na siyang dahilan ng pagkakabilanggo ko. Kaya kung maaari, ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat.

Hindi ko ikinakahiya ang Magandang Balita, dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng lahat ng sumasampalataya, una ang mga Hudyo at gayon din ang mga Hentil.

Kung ako at ang mga salita ko ay ikakahiya ninuman sa harap ng taksil at makasalanang henerasyong ito, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao sa pagparito niya taglay ang kaluwalhatian ng kanyang Ama, at kasama ang mga banal na anghel."

Kaya huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon o tungkol sa akin na isang bilanggo dahil sa kanya. Sa halip, sa tulong ng Diyos ay makibahagi ka sa mga pagtitiis dahil sa Magandang Balita.

Ituro mo sa kanila ang mga bagay na ito. Gamitin mo ang iyong awtoridad sa paghikayat at pagsaway. At huwag mong hayaang hamakin ka ninuman.

Firmeza e confiança

Não temas diante dos homens. A Palavra de Deus é fogo na boca do profeta e firmeza na vida do crente.

Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, "Huwag mong sabihing bata ka pa. Kinakailangang pumunta ka saan man kita suguin, at sabihin ang anumang ipasasabi ko sa iyo.

Kayong mga nagdadala

ng magandang balita sa Zion,

umakyat kayo sa mataas na bundok.

Isigaw ninyo ang magandang

balita sa Jerusalem.

Lakasan ninyo, huwag kayong matakot.

Sabihin ninyo sa mga bayan ng Juda,

"Nandito na ang inyong Diyos."

Tinuruan ako ng Makapangyarihang Panginoon

kung ano ang sasabihin ko

para mapalakas ang mga nanlulupaypay.

Ginigising niya ako tuwing umaga

upang pakinggan ang

mga itinuturo niya sa akin.

katulad ng isang batong matigas. Kaya huwag kang matatakot sa kanila, dahil nalalaman mo na rebelde silang mamamayan."

Hindi ko ikakahiyang sabihin

ang inyong mga turo

sa harapan ng mga hari.

Sa lahat ng oras, mamuhay kayo nang matuwid sa harap ng mga hindi kumikilala sa Diyos. Kahit paratangan nila kayo ngayon ng masama, sa bandang huli ay makikita nila ang mga kabutihang ginagawa nʼyo at luluwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng pagdating niya.

Ang natatakot sa kanyang kapwa at nasa

mapanganib na bitag,

subalit ang nagtitiwala sa Panginoon

ay magiging panatag.

Bagkus, sinubok kami ng Diyos at napatunayan kaming mapagkakatiwalaan. Hinirang niya kami upang ipahayag ang Magandang Balita at sa dahilan lamang na ito kamiʼy nangangaral. Ginagawa namin ito hindi upang bigyang-lugod ang tao, kundi ang Diyos na patuloy na sumisiyasat sa aming mga puso.

"Kayo ang ilaw ng mundo na hindi maikukubli, katulad ng isang lungsod na nasa tuktok ng burol. Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ito ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw upang makita ito ng lahat. Sa gayon, masaksihan nila ang inyong mga mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Amang nasa langit.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-