Coração
O coração é o centro do ser humano — sede dos pensamentos, emoções e decisões. A Bíblia ensina a guardar, purificar e render o coração a Deus como oferta viva.
Guardar o coração
Sobre tudo o que se deve guardar, guarda o teu coração, porque dele procedem as fontes da vida e de toda decisão.
Higit sa lahat, ingatan mo
ang iyong isipan,
sapagkat kung ano ang iyong iniisip
iyon din ang magiging buhay mo.
Higit sa lahat, ingatan mo
ang iyong isipan,
sapagkat kung ano ang iyong iniisip
iyon din ang magiging buhay mo.
Magtiwala ka nang buong puso
sa Panginoon
at huwag kang manalig
sa iyong sariling karunungan.
Magtiwala ka nang buong puso
sa Panginoon
at huwag kang manalig
sa iyong sariling karunungan.
Alalahanin mo ang Panginoon
sa lahat ng iyong ginagawa
at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
Anak, huwag mong kalilimutan
ang mga itinuturo ko sa iyo.
Ingatan mo sa iyong puso
ang mga iniuutos ko,
sapagkat ito ang magpapahaba
at magpapaunlad ng iyong buhay.
Manatili kang mapagmahal at matapat;
alalahanin mo itong lagi
at itatak sa iyong isipan.
Kapag ginawa mo ito,
malulugod ang Diyos
pati na ang mga tao.
Ang payapang isipan
ay nagpapalusog ng katawan,
ngunit ang pagkainggit
ay tulad ng kanser sa buto.
Sumusunod sa mga utos
ang taong marunong,
ngunit ang nagsasalita ng kamangmangan
ay mawawasak.
Coração puro
Cria em mim um coração puro, ó Deus. Ensina-me a contar meus dias para que tenha um coração sábio.
Isang busilak na puso, O Diyos,
ang likhain nʼyo sa akin;
bagong espiritung matapat,
ang ibigay sa akin.
Isang busilak na puso, O Diyos,
ang likhain nʼyo sa akin;
bagong espiritung matapat,
ang ibigay sa akin.
Ipaunawa nʼyo sa amin
na ang buhay namin ay maiksi lang,
upang matuto kaming mamuhay
nang may karunungan.
Nawaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon
ang aking iniisip at sinasabi.
Kayo,
ang aking batong kanlungan
at tagapagligtas!
Magpakatatag kayo
at lakasan ninyo ang inyong loob,
kayong mga umaasa sa Panginoon.
Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan,
at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.
Sanaʼy ibigay niya ang iyong kahilingan,
at ang iyong mga binabalak ay magtagumpay.
Mapalad ang taong sumusunod
sa mga katuruan ng Diyos,
at buong pusong hinahanap
ang kanyang kalooban.
Akoʼy magpupuri sa inyo
nang may malinis na puso,
habang pinag-aaralan ko
ang inyong matuwid na mga utos.
Buong puso akong lumalapit sa inyo;
kaya akoʼy tulungan ninyo
na huwag lumihis sa mga utos ninyo.
Buscar a Deus de coração
Amarás ao Senhor teu Deus de todo o coração. A busca sincera leva ao encontro; o coração dividido leva à ruína.
Sumagot si Hesus, " ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip.’
Sumagot si Hesus, " ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip.’
Sapagkat kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka sa dagat!’ At kung hindi kayo nag-aalinlangan, at sa halip ay nananampalataya na mangyayari iyon, mangyayari nga ang sinabi ninyo.
"Ang puso ng tao ay mapanlinlang
higit sa lahat,
at hindi ito malulunasan.
Sino ang nakakaunawa nito?
"Ang puso ng tao ay mapanlinlang
higit sa lahat,
at hindi ito malulunasan.
Sino ang nakakaunawa nito?
"Ngunit ako, ang Panginoon,
ay sumisiyasat sa puso at isip ng tao.
Gagantihan ko ang bawat isa
ayon sa pag-uugali at mga gawa niya."
Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo.
Ngunit huwag nʼyong kalimutang tuparin ang mga utos at katuruan na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon. Ibigin nʼyo ang Panginoon na inyong Diyos, mamuhay kayo ayon sa kalooban niya, tuparin ang mga utos niya, maging matapat sa kanya at paglingkuran nʼyo siya nang buong pusoʼt kaluluwa."
Babaguhin ko ang inyong puso at pag-iisip nang hindi na kayo maging masuwayin kundi maging masunurin at tapat sa akin.
Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. At ang matitigas ninyong puso ay magiging pusong masunurin.
Conhecer o coração
O homem olha para a aparência, mas o Senhor olha para o coração. Deus conhece os segredos mais profundos.
Ngunit sinabi ng Panginoon kay Samuel, "Huwag mong tingnan ang tangkad o ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso."
Ngunit sinabi ng Panginoon kay Samuel, "Huwag mong tingnan ang tangkad o ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso."
Kung paanong ang mukha ng tao
ay naaaninaw sa tubig,
ang pagkatao naman
ay makikita sa iyong puso.
Ang pagiging masayahin
ay parang gamot na nakabubuti sa katawan,
ngunit ang pagiging malungkutin
ay nagpapahina ng katawan.
Ipagkatiwala mo sa Panginoon
ang mga gagawin mo,
at magtatagumpay ka
sa iyong mga plano.
Huwag ninyong pagkaabalahan ang panlabas na kagandahan na mula sa pag-aayos ng buhok, pagsusuot ng mga gintong alahas, at mamahaling mga kasuotan. Sa halip, ang inyong kagandahan ay dapat magmula sa kalooban – ang kagandahang hindi kumukupas, na bunga ng maamo at mahinahong espiritu, na siyang mahalaga sa paningin ng Diyos.
Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag-aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Diyos ang mga nagbibigay nang may kagalakan.
Noong una, alipin kayo ng kasalanan. Ngunit salamat sa Diyos dahil ngayon, buong puso ninyong sinusunod ang mga aral na itinuro sa inyo.
Sa ganitong paraan magiging malakas ang loob ninyo, at magiging banal at walang kapintasan ang inyong buhay sa harapan ng Diyos sa araw ng pagbabalik ng ating Panginoong Hesus kasama ang mga pinili niya. Amen.
huwag ninyong patigasin ang inyong puso,
tulad ng ginawa ng inyong mga ninuno
nang silaʼy maghimagsik laban sa akin
doon sa ilang, nang subukin nila ako.