Desejos
Os desejos revelam o que há no coração. A Bíblia nos ensina a purificar nossos desejos, submeter a carne ao espírito e buscar as coisas que são de cima.
Desejos da carne
A carne milita contra o espírito. O cristão é chamado a vigiar, resistir e não satisfazer os desejos da natureza pecaminosa.
Kaya mamuhay kayo nang ayon sa Espiritu upang hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman.
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan.
Mga kapatid, kung may magkasala man sa inyo, kayong mga ginagabayan ng Espiritu ang dapat tumulong sa kanya upang magbalik-loob sa Panginoon. Ngunit gawin nʼyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo dahil baka kayo naman ang matukso.
Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espirituʼy handang sumunod, ngunit mahina ang laman."
At huwag nʼyong ipahintulot na kamiʼy matukso
kundi iligtas nʼyo po kami sa masama.
[Sapagkat inyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]
Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyo, ang diyablo, ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa.
Sapagkat ang lahat ng makamundong bagay – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo.
Ang mundo at lahat ng bagay dito na pinagnanasahan ng tao ay maglalaho, ngunit ang taong sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.
Kaya puksain na ninyo ang anumang kamunduhang nasa inyo: ang seksuwal na imoralidad, kalaswaan, pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga diyos-diyosan.
Purificar os desejos
Guarda o teu coração. Das profundezas do interior do homem saem os desejos — bons ou maus, conforme o coração.
"Ipinangako ko sa aking sarili
na hinding-hindi ako titingin
nang may pagnanasa sa isang dalaga.
At kung tatapak ka sa baga,
mapapaso ang mga paa mo.
Ang taong tamad
ay laging naghahangad na makatanggap,
ngunit ang taong matuwid
ay nagbibigay nang walang alinlangan.
Dahil ang kayamanan
ay madaling mawala
at tila may pakpak
na lumilipad sa kalawakan
tulad ng isang agila.
Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Ang sobrang paghahangad ng salapi ang nagtulak sa iba na tumalikod sa pananampalataya at nagdulot ng maraming paghihinagpis sa buhay nila.
Maaaring may magsabi sa inyo, "Puwede kong gawin ang kahit ano." Ngunit hindi lahat ng bagay ay nakakabuti sa inyo. Kaya kahit puwede kong gawin ang kahit ano, hindi ako magpapaalipin dito.
Ngunit dahil marami ang natutuksong gumawa ng seksuwal na imoralidad, mas mabuting mag-asawa ang bawat lalaki o babae.
Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Diyos na hindi niya tayo pababayaang subukin nang higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan upang mapagtagumpayan ninyo ito.
Desejos santos
Como a corça deseja as correntes de água, minha alma suspira por ti, ó Deus. Os desejos do Espírito produzem vida e paz.
Tulad ng usang sa tubig ng ilog
ay nasasabik,
O Diyos, ako sa inyoʼy nananabik.
Panginoon, sinunod namin
ang inyong mga utos,
at nagtiwala kami sa inyo.
Hangad naming kayo
ay aming maparangalan.
At sa pamamagitan din nito, ipinagkaloob niya sa atin ang mahahalaga at dakila niyang mga pangako. Ginawa niya ito upang makabahagi tayo sa kabanalan ng Diyos at matakasan ang mapanirang pagnanasa na umiiral sa mundong ito.
May mga ninanais kayo ngunit hindi ninyo makamtan, kaya handa kayong pumatay makuha lamang ang mga ito. May mga gusto kayong makuha at kapag hindi ito nangyari, nag-aaway-away kayo. Hindi ninyo nakakamtan ang mga ninanais ninyo dahil hindi kayo humihingi sa Diyos.
Huwag sabihin ninuman kapag siyaʼy dumaranas ng pagsubok, "Akoʼy tinutukso ng Diyos," sapagkat hindi maaaring matukso ng masama ang Diyos, at hindi rin niya tinutukso ang sinuman.
Ang ibig ko bang sabihin ay masama ang Kautusan? Aba, hindi! Sapagkat kung wala ang Kautusan, hindi ko malalaman kung ano ang kasalanan. Kung hindi sinabi ng Kautusan, "Huwag kang magnasa," hindi ko malalaman na masama pala ang pagnanasa.
Dapat ninyong pahalagahan ang pag-aasawa, at dapat ninyong iwasan ang pangangalunya. Sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nangangalunya at ang mga gumagawa ng seksuwal na imoralidad.
Sapagkat kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.