Deus está contigo
Deus está contigo — esta é a promessa mais repetida da Bíblia. Onde quer que vás, em qualquer situação, o Senhor caminha ao teu lado e nada pode te separar do seu amor.
Eu sou contigo
Sê forte e corajoso! Não temas, porque o Senhor teu Deus é contigo por onde quer que andares.
Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Diyos ay kasama mo kahit saan ka pumunta."
Walang makakatalo sa iyo habang ikaw ay nabubuhay. Sasamahan kita gaya ng pagsama ko kay Moises. Hindi kita iiwan, ni pababayaan. Magpakatatag ka at magpakatapang, dahil ikaw ang mamumuno sa mga taong ito para angkinin ang lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninuno.
Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Diyos ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man."
Huwag kang mangamba,
sapagkat kasama mo ako;
huwag kang malungkot,
sapagkat ako ang iyong Diyos.
Palalakasin kita at tutulungan.
Aalalayan kita sa pamamagitan
ng kamay kong nagliligtas.
Gagawin kitang parang matibay na tansong pader para sa mga taong ito.
Kakalabanin ka nila ngunit hindi ka nila magagapi,
sapagkat kasama mo ako.
Iingatan kita at ililigtas," wika ng Panginoon.
Nagpakita sa kanya ang anghel ng Panginoon at sinabi, "Ikaw, magiting na sundalo, ang Panginoon ay sumasaiyo."
Presença constante
Não te deixarei nem te desampararei. Cristo habita no coração pela fé — e estará conosco até o fim dos tempos.
Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa kung anuman ang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Diyos,
"Hinding-hindi ko kayo iiwan
ni pababayaan man."
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: Akoʼy palagi ninyong kasama hanggang sa katapusan ng mundo."
upang manahan si Kristo sa mga puso ninyo dahil sa inyong pananampalataya. Ipinapanalangin ko rin na maging matibay kayo at matatag sa pag-ibig ng Diyos,
Hindi ba ninyo alam na kayoʼy templo ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo?
Narito ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at buksan ang pinto, papasok ako at magsasalo kami sa pagkain.
Amor inseparável
Nada poderá nos separar do amor de Deus que está em Cristo Jesus nosso Senhor. Absolutamente nada.
Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.