Publicidade

Deus nunca falha

Por Bíblia Online

Deus nunca falha. Nenhuma de suas promessas vem ao chão. O que Ele prometeu, Ele cumprirá. A fidelidade de Deus é o fundamento inabalável da nossa fé.

Promessas cumpridas

Nenhuma boa palavra falhou de todas as promessas que Deus fez. Ele é fiel e verdadeiro em tudo o que diz.

"Malapit na akong mamatay. Nalalaman nʼyo sa buong puso ninyoʼt kaluluwa na tinupad ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng mabubuting bagay na ipinangako niya sa inyo. Wala, kahit isa na hindi niya tinupad.

Tinupad ng Panginoon ang lahat ng ipinangako niya sa mga mamamayan ng Israel.

"Purihin ang Panginoon na nagbigay ng kapahingahan sa mga mamamayan niyang Israelita ayon sa kanyang ipinangako. Tinupad niya ang lahat ng ipinangako niya kay Moises na kanyang lingkod.

Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling,

o magbabago ng kanyang isip.

Nagsasabi ba siya ng hindi niya ginagawa?

Nangangako ba siya ng hindi niya tinutupad?

Ngunit ang mga plano ng Panginoon

ay mananatili magpakailanman.

At ang kanyang mga balak,

sa saliʼt saling lahi ay matutupad.

Fidelidade eterna

A Palavra do Senhor permanece para sempre. A tua palavra é muito pura e o teu servo a ama profundamente.

Tumingin kayo sa langit;

pagmasdan ninyo ang lupa.

Mawawala ang langit na parang usok,

masisira ang lupa na parang damit,

at mamamatay ang mga mamamayan nito

na parang mga kulisap.

Ngunit ang kaligtasan koʼy

mananatili magpakailanman.

Ang katarungan koʼy walang hanggan.

Napatunayan na maaasahan

ang inyong mga pangako,

kaya napakahalaga nito sa akin

na inyong lingkod.

Ang inyong paghahari

ay magpakailanman.

Panginoon, tapat kayo

sa inyong mga pangako,

at mapagmahal kayo

sa lahat ng inyong nilikha.

Tinutulungan ninyo ang mga dumaranas

ng kahirapan,

at pinalalakas ang mga nanghihina.

Subalit naroon pa rin

ang presensya ng Panginoon

sa kanilang lungsod.

At hindi siya gumagawa ng mali.

Araw-araw niyang ipinapakita

ang kanyang katarungan,

at nananatili siyang tapat.

Subalit ang masasamâ

ay hindi nahihiya sa ginagawa nila.

Sapagkat hindi pa dumarating

ang takdang panahon

para mangyari ito.

Ngunit hindi magtatagal

at tiyak na mangyayari ito.

Kahit magtagal nang kaunti,

hintayin mo lang,

dahil tiyak na mangyayari ito

sa takdang panahon.

Segurança em Deus

Todas as promessas de Deus são sim e amém em Cristo. Fiel é Aquele que prometeu — Ele jamais nos decepcionará.

Sapagkat kahit gaano man karami ang pangako ng Diyos, tutuparin niyang lahat ito sa pamamagitan ni Kristo. Kaya nga masasabi natin na tapat ang Diyos, at itoʼy nakapagbibigay ng kapurihan sa kanya. Ang Diyos ang nagpapatibay sa atin, at sa ating pakikipag-isa kay Kristo. Pinili niya tayo, at tinatakan niya tayo bilang tanda na tayoʼy kanya. Inilagay niya ang kanyang Espiritu sa ating mga puso na nagsisilbing katibayan na matatanggap natin ang kanyang mga ipinangako.

Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, sapagkat ang Diyos na nangako sa atin ay tapat.

Kayo man ay napabilang na kay Kristo nang marinig ninyo ang katotohanan, ang Magandang Balita kung paano kayo maliligtas. Sa pagsampalataya ninyo sa kanya, ibinigay niya ang Banal na Espiritu na kanyang ipinangako bilang tanda na pagmamay-ari na niya kayo. Ang Banal na Espiritu ang katibayan na matatanggap natin mula sa Diyos ang ipinangako niya sa atin bilang mga anak niya, hanggang sa matanggap natin ang lubos na kaligtasan. At dahil dito, papupurihan siya!

Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Diyos sa mga nagmamahal sa kanya.

Seja o primeiro
Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-28_14-13-17-