Dia das crianças
As crianças são preciosas aos olhos de Deus. Jesus as acolheu, abençoou e ensinou que delas é o Reino dos Céus — modelos de fé, pureza e humildade.
Jesus e as crianças
Deixai vir a mim as crianças. Jesus abraçou, abençoou e honrou as crianças como modelo de fé para os adultos.
Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit."
Ang Pinakadakila sa Kaharian ng Langit
Nang oras ding iyon, lumapit kay Hesus ang kanyang mga alagad at nagtanong, "Sino po ba ang pinakadakila sa kaharian ng Langit?"
Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila, at sinabi, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbabago at magiging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Langit. Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng Langit.
Ang Talinghaga tungkol sa Nawawalang Tupa
"Tiyakin ninyong hindi nʼyo hahamakin ang kahit isa sa maliliit na batang ito, dahil tandaan nʼyo: Ang mga anghel na nagbabantay sa kanila ay laging nasa harapan ng aking Ama sa langit. [
Nagalit ang mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga himalang ginawa ni Hesus, at nang marinig nila ang mga batang sumisigaw doon sa Templo ng, "Purihin ang Anak ni David!"
Sinabi nila kay Hesus, "Naririnig mo ba ang sinasabi nila?"
Sumagot si Hesus, "Oo. Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? Sinabi doon,
Kahit ang mga bata at sanggol
ay tinuruan ng Diyos na magpuri sa kanya."
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng pagtanggap ng isang maliit na bata ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos." Pagkatapos nitoʼy kinalong niya ang mga bata, ipinatong ang kanyang kamay sa kanila at pinagpala.
Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi sa kanila, "Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa aking Ama na nagsugo sa akin."
Instruir e proteger
Instrui a criança no caminho de Deus. Elas são herança do Senhor — presentes sagrados que devemos educar com amor.
Ituro sa bata ang daang
dapat niyang sundan,
at kahit sa kanyang pagtanda
ay hindi niya ito kalilimutan.
Ang iyong mga anak
ay tuturuan ng Panginoon
at silaʼy magkakaroon ng kapayapaan.
Ang mga anak ay pagpapala
at gantimpalang mula sa Panginoon.
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay, sapagkat kalugod-lugod ito sa Panginoon.
Mga magulang, huwag kayong gumawa ng anumang bagay na ikasasama ng loob ng mga anak nʼyo upang hindi sila panghinaan ng loob.
Aral sa mga Magulang at mga Anak
Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang ninyo alang-alang sa Panginoon dahil ito ang nararapat gawin. "Igalang mo ang iyong amaʼt ina." Ito ang unang utos na may kasamang pangako, "upang maging mabuti ang iyong kalagayan at mabuhay ka nang matagal."
At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.
‘Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.
Ipakita nawa ng Panginoon
ang kanyang kabutihan
at awa sa inyo.
At malugod nawa
ang Panginoon sa inyo
at bigyan niya kayo ng kapayapaan.’