Publicidade

Cânticos 7

1 O babaeng maharlika,

napakaganda ng nakasandalyas

mong mga paa.

Ang hugis ng iyong mga hita

ay tulad ng mga alahas

na gawa ng isang bihasa.

2 Ang pusod moʼy kasimbilog ng kopa

na hindi nauubusan ng hinalong alak.

Ang baywang moʼy bigkis ng trigo

na napapalibutan ng liryo.

3 Ang dibdib moʼy tila kambal

na batang usa.

4 Ang leeg moʼy parang tore

na gawa sa pangil ng elepante.

Ang mga mata moʼy kasinlinaw

ng batis sa Hesbon,

malapit sa pintuang-bayan ng Bet-rabim.

Ang ilong moʼy kasingganda

ng tore ng Lebanon na nakaharap

sa Damasco.

5 Ang ulo moʼy kasingganda

ng Bundok ng Carmel.

Ang buhok moʼy kasingkintab

ng mga maharlikang kasuotan

at ang hariʼy nabihag

sa taglay nitong kagandahan.

6 O napakaganda mo, aking sinta,

umaapaw ka sa kariktan.

7 Ang tindig moʼy parang puno ng palma

at ang dibdib moʼy parang kumpol

ng mga bunga nito.

8 At aking sinabi, "Aakyatin ko ang palma

at hahawak sa kanyang mga bunga."

Ang iyong dibdib ay tulad

ng mga kumpol ng ubas

at ang samyo ng iyong hininga

ay kasimbango ng mansanas.

9 Ang halik moʼy kasintamis

ng pinakamasarap na alak,

na dahan-dahang dumadaloy

sa mga labi at ngipin.

Babae

10 Ako ay sa kanya lamang,

at ako lamang ang kanyang inaasam.

11 Halika mahal ko,

pumunta tayo sa bukid

at doon magpalipas ng gabi,

sa tabi ng mga bulaklak ng henna.

12 Maaga tayong gumising

at ating tingnan

kung namulaklak

at namunga na ang ubasan.

Tingnan din natin

kung namumukadkad na

ang mga pomegranata.

At doon, ipadarama ko sa iyo

ang aking pagmamahal.

13 Maaamoy mo ang bango

ng mandragora,

at malapit sa ating pintuan

ay may mga piling hain

na prutas, luma at bago.

Sapagkat ang mga itoʼy

sadyang inihanda ko

para sa iyo, aking mahal.

Veja também

Publicidade
Cânticos
Ver todos os capítulos de Cânticos
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_06-50-08-