Dia dos pais
O Dia dos Pais celebra o amor e o sacrifício paterno. A Bíblia honra os pais como provedores, protetores e guias espirituais que moldam as próximas gerações.
O pai que educa
Instrui a criança no caminho em que deve andar. O pai justo educa com amor, firmeza e o exemplo de uma vida íntegra.
Ituro sa bata ang daang
dapat niyang sundan,
at kahit sa kanyang pagtanda
ay hindi niya ito kalilimutan.
Ang mapagmahal na magulang
ay nagdidisiplina ng kanyang anak.
Sapagkat kung mahal mo ang iyong anak
itutuwid mo ang kanyang ugali.
Ang taong matuwid
ay walang kapintasan.
Mapalad ang mga anak niya
kung siya ang kanilang tinutularan.
Matutuwa ang iyong mga magulang
kung matuwid ka at matalino.
Ang taong may takot sa Panginoon
ay may kasiguraduhan
at siya ang kanlungan
ng kanyang sambahayan.
Honra e alegria
Honra a teu pai e tua mãe. Os filhos são herança do Senhor, e a família que serve a Deus junta é inabalável.
Igalang mo ang iyong amaʼt ina upang mabuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos.
Ang mga anak ay pagpapala
at gantimpalang mula sa Panginoon.
Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama
ay parang pana sa kamay ng sundalo.
Mapalad ang taong may maraming anak,
dahil may tutulong sa kanya
kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.
Ngunit kung ayaw nʼyong maglingkod sa Panginoon, mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo. Maglilingkod ba kayo sa mga diyos na pinaglilingkuran ng mga ninuno nʼyo sa kabila ng Ilog Eufrates, o sa mga diyos ng mga Amoreo na ang lupain ay tinitirhan nʼyo ngayon? Ngunit para sa akin at sa pamilya ko, maglilingkod kami sa Panginoon."
Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay.
Kaya umuwi siya sa kanyang ama.
"Malayo paʼy natanaw na siya ng kanyang ama at naawa ito sa kanya, kaya patakbo siya nitong sinalubong, niyakap at hinalikan.
"Sinabi ng anak sa kanyang ama, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’
"Ngunit tinawag pa rin ng ama ang mga utusan niya at sinabi, ‘Bilis! Dalhin nʼyo rito ang pinakamagandang damit at bihisan siya. Lagyan ninyo ng singsing ang daliri niya at suotan ninyo ng sandalyas ang mga paa niya. At kumuha kayo ng guya na pinataba natin, at katayin ninyo. Magdiwang tayo