Pular para o conteúdo
Publicidade

Domínio próprio

Por Bíblia Online

O domínio próprio é fruto do Espírito e marca de maturidade espiritual. A Bíblia ensina que quem governa o próprio espírito é melhor do que quem conquista uma cidade.

Fruto do Espírito

O fruto do Espírito inclui domínio próprio. A graça de Deus nos ensina a viver de maneira sóbria e justa neste mundo.

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.

Sapagkat nahayag na ang kagandahang loob ng Diyos na nagbibigay ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Ito rin ang nagtuturo sa atin kung paano mamuhay sa mundong ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at maka-Diyos, habang hinihintay natin ang napakagandang pag-asa, na walang iba kundi ang maluwalhating pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.

Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

Dahil dito, pagsikapan ninyong maidagdag sa pananampalataya nʼyo ang kabutihang-asal; sa kabutihang-asal, ang kaalaman; sa kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa pagpipigil sa sarili, ang pagtitiis; sa pagtitiis, ang kabanalan; sa kabanalan, ang pag-ibig sa mga kapatid kay Kristo; at sa pag-ibig sa mga kapatid kay Kristo, ang pag-ibig sa lahat.

Governar a si mesmo

Melhor é o que domina o seu espírito do que o que toma uma cidade. A cidade sem muros é o homem sem domínio próprio.

Higit na mabuti ang taong mapagpasensya

kaysa sa taong makapangyarihan.

Higit na mabuti ang taong

nakakapagpigil sa sarili

kaysa sa taong nakakasakop

ng isang lungsod.

Ang taong walang pagpipigil sa sarili

ay tulad ng isang bayan

na nasira ang pader.

Ang taong hangal

ay hindi makapagpigil sa kanyang galit,

ngunit ang taong marunong

ay nakapagpipigil ng kanyang sarili.

Ang taong masalita ay madaling magkasala.

Ang taong maalam

ay pinipigilan ang kanyang dila.

Kailangan ang Pansariling Disiplina

Alam ba ninyong isa lamang ang nananalo sa isang paligsahan kahit na marami ang sumasali dito? Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo para makamit ninyo ang gantimpala. Ang bawat manlalaro ay nagsasanay nang mabuti at dinidisiplina ang sarili para makamit ang gantimpala. Ginagawa niya ito para sa gantimpalang hindi nagtatagal. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay magtatagal magpakailanman. Kaya nga, may direksiyon ang aking pagtakbo. Hindi lamang ako sumusuntok sa hangin. Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masasamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Diyos.

Ngunit kung hindi kayo makapagpigil sa inyong sarili, mag-asawa na lamang kayo. Mas mabuti na ito kaysa sa magkasala kayo dahil sa matinding pagnanasa ng laman.

Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Diyos na hindi niya tayo pababayaang subukin nang higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan upang mapagtagumpayan ninyo ito.

Disciplina e vigilância

Sede sóbrios e vigilantes. O diabo anda em derredor como leão rugidor. A sobriedade nos protege e fortalece.

Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyo, ang diyablo, ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa. Patatagin ninyo ang inyong pananampalataya sa Diyos at labanan ninyo ang diyablo. Alalahanin ninyong ang mga paghihirap na nararanasan ninyo ay nararanasan din ng mga kapatid nʼyo kay Kristo sa buong mundo.

Malapit na ang katapusan ng mundo. Kaya pigilan ninyo ang inyong sarili upang hindi kayo makagawa ng masama at nang walang maging hadlang sa mga panalangin ninyo.

Pamumuhay para sa Diyos

Dahil naghirap si Kristo sa kanyang katawang-tao, dapat ay handa rin kayong maghirap. Sapagkat ang taong nagtiis ng hirap ay tumigil na sa paggawa ng kasalanan. Hindi na siya sumusunod sa masasama niyang ugali kundi sumusunod na siya sa kalooban ng Diyos. Kaya huwag na ninyong gawin ang mga ginagawa nʼyo noon, ang mga bagay na gustong gawin ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos. Puno ng kahalayan ang buhay nʼyo noon at sinunod nʼyo ang nasa ng inyong laman. Palagi kayong nagtitipon-tipon upang mag-inuman at gumagawa ng mga kahiya-hiyang bagay. At sa pagsamba ninyo sa inyong mga diyos-diyosan, kung anu-ano pang masasamang bagay ang ginagawa ninyo. Kaya nga pinagtatakahan kayo ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos kung bakit hindi na kayo nakikisama sa magulo at maluho nilang pamumuhay. At pinagsasalitaan nila kayo ng masama. Ngunit mananagot sila sa Diyos sa ginagawa nila, dahil hahatulan ng Diyos ang lahat ng tao, buháy man o patay.

Dapat ay matutong magpigil ang bawat isa sa sarili niyang katawan sa banal at marangal na pamamaraan, at hindi sa makamundong pagnanasa katulad ng ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Diyos.

O senhorio de Cristo

Todo domínio pertence a Cristo. Ele é Senhor dos senhores e Rei dos reis — e nos capacita a viver em santidade.

Purihin ninyo ang Panginoon,

kayong lahat na mga nilalang niya

sa lahat ng dako

na kanyang pinaghaharian.

Purihin ang Panginoon!

Ang inyong paghahari

ay magpakailanman.

Panginoon, tapat kayo

sa inyong mga pangako,

at mapagmahal kayo

sa lahat ng inyong nilikha.

"Pagkatapos, nakita ko ang parang anak ng tao na pinaliligiran ng ulap. Lumapit siya sa Diyos na Buháy Magpakailanman. Pinarangalan siya at binigyan ng kapangyarihang maghari, at naglingkod sa kanya ang lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika. Ang paghahari niya ay walang hanggan. At walang makakapagpabagsak ng kaharian niya.

"Ikinagagalak kong ipaalam sa inyo ang mga himala at kababalaghang ginawa sa akin ng Kataas-taasang Diyos.

Kamangha-mangha at makapangyarihan

ang mga himalang ipinakita ng Diyos.

Ang paghahari niya

ay walang hanggan.

Ipapanganak ang isang batang lalaki

na maghahari sa amin.

Tatawagin siyang,

"Kahanga-hangang Tagapayo,

Diyos na Makapangyarihan,

Walang Hanggang Ama,

at Prinsipe ng Kapayapaan."

Hindi magwawakas ang pag-unlad

ng kanyang pamamahala,

at maghahari ang kapayapaan.

Siya ang magmamana ng kaharian ni David.

Patatatagin niya ito at paghahariang

may katarungan at katuwiran

magpakailanman.

Sisiguraduhin ng Panginoon

ng mga Hukbo na matutupad ito.

Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak. At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad na ang ating mga kasalanan.

ang ginamit niya nang buhayin niyang muli si Kristo at nang paupuin sa kanyang kanan sa langit. Kaya nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihan. Ang kanyang pangalan ay hindi mapapantayan ng anumang kinikilalang pangalan, hindi lang sa panahong ito kundi sa darating pang panahon.

Ngunit para sa atin, ang langit ang tunay nating bayan. At mula roon, hinihintay natin nang may pananabik ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang Panginoong Hesu-Kristo. Sa pagdating niya, babaguhin niya ang mahihina at namamatay nating katawang lupa at gagawing tulad ng maluwalhati niyang katawan. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang sumasakop sa lahat ng bagay.

Sapagkat alam nating si Kristoʼy muling nabuhay at hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.

Kaya ang mga taong nabubuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.

Ngunit hindi na kayo nabubuhay ayon sa makasalanang pagkatao kundi ayon na sa patnubay ng Espiritu, kung totoo ngang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Kristo, siyaʼy hindi kay Kristo.

Sapagkat kung paanong tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan, ganoon din naman, dahil sa ating kaugnayan kay Kristo, tayong lahat ay muling bubuhayin. Ngunit may nakatakdang panahon ang muling pagkabuhay. Unang binuhay si Kristo; pagkatapos, ang mga nakay Kristo naman ang muling bubuhayin pagbalik niya rito sa mundo.

At pagkatapos nito, darating ang katapusan. Lulupigin niya ang lahat ng kaharian, pamahalaan at kapangyarihan, at ibibigay ang paghahari sa Diyos Ama. Sapagkat si Kristoʼy dapat maghari hanggang sa mapasuko ng Diyos ang lahat ng kanyang mga kalaban.

"Makapangyarihan ang Diyos

at kagalang-galang.

Pinaghahari niya

ang kapayapaan sa langit.

Seja o primeiro