Pular para o conteúdo
Publicidade

Isaias 9

Pag-asa sa Darating na Mesias

1 Subalit hindi mananatili ang kadiliman sa mga naghihinagpis magpakailanman. Noong unaʼy hinamak niya ang lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, ngunit sa darating na araw ay pararangalan niya ang dinadaanan patungo sa lawa, ang lupain sa ibayo ng Ilog , ang na lugar ng mga Hentil.

2 Ang mga taong nabubuhay sa kadiliman

ay nakakita

ng matinding kaliwanagan.

Kahit silaʼy nababalot

ng matinding kadiliman,

sila ay maliliwanagan.

3 Panginoon, pinalawak ninyo

ang kanilang bansa

at silaʼy nag-uumapaw sa tuwa.

Nagagalak sila sa inyong harapan

katulad ng mga taong nagagalak

sa panahon ng anihan,

katulad ng mga mandirigmang nagdiriwang

sa paghahati-hati nila

ng mga nasamsam.

4 Binali ninyo ang pamatok

na naging pabigat,

ang tungkod sa kanilang balikat,

ang pamalo ng kanilang mang-aapi

katulad noong nalupig ang .9:4 katulad noong nalupig ang Midian: Tungkol ito sa tagumpay ni Gideon laban sa bansang Midian. (Hukom 7–8).

5 Ang mga bota ng mga sundalo

at ang mga uniporme nilang

tigmak ng dugo

ay susunugin bilang panggatong sa apoy.

6 Ipapanganak ang isang batang lalaki

na maghahari sa amin.

Tatawagin siyang,

"Kahanga-hangang Tagapayo,

Diyos na Makapangyarihan,

Walang Hanggang Ama,

at Prinsipe ng Kapayapaan."

7 Hindi magwawakas ang pag-unlad

ng kanyang pamamahala,

at maghahari ang kapayapaan.

Siya ang magmamana ng kaharian ni .

Patatatagin niya ito at paghahariang

may katarungan at katuwiran

magpakailanman.

Sisiguraduhin ng Panginoon

ng mga Hukbo na matutupad ito.

Ang Galit ng Diyos sa Israel

8 Sinabi ng Panginoon

na parurusahan niya ang Israel,

ang lahi ni Jacob.

9 At alam9:9 alam: O malalaman. ito ng lahat ng tao sa Efraim,9:9 Efraim: Ginagamit na pantukoy sa Israel.

pati ng mga nasa

na kabisera nito.

Ngunit nagmamataas pa rin sila

at payabang na sinasabi,

10 "Mawasak man ang mga itinayo naming bahay

na yari sa brik at kahoy na sikomoro,

papalitan naman namin ito

ng bato at kahoy na sedro."

11 Ngunit palalakasin ng Panginoon

ang mga kaaway ni Rezin

laban sa kanila,

at uudyukan ang lahat

ng mga kalaban niya.

12 Sasakmalin ng mga taga-

ang Israel sa gawing silangan

at mga Filisteo sa gawing kanluran.

Ngunit hindi pa rin humuhupa

ang poot ng Panginoon,

at nakahanda pa rin siyang

magparusa sa kanila.

13 Ngunit ayaw pa ring magbalik-loob

ng mga Israelita

kahit na silaʼy naparusahan,

at ayaw din nilang hanapin

ang Panginoon ng mga Hukbo.

14 Kaya puputulin ng Panginoon

ang buntot at ulo ng Israel,

ang sanga ng maharlikang palma

at ang hamak na tambo

sa isang araw lamang.

15 Ang ulo ay ang mga pinuno

at ang mga iginagalang na tao,

at ang buntot

ay ang mga sinungaling na propeta.

16 Ang mga namumuno sa mga taong ito

ang nagliligaw sa kanila,

kaya ang mga sumusunod

ay naliligaw ng daan.

17 Dahil dito, hindi nalulugod ang Panginoon

sa mga kabataan nilang lalaki,

at hindi niya kinakaawaan

ang kanilang mga ulilaʼt mga biyuda.

Sapagkat masama ang lahat

at hindi makadiyos;

nakakahiya ang lahat ng sinasabi nila.

Kaya hindi pa rin humuhupa

ang poot ng Panginoon,

at nakahanda pa

siyang magparusa sa kanila.

18 Sapagkat ang kasamaan nila

ay tulad ng apoy

na tumutupok ng mga halamang

may tinik.

Naglalagablab itong tulad ng apoy

na tumutupok ng mga kahoy,

at ang makapal na usok

ay pumapailanlang.

19 Dahil sa galit

ng Panginoon ng mga Hukbo,

masusunog ang buong lupain,

at magiging panggatong

sa apoy ang mga tao.

Hindi nila kahahabagan

kahit ang sarili nilang kababayan.

20 Anumang pagkain ang makita nila

ay kukunin nila at kakainin,

ngunit hindi pa rin sila mabubusog.

Kaya pati ang kanilang mga anak9:20 mga anak: O mga bisig. Sa ibang mga teksto ng Septuagint, kapatid o kamag-anak. Sa Targum, kapwa.

ay kanilang kakainin.

21 Mag-aaway ang mga taga-Manases

at ang mga taga-Efraim,

at lulusubin nilang dalawa ang Juda.

Subalit ang poot ng Panginoon

ay hindi pa rin humuhupa

at nakahanda pa

siyang magparusa sa kanila.

Lugar Bíblico
Rio / Ribeiro
Jordão
Hoje: Rio Jordão
יַרְדֵּןyardenἸορδάνηςIordanēs
Jordão é o rio em cujo meio Josué ergueu doze pedras, onde pararam os sacerdotes que levavam a arca da aliança. A fronteira da terra descia ao longo do rio até o mar Salgado (Josué 4:9).
31,76° N, 35,56° L
Citado em 202 versículosTb.: rio Jordão
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Galileia
Hoje: Galileia (Norte de Israel)
גָּלִילgalilΓαλιλαίαGalilaia
A Galileia é a terra de Nazaré e de Caná, de onde Jesus veio para ser batizado por João no Jordão e de onde o seguiram multidões e mulheres (Marcos 1:9).
32,76° N, 35,53° L
Citado em 78 versículosTb.: Galiléia
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Midiã
Hoje: Al Bad
מִדְיָןmidyanΜαδιάνMadian
Midiã é a terra de Jetro, sacerdote e sogro de Moisés, e dos midianitas, que invadiam as plantações de Israel até serem perseguidos por Gideão e seus homens (Juízes 7:25).
28,49° N, 35,01° L
Citado em 51 versículos
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Davi
דָוִֽדdavidΔαυιδDauid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Samaria
Hoje: Sebastia (Samaria)
שֹׁמְרוֹןshomeronΣαμάρειαSamareia
Samaria é a cidade onde os reis de Israel tinham o palácio e onde Acabe construiu um templo de Baal e levantou um altar a Baal (1 Reis 16:32).
32,28° N, 35,20° L
Citado em 113 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Síria
Hoje: Síria (Arã)
אֲרָםaramΣυρίαSuria
Síria é uma terra cujos reis guerrearam contra Israel: Davi derrotou os sírios, e Hazael, rei da Síria, oprimiu Israel durante todo o reinado de Jeoacaz (2 Reis 13:22).
33,51° N, 36,31° L
Citado em 89 versículosTb.: Arã
Ver página completa
Todos os capítulos de Isaias 66
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.