Publicidade

Isaías 4

1 Sa mga araw na iyon, pitong babae

ang mag-aagawan sa iisang lalaki

at sasabihin nila,

"Kami na ang bahala sa pagkain

at damit namin,

pakasalan mo lang kami

upang hindi kami maging kahiya-hiya

dahil wala kaming asawa."

Muling Itatayo ang Jerusalem

2 Darating ang araw na pasasaganain at pagagandahin ng Panginoon ang mga pananim sa Israel, at ang mga ani ng lupain ay magiging karangalan at kaligayahan ng natitirang mga tao sa Jerusalem. 3 Tatawaging banal ang mga natirang buháy sa Zion, lahat ng nakatalang nabubuhay sa lungsod ng Jerusalem. 4 Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, hahatulan niya at lilinisin ang kasamaan ng mga babae sa Jerusalem at ang mga patayan doon. 5 Pagkatapos, lilikha ang Panginoon ng ulap na lililim sa Jerusalem at sa mga nagtitipon doon kung araw at nagniningas na apoy naman kung gabi. Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay parang isang malapad na tolda, 6 at parang kubol kapag araw na magsisilbing lilim sa init at kublihan sa panahon ng bagyo at ulan.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-