Publicidade

Isaías 31

Kahabag-habag ang mga Umaasa sa Ehipto

1 Kahabag-habag kayong humihingi

ng tulong sa Ehipto.

Umaasa kayo

sa mabibilis nilang kabayo,

sa marami nilang karwahe,

at malalakas na sundalong nangangabayo.

Ngunit hindi kayo nagtitiwala

sa Panginoon,

ang Banal na Diyos ng Israel,

at hindi kayo humihingi

ng tulong sa kanya.

2 Sa karunungan ng Diyos,

magpapadala siya ng salot,

at talagang gagawin niya

ang kanyang sinabi.

Paparusahan niya

ang pamilya ng masasama

at ang mga tumutulong sa kanila.

3 Ang mga taga-Ehipto

ay mga tao lang din at hindi Diyos.

Ang mga kabayo nilaʼy

hindi naman mga espiritu,

kundi tulad lang din

ng ibang mga kabayo.

Kapag nagparusa na ang Panginoon,

mawawasak ang Ehipto

pati ang mga bansa na tinulungan nito.

Pare-pareho silang mawawasak.

4 Ito ang sinabi sa akin ng Panginoon,

"Walang makakapigil sa leon

sa paglapa niya sa kanyang biktima

kahit na magsisigaw pa

ang mga nagbabantay ng mga hayop.

Katulad ko rin, walang makakapigil sa akin

para ingatan ang Bundok ng Zion.

5 Ako ang Panginoon ng mga Hukbo,

babantayan ko ang Jerusalem

na parang ibong nagbabantay

sa kanyang pugad.

Iingatan ko ito, ililigtas,

at hindi pababayaan."

6 Mga Israelita, magbalik-loob kayo sa Panginoon na labis na ninyong sinuway. 7 Sapagkat darating ang araw na itatakwil ninyo ang inyong mga diyos-diyosang pilak at ginto na kayo mismo ang gumawa dahil sa inyong pagiging makasalanan.

8 Mamamatay ang mga taga-Asiria,

ngunit hindi sa pamamagitan

ng espada ng tao.

Tatakas sila mula sa digmaan,

at magiging alipin ang kanilang

mga kabataan.

9 Tatakas ang kanilang mga kawal

dahil sa takot,

pati ang kanilang mga pinuno

ay hindi na malaman ang gagawin

kapag nakita nila

ang bandila ng kanilang mga kaaway.

Iyan ang sinabi ng Panginoon,

na ang kanyang apoy

ay nagniningas sa Zion,

ang lungsod ng Jerusalem..

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_18-40-07-