Publicidade

Isaías 12

Awit ng Pasasalamat

1 Sa araw na iyon, aawit kayo:

"Panginoon, pinupuri ko kayo.

Kahit na kayoʼy nagalit sa akin,

lumipas na ito,

at ngayon akoʼy inaaliw ninyo.

2 Kayo, O Diyos,

ang aking kaligtasan.

Akoʼy magtitiwala at hindi matatakot.

Kayo, Panginoon,

ang sa akiʼy nagbibigay ng lakas

at kayo rin ang aking awitin.

Tunay ngang kayo

ang nagligtas sa akin."

3 Magagalak ka sa kaligtasang

iyong mararanasan,

tulad ng pag-inom mo ng tubig

mula sa mga bukal.

4 Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo:

"Purihin ninyo ang Panginoon!

Sambahin ninyo siya!

Sabihin ninyo sa mga bansa

ang kanyang mga ginawa.

Sabihin ninyong siyaʼy karapat-dapat purihin.

5 Umawit kayo sa Panginoon

dahil kahanga-hanga

ang kanyang mga ginawa.

Ipahayag ninyo ito sa buong mundo.

6 Sumigaw kayo at umawit sa galak,

kayong mga taga-Zion.

Sapagkat makapangyarihan

ang Banal na Diyos ng Israel

na nasa inyong piling."

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_18-40-07-