Publicidade

Esperar no Senhor

Por Bíblia Online

Esperar no Senhor é ato de fé e confiança. A Bíblia promete que os que esperam em Deus renovam as forças, recebem direção e experimentam a fidelidade divina no tempo certo.

Renovar as forças

Os que esperam no Senhor renovam as forças. Sobem como águias, correm e não se cansam, caminham e não se fatigam.

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon

ay muling magkakaroon ng lakas.

Lilipad silang gaya ng isang agila.

Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.

Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Ngunit naghihintay ang Panginoon

na kayoʼy lumapit sa kanya

para kaawaan niya kayo.

Nakahanda siyang ipadama sa inyo

ang kanyang pagmamalasakit.

Sapagkat ang Panginoon

ay Diyos na makatarungan,

at mapalad ang nagtitiwala

sa kanya.

Magtiwala kayo sa Panginoon!

Magpakatatag kayo

at huwag mawalan ng pag-asa.

Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!

Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, Panginoon,

habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo.

Magtiwala kayo sa Panginoon!

Magpakatatag kayo

at huwag mawalan ng pag-asa.

Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!

Ang Panginoon ang aking ilaw

at Tagapagligtas.

Sino ang aking katatakutan?

Siya ang nagtatanggol sa akin

kaya wala akong dapat katakutan.

Kapag sinasalakay ako

ng masasamang tao

o ng aking mga kaaway

upang patayin,

sila ang nabubuwal at natatalo!

Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal,

hindi ako matatakot.

Kahit salakayin nila ako,

magtitiwala ako sa Diyos.

Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon,

ito ang tanging ninanais ko:

na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay,

upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan,

at hilingin ang kanyang patnubay.

Sa oras ng kagipitaʼy itatago niya ako

sa kanyang Templo,

at ilalagay niya ako

sa ligtas na lugar.

Kaya mananaig ako sa mga kaaway ko

na nakapaligid sa akin.

Maghahandog ako sa Templo ng Panginoon

habang sumisigaw sa kagalakan,

umaawit at nagpupuri.

Dinggin nʼyo Panginoon ang aking pagtawag.

Kahabagan nʼyo ako

at sagutin ang aking dalangin.

Panginoon, hinipo nʼyo ang aking puso

na lumapit sa inyo,

kaya narito ako,

lumalapit sa inyo.

Huwag nʼyo po akong pagtaguan!

Ako na alipin nʼyo ay huwag nʼyong itakwil

dahil sa inyong galit.

Kayo na laging tumutulong sa akin,

huwag nʼyo akong iwanan at pabayaan,

O Diyos na aking Tagapagligtas.

Iwanan man ako ng aking mga magulang,

kayo naman, Panginoon,

ang mag-aalaga sa akin.

Ituro nʼyo sa akin ang daang

gusto nʼyong lakaran ko.

Patnubayan nʼyo ako sa tamang daan,

dahil sa mga kaaway ko

na gusto akong gawan ng masama.

Huwag nʼyo akong ibigay sa aking mga kaaway,

dahil akoʼy kanilang pinagbibintangan

ng kasinungalingan,

at nais nilang akoʼy saktan.

Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, Panginoon,

habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo.

Magtiwala kayo sa Panginoon!

Magpakatatag kayo

at huwag mawalan ng pag-asa.

Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!

Espera paciente

Esperei com paciência no Senhor e Ele se inclinou para mim. Confie nele e descanse — Ele agirá no tempo certo.

Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon,

at dininig niya ang aking mga daing.

Para akong nasa malalim

at lubhang maputik na balon.

Ako ay kanyang iniahon

at itinatayo sa malaking bato,

upang hindi mapahamak.

Tinuruan niya ako ng bagong awit,

ang awit ng pagpupuri sa ating Diyos.

Marami ang makakasaksi

at matatakot sa Panginoon,

at silaʼy magtitiwala sa kanya.

Mapalad ang taong sa Panginoon nagtitiwala,

at hindi lumalapit sa mga mapagmataas,

o sumasamba sa mga diyos-diyosan.

Panginoon kong Diyos,

wala kayong katulad.

Napakarami ng kahanga-hangang bagay

na inyong ginawa para sa amin,

at ang inyong mga plano para sa amin

ay marami rin.

Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.

Hindi kayo nalulugod

sa ibaʼt ibang klaseng handog.

Hindi kayo humihingi ng handog

na sinusunog

at handog para sa kasalanan.

Itoʼy inyong ipinaunawa sa aking isipan.

Kaya sinabi ko,

"Narito ako. Sa inyong Kasulatan

ay nakasulat ang tungkol sa akin.

O Diyos, nais kong sundin ang inyong kalooban.

Ang inyong mga kautusan

y iniingatan ko sa aking puso."

Sa malaking pagtitipon ng inyong mga mamamayan,

inihayag ko ang inyong pagliligtas.

At alam nʼyo, Panginoon,

na hindi ako titigil sa paghahayag nito.

Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin.

Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtas

at maaasahan.

Hindi ako tumatahimik kapag nagtitipon

ang inyong mga mamamayan.

Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibig

at katotohanan.

Panginoon, huwag nʼyong pigilin

ang awa nʼyo sa akin.

Ang inyong pag-ibig at katapatan

ang laging mag-iingat sa akin.

Hindi ko na kayang bilangin

ang napakarami kong suliranin.

Para na akong natabunan

ng marami kong kasalanan,

kaya hindi na ako makakita.

Ang bilang ng aking mga kasalanan

ay mas marami pa kaysa sa aking buhok.

Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa.

Panginoon, pakiusap!

Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.

Mapahiya sana at malito

ang lahat ng nagnanais na mamatay ako.

Magsitakas sana sa kahihiyan

ang lahat ng mga nagnanais

na akoʼy mapahamak.

Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa Panginoon.

Siya ang tumutulong at nagtatanggol sa atin.

Nagagalak tayo,

dahil tayoʼy nagtitiwala

sa kanyang banal na pangalan.

Panginoon, sumaamin nawa

ang inyong matapat na pag-ibig.

Ang aming pag-asa ay nasa inyo.

Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo,

at umaasa sa inyong mga salita.

Naghihintay ako sa inyo

nang higit pa sa tagabantay

na naghihintay na dumating ang umaga.

Sa Diyos ko lang matatamo

ang kapahingahan

dahil binibigyan niya ako ng pag-asa.

Magtiwala ka sa Panginoon

at sundin mo ang kanyang pamamaraan.

Pararangalan ka niya

sa pamamagitan ng pagpapatira saʼyo

sa lupain ng Israel,

at masasaksihan mo ang pagpaparusa niya

sa mga taong masama.

Confiança e perseverança

Confie no Senhor de todo o coração. Sede pacientes na tribulação — o Senhor é fiel e cumprirá todas as suas promessas.

Magtiwala ka nang buong puso

sa Panginoon

at huwag kang manalig

sa iyong sariling karunungan.

Alalahanin mo ang Panginoon

sa lahat ng iyong ginagawa

at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

At hindi lamang iyon, nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis.

Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, nagbubunga ito ng pag-asa.

Nawaʼy palakasin niya kayo sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan, upang matagalan at matiis ninyo ang lahat ng bagay nang may kagalakan.

Pagtitiyaga sa Pagdurusa

Mga kapatid, maging matiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Pagmasdan ninyo ang mga magsasaka, matiyaga nilang hinihintay ang unang pag-ulan. At pagkatapos nilang magtanim, matiyaga rin silang naghihintay sa susunod na ulan at anihan. Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob dahil nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

Hindi baʼt itinuturing nating mapalad ang mga taong nagtitiis? Alam nʼyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job, at alam din ninyo kung paano siya tinulungan ng Panginoon sa bandang huli. Sadyang mabuti at maawain ang Panginoon.

At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Kristo. Magmahalan kayo nang taos-puso, dahil ipinanganak na kayong muli. At ang kapanganakang itoʼy hindi sa pamamagitan ng mga magulang ninyong namamatay, kundi sa pamamagitan ng buhay at walang hanggang salita ng Diyos. Ayon sa Kasulatan:

"Ang lahat ng tao ay parang damo,

ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito.

Ang damo ay nalalanta

at ang bulaklak nito ay nalalaglag,

ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman."

At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.

Ang Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga

"Sa araw na iyon, ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa sampung dalagang lumabas na may dalang ilawan para salubungin ang lalaking ikakasal. Ang lima sa kanilaʼy mangmang, at ang limaʼy matatalino. Ang limang mangmang ay nagdala ng ilawan ngunit hindi nagdala ng reserbang langis, habang ang limang matatalino naman ay nagdala ng reserbang langis para sa kanilang mga ilawan. Natagalan ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya ang mga dalaga ay inantok at nakatulog sa paghihintay.

"Nang hatinggabi na, biglang may sumigaw, Nariyan na ang ikakasal! Halikayoʼt salubungin ninyo!’ 

"Nagising ang sampung dalaga at inihanda ang kani-kanilang ilawan. Sinabi ng mga mangmang sa marurunong, Pahingi naman ng kaunting langis; malapit na kasing mamatay ang mga ilawan namin.

"Sumagot sila, Hindi puwede, dahil hindi magkakasya sa atin ang langis. Pumunta na lang kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo.

"Kaya umalis ang mga mangmang na dalaga para bumili ng kanilang langis. Habang wala sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay sumáma sa kanya sa handaan. Pagpasok nila, isinara ang pintuan.

"Maya-mayaʼy dumating na ang limang mangmang na dalaga at nagsisigaw, Panginoon, panginoon! Papasukin nʼyo po kami.’ 

"Ngunit sumagot ang lalaki, Hindi ko kayo kilala.’ 

"Kaya magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng aking pagbabalik.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-