Pular para o conteúdo
Publicidade

Nahum 2

Ang Pagkawasak ng Nineve

1 Mga taga-Nineve, sinasalakay na kayo

ng inyong mga kalaban

na magkakalat sa inyo.

Kaya guwardiyahan ninyo ang pader

ng inyong lungsod

at bantayan ang mga daan.

Tipunin ninyo ang inyong mga sundalo

at humanda kayo sa digmaan.

2 Kahit na nilipol ninyo ang Israel at Juda2:2 Israel at Juda: Sa Hebreo, Jacob at Israel.

na parang mga tanim na ubas2:2 na parang … ubas: O at nawala ang kanilang mga awit. na pinatay,

ibabalik ng Panginoon

ang kanilang kapangyarihan.

3 Pula ang kalasag at damit

ng mga sundalo ng inyong kalaban.

At sa oras ng kanilang pagsalakay

kumikislap ang metal

ng kanilang mga karwahe

at nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo.2:3 nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo: Ito ang nasa Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, iwinawagayway nila ang kanilang mga (sibat na gawa sa) kahoy na sipres.

4 Humahagibis ang kanilang mga karwahe

sa mga lansangan,

parooʼt parito na sumusugod

sa mga liwasan.

Nagliliwanag ang mga ito

na parang sulo,

at kumikislap na parang kidlat.

5 Inuutusan ng hari

ang mga opisyal ng mga kawal.

Nagkakandarapa sila papunta

sa mga pader

upang maglagay ng mga pananggalang

para sa mga sundalong wawasak ng pader.

6 Ang tarangkahan ng mga ilog

ay mabubuksan,

at ang palasyo ay guguho.

7 Naipahayag na, na bibihagin kayo2:7 bibihagin kayo: Sa literal, huhubaran kayo.

at dadalhin sa ibang bayan.

Uungol ang inyong mga utusang babae

na parang kalapati

habang dinadagukan nila

ang kanilang dibdib dahil sa kalungkutan.

8 Ang mga taong tumatakas mula sa Nineve

ay parang tubig na umagos

mula sa nawasak na imbakan ng tubig.

Ang mga tumatakas ay pinapabalik

ng kanilang mga kasama

ngunit wala ni isa mang bumalik.

9 Samsamin ninyo ang pilak!

Samsamin ninyo ang ginto!

Hindi mauubos ang kayamanan ng Nineve,

hindi mabibilang ang mamahaling bagay nila.

10 Malilipol, mawawasak

at magiging mapanglaw na ang Nineve!

Kaya natatakot ang mga mamamayan nito,

nanghihina ang buong katawan nila,

nanginginig ang kanilang mga tuhod,

at namumutla silang lahat.

11 Ang Nineve ay parang yungib

na tinitirhan ng mag-asawang leon

at ng mga anak nito.

Walang puwedeng manakit

sa kanila sa yungib.

12 Pinapatay at nilalapa ng lalaking leon

ang kanyang biktima

at ibinibigay sa kanyang asawa

at mga anak.

Pinupuno niya ang kanyang yungib

ng karne ng kanyang mga biktima.2:11-12 Ang ibig sabihin nito ay nag-iisip ang mga taga-Nineve na walang gagalaw sa kanila. Sinasalakay nila ang ibang mga bansa, sinasamsam ang mga ari-arian nito at dinadala sa kanilang lugar para ang kanilang mga mamamayan ay makinabang.

Ngunit ngayon, ang Nineve ay wawasakin na.

13 Sapagkat sinasabi

ng Panginoon ng mga Hukbo,

"Makinig kayong mga taga-Nineve!

Kalaban ko kayo!

Kaya susunugin ko

ang inyong mga karwahe

at mamamatay sa digmaan

ang inyong mga kawal.2:13 mga kawal: Sa literal, mga batang leon.

Wawakasan ko na

ang inyong pambibiktima sa lupain.

Hindi na kayo makapagpapadala

ng mga mensahero sa ibang bansa."

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também

Naum
Ver todos os capítulos de Naum