Pular para o conteúdo
Publicidade

Estudar a Bíblia

Por Bíblia Online

Estudar a Bíblia é mergulhar na mente de Deus. A Palavra é lâmpada para os pés, espada do Espírito e alimento para a alma. O cristão que estuda cresce em sabedoria e maturidade.

A importância do estudo

Os bereanos eram mais nobres porque examinavam as Escrituras diariamente. Estudar a Bíblia é mandamento e privilégio.

Mas bukas ang isipan ng mga Hudyong taga-Berea kaysa sa mga taga-Tesalonica. Gustong-gusto nilang makinig sa mga itinuturo nina Pablo. At araw-araw nilang sinasaliksik ang Kasulatan upang alamin kung totoo nga ba ang mga sinasabi nina Pablo.

Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.

Mula pa sa pagkabata, alam mo na ang Banal na Kasulatan, na nakapagbibigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Hesus. Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, upang maging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Diyos.

Habang wala pa ako riyan, gamitin mo ang panahon mo sa pagbabasa ng Kasulatan sa mga tao, sa pangangaral at pagtuturo.

Sinasaliksik ninyo ang Kasulatan sa pag-aakalang sa pamamagitan nitoʼy magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Ang Kasulatan mismo ang nagpapatotoo tungkol sa akin,

Meditar e guardar

Não se aparte a lei do Senhor da tua boca. Medita nela de dia e de noite para que cumpras tudo o que nela está escrito.

Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi upang malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, magiging maunlad ang lahat ng iyong gagawin at magtatagumpay ka.

Ang salita ninyo ay ilaw

sa aking paanan,

nagbibigay-liwanag sa aking daraanan.

Labis kong iniibig ang inyong kautusan.

Palagi ko itong pinagbubulay-bulayan.

Ang inyong mga utos ay nasa puso ko,

kaya akoʼy mas marunong

kaysa sa mga kaaway ko.

Mas marami ang aking naunawaan

kaysa sa aking mga guro,

sapagkat lagi kong pinagbubulay-bulayan

ang inyong mga katuruan.

Paano mapapanatili ng isang kabataan

na dalisay ang kanyang buhay?

Sa pamamagitan ng pamumuhay niya

ayon sa inyong salita.

Buong puso akong lumalapit sa inyo;

kaya akoʼy tulungan ninyo

na huwag lumihis sa mga utos ninyo.

Ang salita ninyo ay iningatan ko

sa aking puso

upang hindi ako magkasala sa inyo.

Purihin kayo Panginoon!

Ituro ninyo sa akin

ang inyong mga tuntunin.

Ang mga kautusang inyong ibinigay

ay lagi kong sasambitin,

isisigaw ko nang malakas.

Nagagalak akong sumunod

sa inyong mga katuruan,

higit pa sa kagalakang dulot

ng mga kayamanan.

Ang inyong mga tuntunin

ay aking pinagbubulay-bulayan

at iniisip kong mabuti

ang inyong pamamaraan.

Magagalak ako sa inyong mga tuntunin,

at ang inyong mga salitaʼy

hindi ko lilimutin.

ג Gimel

Akoʼy magpupuri sa inyo

nang may malinis na puso,

habang pinag-aaralan ko

ang inyong matuwid na mga utos.

Estudo diligente

Esdras preparou o coração para buscar e ensinar a lei. O estudo exige disciplina, constância e coração aberto.

Umalis si Ezra sa Babilonia sa unang araw ng unang buwan. At nakarating siya sa unang araw ng ikalimang buwan sa Jerusalem sapagkat ginabayan siya ng Diyos. Sapagkat itinalaga niya ang sarili niya sa pag-aaral at pagtupad ng Kautusan ng Panginoon, at sa pagtuturo ng mga tuntunin at mga utos nito sa mga Israelita.

Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas. Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo. Itali ninyo ito sa inyong mga braso o ilagay sa inyong mga noo bilang paalala sa inyo. Isulat ninyo ito sa mga hamba ng inyong bahay at sa bukana ng pintuan ng inyong mga lungsod.

Kung uupo na siya sa trono bilang hari, kailangan niyang kopyahin at isulat ang mga kautusang ito para sa kanyang sarili sa harapan ng mga pari na mga Levita. Dapat niya itong ingatan at laging basahin sa buong buhay niya para matuto siyang gumalang sa Panginoon na kanyang Diyos, at masunod niya nang mabuti ang lahat ng sinasabi ng mga kautusan at mga tuntunin. Sa pamamagitan din ng laging pagbabasa nito, makakaiwas siya sa pagyayabang sa kapwa niya Israelita, at makakaiwas siya sa pagsuway sa mga utos ng Panginoon. Kung susundin niyang lahat ito, maghahari siya at ang kanyang angkan nang matagal sa Israel.

Ito ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel.

Sa pamamagitan ng mga kawikaang ito,

magkakaroon ka ng karunungan,

maitutuwid ang iyong ugali

at iyong mauunawaan

ang mga aral na sa iyoʼy

magbibigay karunungan.

Sa pamamagitan din nitoʼy magiging disiplinado ka,

dahil itinuturo nito ang matuwid

na paraan ng pamumuhay,

mabuting pag-uugali, paggawa ng tama,

at pagiging makatarungan.

Makapagbibigay ito ng karunungan

sa mga walang kaalaman

at sa kabataaʼy magtuturo

ng tamang pagpapasya.

Sa pakikinig nito, ang marunong

ay lalong magiging marunong

at ang may pinag-aralan

ay magiging dalubhasa

sa pag-unawa sa kahulugan

ng mga kawikaan,

mga talinghaga, at mga bugtong

ng marurunong.

Ang Kabutihang Dulot ng Karunungan

Anak, huwag mong kalilimutan

ang mga itinuturo ko sa iyo.

Ingatan mo sa iyong puso

ang mga iniuutos ko,

sapagkat ito ang magpapahaba

at magpapaunlad ng iyong buhay.

Huwag mong kalilimutan

ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali;

ingatan mo ito sa puso mo

sapagkat mabubuhay ka

sa pamamagitan nito.

Sapagkat ang mga turo

at utos ng iyong mga magulang

ay katulad ng isang ilaw

na tatanglaw sa iyo.

At ang kanilang pagsaway sa iyo

upang ituwid ang ugali mo

ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo.

Proteção e crescimento

Quem ignora a Palavra perece. Toda Escritura é útil — crescei na graça e no conhecimento do nosso Senhor.

Napapahamak

ang aking mga mamamayan

dahil kulang ang kaalaman nila

tungkol sa akin.

"Sapagkat kayo mismong mga pari

ay tinanggihan ang kaalamang ito,

kaya tinatanggihan ko rin kayo

bilang mga pari ko.

Kinalimutan ninyo ang aking kautusan

kaya kalilimutan ko rin

ang inyong mga anak.

Ang kautusan at babalang patotoo ng Diyos ang dapat ninyong hingan ng patnubay. Kapag may mga nagsasabi ng mga bagay na salungat sa salita niya, nasa kadiliman pa rin sila.

Sumagot si Hesus, "Maling-mali kayo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos.

Ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan noong unang panahon ay isinulat upang turuan tayo. At sa pamamagitan ng Kasulatan, tayoʼy magiging matatag at malakas ang loob, at magkakaroon ng pag-asa.

Mga minamahal, alam na ninyo ito kahit noon pa. Kaya mag-ingat kayo nang hindi kayo maloko sa pamamagitan ng mga maling aral ng mga taong suwail, at mawalay sa mabuti ninyong kalagayan sa Diyos. Sa halip, lumago kayo sa biyaya ng Diyos at sa pagkakakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.

Purihin siya ngayon at magpakailanman! Amen.

Ang kaligtasang itoʼy pinagsikapang saliksikin ng mga propeta noon. Sila ang nagpahayag tungkol sa kaloob na ito ng Diyos sa atin. Ipinahayag na sa kanila ng Espiritu ni Kristo na nasa kanila, na maghihirap ang Mesias bago parangalan. Kaya patuloy sa pagsasaliksik ang mga propeta noon kung kailan at kung papaano ito mangyayari.

Seja o primeiro