Simplicidade do Evangelho
A simplicidade do evangelho é sua força. Deus escolheu as coisas loucas do mundo para confundir os sábios. O poder está na mensagem da cruz, não na eloquência humana.
Ngunit pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mangmang para ipahiya ang mga marurunong. Pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mahihina para ipahiya ang malalakas. At pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga. Kaya walang makakapagmalaki sa harapan ng Diyos.
Sapagkat hindi ako isinugo ni Kristo para magbautismo, kundi para mangaral ng Magandang Balita. At hindi ko ito ginagawa sa pamamagitan ng mahusay na pananalita at karunungan ng tao, upang hindi mawalan ng kapangyarihan ang pagkamatay ni Kristo sa krus.
At nang mangaral ako sa inyo, hindi ako gumamit ng matatamis na pananalita batay sa karunungan ng tao para kumbinsihin kayo. Sa halip, pinatunayan ng Espiritu ang aking pangangaral sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan,
At kapag itinaas na ako mula sa lupa, ilalapit ko ang lahat ng tao sa akin."