Falar
A Bíblia tem muito a ensinar sobre a arte de falar. As palavras têm poder de vida e de morte — podem edificar ou destruir, curar ou ferir, aproximar ou afastar.
O poder das palavras
A morte e a vida estão no poder da língua. A palavra branda desvia a ira, mas a palavra dura suscita o furor.
Ang salita ng tao
ay makapagliligtas ng buhay
o kaya ay nakamamatay.
Kaya mag-ingat sa pagsasalita
sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.
Ang malumanay na sagot
ay nakakapawi ng poot,
ngunit lalong nakakapagpagalit
ang pabalang na sagot.
Ang malumanay na pananalita
ay nakapagpapasigla ng kalooban ng tao,
ngunit ang masakit na salita
ay nakakasugat ng puso.
Nagagalak ang tao
kapag akma ang sagot niya.
Mas nagagalak siya
kung nakakasagot siya
sa tamang pagkakataon.
Nabibigo ang plano
kapag walang nagpapayo,
ngunit kapag maraming tagapayo,
magtatagumpay ang mga ito.
Falar com sabedoria
No muito falar não falta transgressão. A boca do justo fala sabedoria, e quem guarda os lábios guarda a si mesmo.
Ang taong masalita ay madaling magkasala.
Ang taong maalam
ay pinipigilan ang kanyang dila.
Ang taong maingat sa pagsasalita
ay nag-iingat ng kanyang buhay.
Ngunit ang taong madaldal,
dulot sa sarili ay kapahamakan.
Kahit ang mangmang
ay parang marunong
at nakakaunawa kapag tahimik.
Ang mga taong madaldal
ay nagsisiwalat ng sikreto,
ngunit ang taong mapagkakatiwalaan
ay nakakapagtago nito.
Ipagtanggol mo ang karapatan
ng mga taong kahabag-habag,
na hindi maipagtanggol
ang kanilang mga sarili.
Ang sinasabi ng marunong
ay magbibigay sa kanya ng kabutihan,
pero ang sinasabi ng hangal
ay magpapahamak sa kanya.
Falar a verdade
Cada palavra ociosa será pesada no dia do juízo. Fale a verdade, edifique com a boca e confesse Cristo com os lábios.
Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kuwentang salitang binitiwan niya.
"Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik ang inyong magandang samahan.
At kapag nananalangin kayo, huwag kayong gumamit ng maraming salita na wala namang kabuluhan, tulad ng ginagawa ng mga Hentil. Akala nilaʼy pakikinggan sila kung marami silang sinasabi.
Kaya anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag, at anumang ibulong ninyo sa loob ng kuwarto ay malalaman ng lahat.
Gayundin naman, ang mabuting tao ay gumagawa ng mabuti dahil puno ng kabutihan ang kanyang puso. Ngunit ang masamang tao ay gumagawa ng masama dahil puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang pumupuno sa puso ng isang tao ay siya ring umaapaw sa kanyang bibig.
na kung ipapahayag mo na si Hesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Diyos, maliligtas ka.
Tinutulungan tayo ng Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Diyos para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin.
Edificar com palavras
Não saia da boca nenhuma palavra torpe. Sejam prontos para ouvir, tardios para falar, e tardios para a ira.
Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig.
Tandaan ninyo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa ang lahat sa pakikinig, maging mahinahon sa pananalita, at huwag agad magagalit.
Lahat tayoʼy madalas magkamali. Kung mayroon mang hindi nagkakamali sa pananalita niya, isa siyang taong ganap at may kakayahang pigilan ang kanyang sarili.
Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, at huwag din ninyong gantihan ng pang-iinsulto ang mga nang-iinsulto sa inyo. Ang dapat ninyong gawin ay manalangin na pagpalain sila ng Diyos, dahil pinili kayo ng Diyos na gawin ito, at upang pagpalain din niya kayo.
Mga minamahal kong anak, huwag tayong magmahal sa salita lamang; sa halip ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahal.
Pasalamatan nʼyo ang Panginoon.
Sambahin nʼyo siya!
Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.
Maghapon ko kayong pinapupurihan
dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.