Pular para o conteúdo
Publicidade

Guardar o coração

Por Bíblia Online

Guardar o coração é o mandamento mais urgente de Provérbios. Sobre tudo o que se deve guardar, guarda o teu coração, porque dele procedem as fontes da vida.

Sobre tudo, guarda o coração

O coração é a nascente de tudo — pensamentos, desejos, decisões. Guardá-lo é proteger toda a vida espiritual e emocional.

Higit sa lahat, ingatan mo

ang iyong isipan,

sapagkat kung ano ang iyong iniisip

iyon din ang magiging buhay mo.

Ikalabingwalong Kawikaan

Anak, makinig kang mabuti sa akin

at tularan mo ang aking pamumuhay.

Ang Kabutihang Dulot ng Karunungan

Anak, huwag mong kalilimutan

ang mga itinuturo ko sa iyo.

Ingatan mo sa iyong puso

ang mga iniuutos ko,

sapagkat ito ang magpapahaba

at magpapaunlad ng iyong buhay.

Gayundin naman, ang mabuting tao ay gumagawa ng mabuti dahil puno ng kabutihan ang kanyang puso. Ngunit ang masamang tao ay gumagawa ng masama dahil puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang pumupuno sa puso ng isang tao ay siya ring umaapaw sa kanyang bibig.

Coração puro e renovado

Cria em mim um coração puro, ó Deus. Os puros de coração verão a Deus — e o Espírito renova nosso interior.

Isang busilak na puso, O Diyos,

ang likhain nʼyo sa akin;

bagong espiritung matapat,

ang ibigay sa akin.

Pinagpala ang mga taong may busilak na kalooban

sapagkat makikita nila ang Diyos.

O Diyos, siyasatin ninyo ako,

upang malaman ninyo ang nasa puso ko.

Subukin ninyo ako, at alamin

ang aking mga iniisip.

Tingnan ninyo kung ako

ay may masamang pag-uugali,

at patnubayan ninyo ako

sa daang dapat kong tahakin

magpakailanman.

Siyasatin at subukin nʼyo ako, Panginoon.

Suriin nʼyo ang aking pusoʼt isipan,

dahil lagi kong naaalala ang inyong pagmamahal,

at namumuhay ako na pinanghahawakan

ang inyong katapatan.

Siniyasat nʼyo ang puso ko,

at kahit sa gabiʼy sinusubukan nʼyo ako,

ngunit wala kayong nakitang

anumang kasalanan sa akin.

Napagpasyahan ko na hindi ako

magsasalita ng masama

gaya ng ginagawa ng iba.

Dahil sa inyong mga salita,

iniiwasan ko ang paggawa

ng masama at kalupitan.

Palagi kong sinusunod ang inyong kagustuhan,

at hindi ako bumabaling sa kaliwa

o sa kanan man.

O Diyos, lubos akong nagtitiwala sa inyo.

Aawit ako ng mga papuri para sa inyo.

Guardar com a Palavra

Não vos conformeis com este mundo. A Palavra de Deus guardada no coração nos protege do pecado e nos direciona.

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, upang malaman ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi upang malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, magiging maunlad ang lahat ng iyong gagawin at magtatagumpay ka.

Buong puso akong lumalapit sa inyo;

kaya akoʼy tulungan ninyo

na huwag lumihis sa mga utos ninyo.

Ang salita ninyo ay iningatan ko

sa aking puso

upang hindi ako magkasala sa inyo.

Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas. Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon.

Pagkatapos niyang sabihin ito, sinabi ni Moises sa buong Israel, "Itanim ninyo sa inyong mga puso ang lahat ng sinasabi ko sa inyo sa araw na ito. Ituro rin ninyo ito sa inyong mga anak para matupad nilang mabuti ang lahat ng sinasabi sa mga utos na ito.

Vigilância e paz

A paz de Deus guarda nossos corações em Cristo Jesus. Chegai-vos a Deus, purificai os corações — e Ele estará convosco.

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. Kapag ginawa ninyo ito, bibigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso.

Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob dahil nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

Ang Mamuhay Tulad ng mga Binuhay kay Kristo

Yamang kayoʼy binuhay muli kasama ni Kristo, ituon ninyo ang inyong puso sa mga bagay sa langit kung saan naroroon si Kristo at nakaupo sa kanan ng Diyos.

Seja o primeiro