Pular para o conteúdo
Publicidade

Homem de Deus

Por Bíblia Online

O homem de Deus é aquele que busca a justiça, a piedade, a fé e o amor. A Bíblia apresenta modelos de homens íntegros que andaram com Deus e marcaram a história.

Características do homem de Deus

O homem de Deus foge das paixões e segue a justiça, a piedade, a fé, o amor, a perseverança e a mansidão.

Ang mga Huling Tagubilin kay Timoteo

Ngunit ikaw, bilang lingkod ng Diyos, iwasan mo ang mga bagay na iyan. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, banal, may matibay na pananampalataya, mapagmahal, mapagtiis at mabait sa kapwa.

Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, maging halimbawa ka sa mga mananampalataya sa iyong pananalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.

Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay. At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.

Hindi! Sinabi na ng Panginoon

kung ano ang mabuti.

At ano ang ninanais niya sa inyo?

Gawin ang matuwid,

pairalin ang pagkamaawain,

at buong pagpapakumbabang

sumunod sa Diyos.Panginoon

Exemplos bíblicos

Noé era justo e íntegro entre seus contemporâneos. Jó era homem reto que temia a Deus e se desviava do mal.

Si Noe at ang Baha

Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Noe.

Si Noe ay makadiyos. Siya lang ang namumuhay na matuwid sa kapanahunan niya, at malapít ang kanyang relasyon sa Diyos.

Ang Matuwid na Pamumuhay ni Job

May isang lalaking nakatira sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job. Walang kapintasan ang kanyang pamumuhay at siya ay matuwid; may takot siya sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.

May isang taong nagngangalang Juan na isinugo ng Diyos. Isinugo siya bilang saksi upang magpatotoo tungkol sa ilaw, nang sa gayon ay sumampalataya ang lahat ng tao sa pamamagitan niya.

Ang taong may pang-unawa

ay naghahangad pa ng karunungan;

ngunit ang isip ng mangmang

ay pagala-gala.

Viver como filho de Deus

Quem faz a vontade de Deus é eleito. Medite na Palavra e ande nos caminhos do Senhor como verdadeiro discípulo.

Gayunpaman, ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Naging anak sila ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang dahil sa kagustuhan ng laman o kalooban ng tao, kundi ng Diyos.

Alam nating hindi pinapakinggan ng Diyos ang mga makasalanan, ngunit ang sinumang may takot sa Diyos at gumagawa ng kanyang kalooban ay pinakikinggan niya.

Paano mapapanatili ng isang kabataan

na dalisay ang kanyang buhay?

Sa pamamagitan ng pamumuhay niya

ayon sa inyong salita.

Buong puso akong lumalapit sa inyo;

kaya akoʼy tulungan ninyo

na huwag lumihis sa mga utos ninyo.

Ang salita ninyo ay iningatan ko

sa aking puso

upang hindi ako magkasala sa inyo.

Purihin kayo Panginoon!

Ituro ninyo sa akin

ang inyong mga tuntunin.

Ang mga kautusang inyong ibinigay

ay lagi kong sasambitin,

isisigaw ko nang malakas.

Nagagalak akong sumunod

sa inyong mga katuruan,

higit pa sa kagalakang dulot

ng mga kayamanan.

Ang inyong mga tuntunin

ay aking pinagbubulay-bulayan

at iniisip kong mabuti

ang inyong pamamaraan.

Magagalak ako sa inyong mga tuntunin,

at ang inyong mga salitaʼy

hindi ko lilimutin.

ג Gimel

Pinagpala ang taong hindi namumuhay

ayon sa payo ng masasama

o sumusunod sa maling halimbawa

ng mga makasalanan,

at hindi nakikisama

sa mga taong mapangutya.

Sa halip ay nagagalak siyang sumunod

sa mga aral mula sa Panginoon,

at kanyang pinagbubulay-bulayan

ang mga ito araw-gabi.

Siyaʼy katulad ng isang punongkahoy

na itinanim sa tabi ng sapa,

namumunga sa takdang panahon

at hindi nalalanta ang mga dahon.

Magtatagumpay siya

sa anumang gagawin niya.

Ngunit iba ang mga taong masama;

silaʼy tulad ng ipa

na tinatangay ng hangin.

Sa araw ng paghatol,

silaʼy parurusahan

at ihihiwalay sa matutuwid.

Sapagkat pinapatnubayan ng Panginoon

ang matutuwid,

ngunit ang buhay ng taong masama

ay hahantong sa kapahamakan.

iwanan na ninyo ang dati ninyong pagkatao at pamumuhay. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo. Baguhin na ninyo ang inyong pag-iisip at pag-uugali, at isuot ang bago ninyong pagkatao na nilikhang naaayon sa matuwid at banal na Diyos.

Seja o primeiro