Ídolos
A Bíblia condena a idolatria com veemência. Um ídolo é qualquer coisa que ocupa o lugar de Deus no coração. Os cristãos são chamados a guardar-se dos ídolos e servir ao Deus vivo.
Guardai-vos dos ídolos
Filhinhos, guardai-vos dos ídolos. A cobiça é idolatria. Tudo que ocupa o trono de Deus no coração é um ídolo.
Mga anak, lumayo kayo sa mga diyos-diyosan.
Kaya puksain na ninyo ang anumang kamunduhang nasa inyo: ang seksuwal na imoralidad, kalaswaan, pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga diyos-diyosan.
Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Ang sobrang paghahangad ng salapi ang nagtulak sa iba na tumalikod sa pananampalataya at nagdulot ng maraming paghihinagpis sa buhay nila.
Kaya huwag kayong gagawa ng mga diyos-diyosang pilak o ginto para sambahing kasama nang pagsamba sa akin.
"Ako ang Panginoon
na inyong Diyos
na naglabas sa inyo sa Ehipto.
Wala kayong kikilalaning Diyos
at Tagapagligtas maliban sa akin.
O único Deus verdadeiro
O Senhor é Deus nos céus e na terra — não há outro. Escolham hoje a quem servir, mas eu e a minha casa serviremos ao Senhor.
Kaya alalahanin at isapuso ninyo ang araw na ito na ang Panginoon ay Diyos sa langit at sa lupa. Wala nang iba pang diyos.
Ang Panginoon na inyong Diyos lang ang dapat ninyong sundin at igalang. Tuparin ninyo ang kanyang mga utos at sundin nʼyo siya; paglingkuran siya at manatili kayo sa kanya.
Ngunit kung ayaw nʼyong maglingkod sa Panginoon, mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo. Maglilingkod ba kayo sa mga diyos na pinaglilingkuran ng mga ninuno nʼyo sa kabila ng Ilog Eufrates, o sa mga diyos ng mga Amoreo na ang lupain ay tinitirhan nʼyo ngayon? Ngunit para sa akin at sa pamilya ko, maglilingkod kami sa Panginoon."
Hindi ba ninyo alam na hindi mapapabilang ang mga masasama sa kaharian ng Diyos? Huwag kayong palilinlang! Sapagkat kailanmaʼy hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos ang mga imoral, sumasamba sa diyos-diyosan, nangangalunya, nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki o babae. Gayundin naman ang mga magnanakaw, mga sakim, mga lasenggo, mga maninirang-puri at mga mandarambong ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos.
Vencer a idolatria
Não tenhas comunhão com as obras das trevas. Revesti-vos da armadura de Deus para resistir às ciladas do diabo.
Huwag kayong makibahagi sa mga walang kabuluhang gawain ng mga taong nasa kadiliman, sa halip, ilantad ninyo ang kasamaan nila. Nakakahiyang banggitin man lang ang mga bagay na ginagawa nila nang lihim.
Isuot ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos upang malabanan ninyo ang masasamang plano ng diyablo.
Hindi ko idinadalangin na kunin mo na sila sa mundo, kundi ingatan mo sila laban sa masama.
Walang anumang sandatang nagawa
ang magtatagumpay laban sa iyo,
at masasagot mo
ang anumang ibibintang laban sa iyo.
Ito ang pamana ko sa aking mga lingkod.
Bibigyan ko sila ng tagumpay,"
sabi ng Panginoon.
Huwag kayong padadaig sa kasamaan, sa halip talunin ninyo ang kasamaan sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.
Lumayo kayo sa masama
at gawin ninyo ang mabuti.
Pagsikapan ninyong kamtin
ang kapayapaan.
May kamandag lamang ang kamatayan sa atin dahil sa kasalanan, at may kapangyarihan ang kasalanan sa atin dahil sa Kautusan.