Jesus te ama
Jesus te ama — esta é a mensagem mais poderosa do universo. O amor de Cristo excede todo entendimento e nos alcança onde quer que estejamos, como somos.
O amor de Jesus
Ninguém tem maior amor do que aquele que dá a vida pelos amigos. Jesus demonstrou o amor supremo na cruz do Calvário.
Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.
Ito ang aking utos: Magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo.
"Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayundin namang iniibig ko kayo. Manatili kayo sa aking pag-ibig.
Sumagot si Hesus, "Ang nagmamahal sa akin ay susunod sa aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama at mananahan kami sa kanya.
"Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa.
Amados por Ele
Deus prova seu amor em que Cristo morreu por nós quando ainda éramos pecadores. O amor de Jesus é incondicional e eterno.
Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin.
Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Kristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Diyos.
Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan niya ay palakasin niya ang espirituwal ninyong pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu upang manahan si Kristo sa mga puso ninyo dahil sa inyong pananampalataya. Ipinapanalangin ko rin na maging matibay kayo at matatag sa pag-ibig ng Diyos, upang maunawaan ninyo at ng iba pang mga hinirang kung gaano kalawak, at kahaba, at kataas, at kalalim ang pag-ibig ni Kristo. Maranasan ninyo sana ito, kahit hindi ito lubusang maunawaan, upang maging ganap sa inyo ang katangian ng Diyos.
Tayoʼy umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.
Umaapaw ang biyayang ipinagkaloob ng ating Panginoon sa akin. Binigyan niya ako ng kakayahang sumampalataya sa kanya at umibig sa aking kapwa. Ang kakayahang ito ay napasaatin na nakipagkaisa kay Kristo Hesus.