Juízo
O juízo de Deus é manifestação de sua justiça e soberania. Ele julga o mundo, julga as nações e julga cada coração com perfeita equidade e misericórdia.
O juízo de Deus
Deus é juiz justo que prova os corações. Seu juízo é verdadeiro e alcança toda obra, secreta ou pública.
Sapagkat hahatulan tayo ng Diyos
ayon sa lahat ng ating ginagawa,
mabuti man o masama,
hayag man o lihim.
Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binibigyang-buhay ang mga ito, ganoon din naman, binibigyang-buhay ng Anak ang sinumang gusto niyang bigyan nito. Sa katunayan, hindi ang Ama ang hahatol sa mga tao kundi ang kanyang Anak, dahil ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol, upang parangalan ng lahat ang Anak tulad ng pagpaparangal nila sa Ama. Kaya, ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi rin nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kanya.
"Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumusunod sa aking mga salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan sapagkat inilipat na nga siya sa buhay mula sa kamatayan. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, darating ang oras, at dumating na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang makikinig sa kanya ay mabubuhay. Kung paanong ang Ama ang siyang pinagmumulan ng buhay, ganoon din ang Anak. Sapagkat ibinigay sa kanya ng Ama ang ganoong kapangyarihan. Ibinigay rin niya sa Anak ang kapangyarihang humatol dahil siya ang Anak ng Tao.
"Huwag kayong magtaka tungkol dito, dahil darating ang oras na maririnig ng lahat ng patay ang aking tinig, at babangon sila mula sa kanilang mga libingan. Ang mga gumawa ng mabuti ay muling babangon upang mabuhay nang walang hanggan, at ang mga gumawa ng masama ay babangon para maparusahan. Wala akong magagawa kung sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi ng aking Ama. Kaya makatarungan ang hatol ko dahil hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
"Ngayon, kung ako lang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, kaduda-duda ang sinasabi ko.
Ngunit ang totoo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko, dahil hindi sasainyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kapag umalis na ako, isusugo ko siya sa inyo. Pagdating niya, ipapakita niya sa sanlibutan na makasalanan sila at ako namaʼy matuwid. At ipapakita rin niya na hahatulan sila ng Diyos. Ipapakita niya sa mga tao na makasalanan sila dahil hindi sila sumampalataya sa akin.
Sinabi ni Hesus sa kanila, "Ang tinig na iyon ay ipinarinig hindi para sa akin kundi para sa kapakanan ninyo. Dumating na ang paghatol sa mga tao sa mundo. Malulupig na ang naghahari sa mundong ito. At kapag itinaas na ako mula sa lupa, ilalapit ko ang lahat ng tao sa akin."
Sinabi agad ng lalaki, "Panginoon, sumasampalataya po ako sa inyo." At lumuhod siya at sumamba kay Hesus.
Sinabi ni Hesus, "Naparito ako sa mundo upang hatulan ang mga tao nang sa gayoʼy ang mga bulag ay makakita, ang mga nakakakita ay maging bulag."
Prestando contas
Cada um prestará contas de si mesmo a Deus. O juízo começa pela casa de Deus e depois alcança os que não obedecem ao evangelho.
Tanggapin ninyo ang kapatid na mahina ang pananampalataya at huwag makipagtalo sa kanyang mga paniniwala. Halimbawa, may kapatid na naniniwala na lahat ng pagkain ay maaaring kainin. Mayroon namang mahina ang pananampalataya at para sa kanya, gulay lamang ang dapat kainin. Hindi dapat hamakin ng taong kumakain ng kahit ano ang taong gulay lamang ang kinakain. Gayundin naman ang taong gulay lamang ang kinakain, hindi nito dapat husgahan ang taong kumakain ng kahit ano, sapagkat pareho silang tinatanggap ng Diyos. Kaya, sino ka para husgahan ang utusan ng iba? Ang amo lang niya ang makapagsasabi kung tama o hindi ang ginagawa niya. At talagang magagawa niya ang tama, dahil ang Panginoon ang tutulong sa kanya.
Kaya lahat tayoʼy mananagot sa Diyos sa lahat ng ating mga ginawa.
Kaya nga huwag na nating husgahan ang ating kapwa. Sa halip, iwasan na nating gumawa ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng ating kapatid. Dahil nakipag-isa na ako sa Panginoong Hesus, alam ko at natitiyak kong wala talagang bawal na pagkain. Ngunit kung naniniwala ang isang tao na marumi ang isang pagkain, marumi nga ito sa kanya kapag kinain niya.
Dumating na ang panahong magsisimula na ang Diyos sa paghatol sa mga anak niya. At kung itoʼy magsisimula sa atin na mga anak niya, ano pa kaya ang sasapitin ng mga hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos?
Kaya huwag kayong humatol nang wala sa takdang panahon. Hintayin ninyo ang pagbabalik ng Panginoon. Pagdating niya, ilalantad niya ang lahat ng mga pinakatagong lihim at mga pagnanasa ng bawat isa. At sa panahong iyon, tatanggapin ng bawat isa ang papuring mula sa Diyos.
Sapagkat kung paano ninyo hinahatulan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo hahatulan ng Diyos. Ang panukat na ginagamit ninyo ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.
"Bakit mo pinupuna ang puwing sa mata ng iyong kapwa, ngunit hindi mo naman napapansin ang trosong nasa iyong mata? Paano mo masasabi sa iba, ‘Hayaan mong alisin ko ang puwing sa iyong mata,’ gayong may troso sa iyong mata?
Justiça e redenção
O juízo de Deus é também redenção. Ele livrou Israel do Egito com juízos e salva os arrependidos pela cruz de Cristo.
"Kaya sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ako ang Panginoon. Palalayain ko kayo sa pagkaalipin sa Ehipto. Sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, matinding parusa ang ibibigay ko sa mga Ehipsiyo, at ililigtas ko kayo sa pagkaalipin.
"Sa gabing iyon, dadaan ako sa Ehipto at papatayin ko ang lahat ng panganay na lalaki, mapa-tao man o hayop. Parurusahan ko ang lahat ng diyos ng Ehipto. Ako ang Panginoon.
Tanging sa inyo lamang ako
tunay na nagkasala.
Di kalugod-lugod sa inyong harapan
ang aking ginawa.
Kaya ang inyong paghuhusga
sa akin ay makatarungan.
Nararapat lamang
na akoʼy inyong hatulan.
Panginoon, narinig ng mga taga-Zion
at ng mga taga-Juda ang tungkol sa inyong
wastong pamamaraan ng pamamahala,
kaya tuwang-tuwa sila.
Winasak nila ang mga inukit na mga kagamitan
sa pamamagitan ng mga palakol.
Nilapastangan at sinunog nila
ang inyong tahanan.
Pagkatapos nito, narinig ko ang parang dagundong ng napakaraming tao sa langit na sumisigaw:
"Purihin ang Panginoon!
Purihin ang Diyos nating makapangyarihan,
sapagkat siya ang nagligtas sa atin!
Matuwid at tama ang kanyang paghatol.
Hinatulan niya ang sikat na babaeng bayaran
na nagpasama sa mundo
ng kanyang imoralidad.
Pinarusahan siya ng Diyos
Sapagkat pinatay niya ang mga lingkod ng Diyos."
Sinabi nilang muli,
"Purihin ang Panginoon!
Ang usok ng nasusunog na lungsod
ay papailanlang magpakailanman!"