Lei
A lei de Deus é expressão do seu caráter e amor. Do Sinai ao Sermão do Monte, a lei orienta, protege e revela o padrão santo de Deus para a vida humana.
O propósito da lei
A lei de Deus revela o pecado e nos conduz a Cristo. Pela lei é que temos consciência do que é justo e do que é errado.
Sapagkat walang sinuman ang ituturing ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Sa halip, ipinapakita ng Kautusan sa tao na makasalanan siya.
Mga Alipin ng Katuwiran
Ngayon, dahil wala na tayo sa ilalim ng Kautusan kundi nasa biyaya na ng Diyos, nangangahulugan bang magpapatuloy pa rin tayo sa paggawa ng kasalanan? Siyempre hindi!
Ang Kalayaan ng Mananampalataya
May nagsabi, "Maaari nating gawin ang kahit ano," ngunit hindi lahat ay nakakatulong. "Maaari nating gawin ang kahit ano," ngunit hindi lahat ay nakakabuti.
Sapagkat ang buod ng buong Kautusan ay nasa isang utos: "Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili."
Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.
Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Kristo.
Amar e obedecer
O maior mandamento é amar a Deus e ao próximo. Toda a lei se resume nestes dois mandamentos, que são o fundamento de tudo.
At ang pangalawa ay ito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na higit pang mahalaga kaysa sa dalawang ito."
Ito ang aking utos: Magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo.
"Kaya sa lahat ng bagay, gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa ninyo, sapagkat ito ang buod ng Kautusan at ng isinulat ng mga propeta.
Pag-ibig ang Katuparan ng Kautusan
Huwag kayong mananatiling may pagkakautang kaninuman, maliban sa utang ng pagmamahalan. Sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan.
Ito ang utos na ibinibigay sa atin ni Kristo: Ang taong umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang kapatid.
Mga minamahal, kung hindi tayo inuusig ng ating konsensiya, panatag tayong makakalapit sa Diyos. At matatanggap natin ang anumang hilingin natin sa kanya, dahil sinusunod natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya.
Bênçãos da obediência à lei
Se andardes nos meus mandamentos, vivereis. A obediência à lei de Deus traz vida, paz e prosperidade espiritual.
Ang Pagpapala sa Pagsunod
Kung lubos ninyong susundin ang Panginoon na inyong Diyos at gagawin ang lahat ng utos niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, gagawin niya kayong nakakahigit sa lahat ng bansa rito sa mundo.
Inuutusan ko kayo ngayong mahalin ang Panginoon na inyong Diyos, na mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, at sundin ang kanyang mga utos at tuntunin. Kapag ginawa ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal at dadami, at pagpapalain kayo ng Panginoon doon sa lupaing titirhan at aangkinin ninyo.
Igalang at Sundin ang Panginoon
At ngayon, mga mamamayan ng Israel, ang hinihingi lang ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo ay magkaroon kayo ng takot sa kanya, mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, mahalin siya, maglingkod sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa, at sundin ang lahat ng mga utos at tuntunin ng Panginoon na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito para sa ikabubuti ninyo.
Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.
Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi upang malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, magiging maunlad ang lahat ng iyong gagawin at magtatagumpay ka.
Ngunit huwag nʼyong kalimutang tuparin ang mga utos at katuruan na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon. Ibigin nʼyo ang Panginoon na inyong Diyos, mamuhay kayo ayon sa kalooban niya, tuparin ang mga utos niya, maging matapat sa kanya at paglingkuran nʼyo siya nang buong pusoʼt kaluluwa."
Buong puso akong lumalapit sa inyo;
kaya akoʼy tulungan ninyo
na huwag lumihis sa mga utos ninyo.
Pinili ko ang tamang daan,
gusto kong sumunod
sa inyong mga utos.
Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon
ay walang hanggan
sa sinumang may takot sa kanya;
ang matuwid niyang gawa
ay wala ring katapusan.
Ang magkakamit nitoʼy ang tapat
sa kasunduan,
at tapat na sumusunod
sa kanyang kautusan.
Lei e graça
A lei veio para nos guiar; a graça veio para nos salvar. Em Cristo, cumprimos a lei pelo amor — o fruto do Espírito não tem lei contra si.
At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.
Hindi! Sinabi na ng Panginoon
kung ano ang mabuti.
At ano ang ninanais niya sa inyo?
Gawin ang matuwid,
pairalin ang pagkamaawain,
at buong pagpapakumbabang
sumunod sa Diyos.Panginoon
Sa halip, nais kong makita
na pinapairal ninyo ang katarungan
at ang katuwiran na parang ilog
na patuloy na umaagos.
Babala sa Pagsamba sa Diyos-diyosan
Huwag kayong makisama sa mga hindi mananampalataya. Sapagkat hindi maaaring magkaisa ang kabutihan at kasamaan, gaya ng liwanag at dilim, hindi rin sila maaaring magsama.