Frutos do Espírito
Os frutos do Espírito são evidências visíveis da presença de Deus na vida do crente. Amor, alegria, paz, paciência — são marcas que diferenciam os filhos de Deus no mundo.
O fruto do Espírito
O fruto do Espírito é amor, alegria, paz, paciência, amabilidade, bondade, fidelidade, mansidão e domínio próprio. Contra estas coisas não há lei.
Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.
Dati, namumuhay kayo sa kadiliman, ngunit ngayon ay naliwanagan na kayo dahil kayoʼy nasa Panginoon na. Ipakita ninyo sa inyong pamumuhay na naliwanagan na kayo. (Sapagkat kung ang isang tao ay naliwanagan na, makikita sa kanya ang kabutihan, katuwiran, at katotohanan.) Alamin ninyo kung ano ang nakalulugod sa Panginoon.
Ngunit ang taong may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran, at hindi nagkukunwari. Ang taong maibigin sa kapayapaan at nagpapalaganap nito ay nagdudulot ng maayos na relasyon sa iba.
Ganyan din ang nangyari sa inyo, mga kapatid. Malaya na kayo sa Kautusan sa pamamagitan ng pagkamatay ni Kristo. Muli siyang nabuhay at kayoʼy pinag-isa sa kanya upang maging kapaki-pakinabang sa paglilingkod sa Diyos. Noong namumuhay pa tayo sa dati nating pagkatao, ang masamang pagnanasa ang naghahari sa ating katawan, at pinukaw pa ng Kautusan, kaya gumawa tayo ng mga bagay na hahantong sa kamatayan. Ngunit ngayon ay malaya na tayo sa Kautusan, dahil namatay na tayo sa Kautusang dating umalipin sa atin. Ang ating paglilingkod ngayon sa Diyos ay hindi na ayon sa dating buhay na dulot ng Kautusan kundi sa bagong buhay na dulot ng Espiritu.
Ano nga ba ang napala ninyo sa dati ninyong gawain na ikinakahiya nʼyo na ngayon? Ang dulot ng mga iyon ay kamatayan. Ngunit pinalaya na kayo sa kasalanan at alipin na kayo ng Diyos. At ang dulot nitoʼy kabanalan at buhay na walang hanggan.
Permanecer em Cristo
Quem permanece em Cristo dá muito fruto. Toda árvore boa produz bons frutos — e é pelo fruto que se conhece a árvore.
Manatili kayo sa akin at akoʼy mananatili sa inyo. Sapagkat hindi makakapamunga ang isang sanga malibang nakakabit ito sa puno. Ganoon din naman, hindi kayo makakapamunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
"Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin.
Napaparangalan ang aking Ama kung namumunga kayo nang sagana, at sa ganitong paraan ay naipapakita ninyo na mga alagad ko kayo.
"Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masama, at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuti. Ang bawat puno ay nakikilala sa bunga nito. Sapagkat hindi naaani ang igos sa matitinik na halaman o napipitas ang ubas sa dawagan. Gayundin naman, ang mabuting tao ay gumagawa ng mabuti dahil puno ng kabutihan ang kanyang puso. Ngunit ang masamang tao ay gumagawa ng masama dahil puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang pumupuno sa puso ng isang tao ay siya ring umaapaw sa kanyang bibig.
Kung totoong nagsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo sa inyong mga gawa.
Semear e colher
Quem semeia na justiça colherá fruto de vida. Os frutos do Espírito são a colheita de uma vida plantada no Senhor.
Sinabi ko sa inyo,
‘Palambutin ninyo ang inyong mga puso
tulad ng binungkal na lupa.
Magtanim kayo ng katuwiran
at mag-aani kayo ng pagmamahal.
Sapagkat panahon na
upang magbalik-loob kayo
sa Panginoon
hanggang sa aking pagdating,
at pauulanan ko kayo ng tagumpay.’
Sabihin ninyo sa mga matuwid
na mapalad sila,
dahil aanihin nila ang bunga
ng kanilang mabubuting ginawa.
At hindi lamang ang buong nilikha, kundi pati tayong mga tumanggap ng Espiritu na siyang unang kaloob ng Diyos ay dumaraing din habang hinihintay natin ang pagpapahayag sa ganap na katayuan natin bilang mga anak ng Diyos at ang pagpapalaya sa ating mga katawan.
Ang maibibigay ko ay higit pa
sa purong ginto at pilak.