Livro da vida
O Livro da Vida é o registro celestial dos nomes daqueles que pertencem a Deus. Estar escrito no Livro da Vida é a garantia da salvação eterna e da entrada na Nova Jerusalém.
Registrados no céu
Alegrai-vos por terem vossos nomes escritos nos céus. O Livro da Vida pertence ao Cordeiro de Deus desde a fundação do mundo.
Ganoon pa man, huwag kayong matuwa dahil napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, sa halip matuwa kayo dahil nakasulat sa langit ang mga pangalan ninyo."
At nakikiusap din ako sa iyo, tapat kong kasama sa pangangaral, na tulungan mo ang mga babaeng ito. Sapagkat katulong ko sila sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, kasama nina Clemente at ng iba ko pang kamanggagawa na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay.
Sasambahin siya ng lahat ng tao sa mundo na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay. Bago pa man likhain ang mundo, ang mga pangalan nila ay hindi nakasulat sa aklat na ito na hawak ng Korderong pinatay.
Ang halimaw na nakita mo ay buháy noon, pero patay na ngayon. Ngunit muli siyang lalabas mula sa kailaliman, at agad namang mapupunta sa walang hanggang kapahamakan. Makikita siya ng mga taong hindi nakasulat ang mga pangalan sa aklat ng buhay. Bago pa man likhain ang mundo, ang pangalan nila ay hindi na nakasulat sa aklat na ito. At kapag nakita nila ang halimaw, mamamangha sila dahil buhay siya noon, at namatay na, ngunit nabuhay na naman.
O juízo final
No dia do julgamento, os livros serão abertos. Quem não for encontrado no Livro da Vida será lançado no lago de fogo.
Ang Hatol sa mga Patay
Pagkatapos, nakita ko ang malaki at puting trono at ang nakaupo roon. Ang langit at ang lupa ay biglang naglaho at hindi na nakita. At nakita ko ang mga namatay, tanyag at hindi, na nakatayo sa harap ng trono. Binuksan ang mga aklat, pati na ang aklat buhay. At ang bawat isa sa kanila ay hinatulan ayon sa ginawa nila na nakatala sa mga aklat na iyon. Kahit sa dagat sila namatay o sa lupa, naglabasan sila mula sa mundo ng mga patay at hinatulan ang lahat ayon sa mga ginawa nila. At ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat na talaan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan ay itinapon sa lawang apoy. Pagkatapos, itinapon din doon ang kamatayan at ang mundo ng mga patay. Ang parusang ito sa lawang apoy ay ang ikalawang kamatayan.
Ngunit hindi makakapasok doon ang anumang bagay na marumi sa paningin ng Diyos, ang mga gumagawa ng mga bagay na nakakahiya, at ang mga sinungaling. Ang mga makakapasok lang doon ay ang mga taong nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay ng Kordero.
Ang Pahayag ng Anghel tungkol sa Huling Panahon
"Sa panahong iyon, darating si Miguel, ang makapangyarihang pinuno na nagtatanggol sa iyong mga kababayan. Magiging mahirap ang kalagayan sa mga panahong iyon, at ang matinding kahirapang ito ay hindi pa nangyayari mula nang naging bansa ang Israel. Ngunit ililigtas sa paghihirap ang iyong mga kababayan na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat. Bubuhayin ang marami sa mga namatay na. Ang iba sa kanila ay tatanggap ng buhay na walang hanggan, pero ang iba ay isusumpa at ilalagay sa kahihiyang walang hanggan.
Ang magtatagumpay ay bibihisan ng puting damit at hindi ko buburahin ang pangalan niya sa aklat ng buhay. Sa halip, kikilalanin ko silang mga alagad sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.
O registro divino
Deus registra cada vida, cada lágrima e cada momento. Nada passa despercebido diante daquele que tudo vê e tudo guarda.
Nakita na ninyo ako,
hindi pa man ako isinisilang.
Ang itinakdang mga araw
na akoʼy mabubuhay
ay nakasulat na sa aklat ninyo
bago pa man ito mangyari.
Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan
at napapansin nʼyo ang aking
mga pag-iyak.
Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?
Dahil inuusig nila ang mga taong inyong pinarurusahan,
at ipinagsasabi sa iba ang paghihirap
na nararanasan ng mga ito.
Idagdag nʼyo ito sa kanilang mga kasalanan at huwag nʼyo silang iligtas.
Burahin nʼyo sana ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay
at huwag isama sa talaan ng mga matuwid.
Pagkatapos, nag-usap-usap ang mga taong may takot sa Panginoon. Pinakinggan ng Panginoon ang mga sinabi nila. Isinulat sa kanyang harapan ang isang aklat tungkol sa mga taong may takot sa kanya at iginagalang ang kanyang pangalan.
Ngunit ngayon, patawarin nʼyo po sila sa kanilang mga kasalanan. Kung hindi ninyo sila mapapatawad, burahin na lang ninyo ang aking pangalan sa aklat na sinulatan nʼyo ng pangalan ng inyong mga mamamayan."
Sumagot ang Panginoon kay Moises, "Kung sino ang nagkasala sa akin, ang pangalan niya ang buburahin ko sa aklat ko.
Este artigo te tocou? Faça uma oração!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.