Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 139

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 Panginoon, akoʼy inyong siniyasat

at kilalang-kilala.

2 Alam ninyo lahat, maging ang pag-upo at pagtayo ko;

Malayo man kayoʼy batid ninyo

ang aking iniisip.

3 Akoʼy inyong nakikita

nagtatrabaho man ako o nagpapahinga.

Alam ninyo ang lahat ng aking ginagawa.

4 Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita

ay alam na ninyo

ang aking sasabihin.

5 Lagi ko kayong kasama,

akoʼy inyong iniingatan at kinakalinga.

6 Ang pagkakilala ninyo sa akin

ay tunay na kahanga-hanga;

hindi maarok ng aking pang-unawa.

7 Paano ba ako makakaiwas

sa inyong Espiritu?139:7 Espiritu: O kapangyarihan.

Saan ba ako makakapunta na wala kayo?

8 Kung pupunta ako sa langit

ay naroon kayo;

kung pupunta ako sa lugar

ng mga patay,

naroon din kayo.

9 At kung pumunta man ako sa silangan

o tumira sa pinakamalayong lugar

sa kanluran,

10 kayo ay naroon din

upang akoʼy patnubayan at tulungan.

11 Maaaring mapakiusapan ko

ang dilim na itago ako,

o maging gabi ang liwanag sa paligid ko;

12 subalit, kahit ang kadiliman

ay hindi madilim sa inyo, Panginoon,

at ang gabi ay parang araw.

Dahil para sa inyo,

pareho lang ang dilim at ang liwanag.

13 Kilala ninyo ako, dahil kayo

ang lumalang sa akin.

Kayo ang humubog sa akin

sa sinapupunan ng aking ina.

14 Pinupuri ko kayo

sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.

Alam na alam kong ang inyong mga gawa

ay tunay na kahanga-hanga.

15 Nakita ninyo ang aking mga buto

nang akoʼy lihim na hubugin

sa sinapupunan ng aking ina139:15 sa sinapupunan ng aking ina: Sa literal, sa kailaliman ng mundo..

16 Nakita na ninyo ako,

hindi pa man ako isinisilang.

Ang itinakdang mga araw

na akoʼy mabubuhay

ay nakasulat na sa aklat ninyo

bago pa man ito mangyari.

17 O Diyos, hindi ko lubos maunawaan

ang mga iniisip ninyo;

itoʼy sadyang napakarami.

18 Kung itoʼy aking bibilangin,

mas marami pa kaysa sa buhangin.

Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin.

19 O Diyos, patayin ninyo sana

ang masasamâ!

Lumayo sana sa akin

ang mga mamamatay-tao!

20 Nagsasalita sila ng masama

laban sa inyo.

Binabanggit nila ang inyong pangalan

sa walang kabuluhan.

21 Panginoon, kinamumuhian ko

ang mga namumuhi sa inyo.

Kinasusuklaman ko

ang mga kumakalaban sa inyo.

22 Labis ko silang kinamumuhian;

itinuturing ko silang mga kaaway.

23 O Diyos, siyasatin ninyo ako,

upang malaman ninyo ang nasa puso ko.

Subukin ninyo ako, at alamin

ang aking mga iniisip.

24 Tingnan ninyo kung ako

ay may masamang pag-uugali,

at patnubayan ninyo ako

sa daang dapat kong tahakin

magpakailanman.

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.