Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.
1 Panginoon, sa labis kong paghihirap
akoʼy tumatawag sa inyo.
2 Dinggin po ninyo ako, Panginoon.
Pakinggan po ninyo ang aking pagsusumamo.
3 Kung inililista nʼyo ang aming mga kasalanan,
sino kaya sa amin ang matitira?
4 Ngunit pinapatawad nʼyo kami,
pang matuto kaming gumalang sa inyo.
5 Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo,
at umaasa sa inyong mga salita.
6 Naghihintay ako sa inyo
nang higit pa sa tagabantay
na naghihintay na dumating ang umaga.
7 Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon,
dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas.
8 Siya ang magliligtas sa inyo
sa lahat ng inyong mga kasalanan.