1 Kayong mga tao sa buong mundo,
umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon!
2 Awitan ninyo ang Panginoon
at purihin ang kanyang pangalan.
Ipahayag ninyo sa bawat araw
ang tungkol sa pagligtas niya sa atin.
3 Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan
sa mga bansa
ang kanyang kapangyarihan
at mga kahanga-hangang gawa.
4 Dahil dakila ang Panginoon,
at karapat-dapat papurihan.
Dapat siyang katakutan nang higit pa
kaysa anumang mga diyos.
5 Sapagkat ang lahat ng diyos ng ibang mga bansa
ay pawang diyos-diyosan lamang.
Ngunit ang Panginoon, siya ang lumikha ng langit.
6 Nasa kanya ang kapangyarihan
at karangalan;
at nasa Templo niya ang kalakasan
at kagandahan.
7 Purihin ninyo ang Panginoon,
kayong lahat ng tao sa mundo.
Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.
8 Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring
nararapat sa kanya.
Magdala kayo ng mga handog
at pumunta sa Templo.
9 Sambahin ninyo ang kabanalan ng Panginoon.
Matakot kayo sa kanya,
kayong lahat ng nasa sanlibutan.
10 Sabihin ninyo sa mga bansa,
"Naghahari ang Panginoon!"
Matatag ang daigdig na kanyang nilikha
at hindi ito matitinag.
Hahatulan niya ang mga tao
nang walang kinikilingan.
11,12 Magalak ang kalangitan at mundo,
pati ang mga karagatan, bukirin
at ang lahat ng nasa kanila.
Lahat ng mga puno sa gubat
ay umawit sa tuwa
13 sa presensya ng Panginoon.
Dahil tiyak na darating siya upang hatulan
ang mga tao sa mundo
batay sa kanyang katuwiran at katotohanan.