Publicidade

Salmos 51

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David noong siyaʼy pinagsabihan ni Propeta Natan tungkol sa kanyang pangangalunya kay Batsheba.

1 O Diyos, ako poʼy inyong kaawaan

sang-ayon sa inyong tapat

na pagmamahal;

Ang mga pagsuway koʼy

inyo pong pawiin

sang-ayon sa inyong

pagmamalasakit sa akin.

2 Hugasan nʼyo po ako

sa aking kasamaan,

at linisin nang lubos

sa aking kasalanan.

3 Mga pagsuway koʼy

tunay kong nalalaman,

pagkakasala koʼy

laging laman ng isipan.

4 Tanging sa inyo lamang ako

tunay na nagkasala.

Di kalugod-lugod sa inyong harapan

ang aking ginawa.

Kaya ang inyong paghuhusga

sa akin ay makatarungan.

Nararapat lamang

na akoʼy inyong hatulan.

5 Tunay ngang akoʼy makasalanan,

mula pa noong akoʼy isilang;

kahit noong akoʼy ipinagbubuntis

pa lamang ng aking ina.

6 Ngunit ang nais nʼyoy

isang pusong tapat

kahit noong akoʼy nasa sinapupunan pa lamang;

pinuspos nʼyo ako

ng karunungan.

7 Linisin at hugasan nʼyo ako

sa aking mga kasalanan

upang lubusan luminis ang pusoʼt kaluluwa ko.

8 Ipadama nʼyo sa akin ang kasiyahan

at kaligayahan

upang sa aba kong kalagayan,

ay muli kong makamtan ang kagalakan.

9 Kalimutan nʼyo na ang aking

mga kasalanan,

at burahin ang lahat kong kasamaan.

10 Isang busilak na puso, O Diyos,

ang likhain nʼyo sa akin;

bagong espiritung matapat,

ang ibigay sa akin.

11 Huwag nʼyo po akong itaboy

palayo sa inyong piling,

at huwag nʼyo po sanang bawiin

ang inyong Banal na Espiritu sa akin.

12 Panumbalikin sa akin

ang kagalakang

bunga ng inyong pagliligtas sa akin.

Bigyan nawa ako

ng espiritung masunurin.

13 At tuturuan ko

ang mga makasalanan

ng inyong mga pamamaraan

upang sa inyo, silaʼy manumbalik.

14 Patawarin nʼyo ako sa kasalanan kong pagpatay,

O Diyos na aking Tagapagligtas,

at sisigaw ako sa galak

dahil kayo ay matuwid.

15 Panginoon, buksan nʼyo po

ang aking labi,

nang ang mga itoʼy magpuri sa inyo.

16 Hindi naman mga handog

ang nais nʼyo;

mag-alay man ako

ng mga handog na sinusunog,

hindi rin kayo malulugod.

17 Ang handog ko sa inyo, O Diyos,

ay isang pusong nagpapakumbaba,

at nagsisisi sa kanyang kasalanan.

O Diyos, ito ang handog

na hindi ninyo tatanggihan.

18 Dahil sa kagustuhan nʼyo,

pagpalain nʼyo ang Jerusalem.

Muli nʼyong itayo ang mga pader nito.

19 Nang sa gayoʼy malugod kayo

sa mga nararapat na handog,

pati sa mga handog na sinusunog nang buo.

At maghahandog din sila ng mga baka

sa inyong altar.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-