Publicidade

Salmos 122

Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.

1 Ako ay nagalak ng sabihin nila sa akin,

"Pumunta tayo sa templo ng Panginoon."

2 At ngayoʼy narito na kami

at nakatayo sa pintuan ng Jerusalem.

3 Ang Jerusalem ay bayan

na itinayong maganda at matibay.

4 Dito pumupunta ang mga lahi ng Israel

upang purihin ang Panginoon

ng naaayon sa kanyang itinuro sa kanila.

5 Dito sa Jerusalem ang hukuman ng mga hari

na mula sa angkan ni David.

6 Idalangin ninyo na maging mabuti ang kalagayan ng Jerusalem:

"Umunlad sana ang nagmamahal sa bayan na ito.

7 Magkaroon sana ng kapayapaan sa loob ng Jerusalem

at kaunlaran sa palasyo nito."

8 Alang-alang sa aking mga kamag-anak

at mga kaibigan, sasabihin ko sa Jerusalem,

"Sumainyo ang kapayapaan."

9 Alang-alang sa templo ng Panginoon na ating Diyos,

mananalangin ako para sa kabutihan

at kaunlaran ng Jerusalem.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-