Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 76

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.

1 Kilalang-kilala ang Diyos sa Juda,

at sa Israel ay dakila siya.

2 Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem.76:2 Jerusalem: Sa Hebreo, Salem. Isa rin itong pangalan ng Jerusalem na ang ibig sabihin ay "kapayapaan".

3 Doon, sinira niya ang mga nagniningas

na palaso ng kaaway,

ang kanilang mga pananggalang, espada

at iba pang kagamitang pandigma.

4 O Diyos, makapangyarihan kayo

at higit na dakila

habang bumababa kayo sa bundok

na kung saan pinatay nʼyo

ang inyong mga kaaway.76:4 habang … kaaway: Sa Septuagint, sa matatandang bundok.

5 Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam.

Silang lahat ay namatay na;

wala nang makakapagbuhat pa

ng kamay sa amin.

6 O Diyos ni Jacob, sa inyong sigaw,76:6 sigaw: O saway.

ang mga kawal76:6 kawal: Sa literal, mangangabayo. at ang kanilang mga kabayo ay namatay.

7 Kaya dapat kayong katakutan.

Sinong makakatagal sa inyong harapan

kapag kayoʼy nagalit?

8 Mula sa langit ay humatol kayo.

Ang mga tao sa mundo

ay natakot at tumahimik

9 nang humatol kayo, O Diyos,

upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig.

10 Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao76:10 ang … tao: O ang galit ng mga tao.

ay magbibigay ng karangalan sa inyo,

ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhos

ang inyong galit.

11 Mangako kayo sa Panginoon

na inyong Diyos at tuparin ito.

Lahat kayong mga bansang nasa paligid,

magdala kayo ng mga regalo sa Diyos

na siyang karapat-dapat katakutan.

12 Ibinababa niya ang mapagmataas

na mga pinuno;

kinatatakutan siya ng mga hari

rito sa mundo.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também