Publicidade

Salmos 21

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 Panginoon, nagagalak ang hari sa kalakasan

na inyong ibinibigay

Labis siyang nasisiyahan sa bigay

ninyong tagumpay.

2 Ibinigay nʼyo sa kanya

ang kanyang hinahangad;

hindi nʼyo ipinagkait

ang kanyang kahilingan.

3 Tinanggap nʼyo siya,

at pinagkalooban ng masaganang pagpapala.

Pinutungan nʼyo ang ulo niya

ng koronang yari sa purong ginto.

4 Hiniling niya sa inyo na dagdagan

ang buhay niya,

at binigyan nʼyo siya ng mahabang buhay

na magpakailanman.

5 Dahil sa pagbibigay nʼyo

ng tagumpay sa kanya,

naging tanyag siya at makapangyarihan.

6 Sapagkat nagtitiwala siya sa inyo, Panginoon,

pinagpala nʼyo siya ng mga pagpapalang

walang katapusan,

at pinasaya nʼyo siya sa inyong piling.

7 At dahil minamahal nʼyo siya nang tapat,

Kataas-taasang Diyos,

hindi siya mabubuwal.

8 Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,

matatalo nʼyo ang lahat nʼyong mga kaaway.

9 At kapag kayo ay dumating,

Panginoon,

lilipulin nʼyo sila.

Dahil sa galit nʼyo, siyaʼy tutupukin

na parang dayami

sa naglalagablab na apoy.

10 Uubusin nʼyo ang lahat ng mga anak nila

sa buong kalupaan,

upang wala nang magpatuloy

ng kanilang lahi.

11 Nagbabalak sila ng masama

laban sa inyo,

ngunit hindi sila magtatagumpay.

12 Tatakas sila kapag nakita nilang nakatutok na

sa kanila ang inyong pana.

13 Panginoon, pinupuri namin kayo

dahil sa inyong kalakasan.

Aawit kami ng mga papuri

dahil sa inyong kapangyarihan.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_06-50-08-