Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 87

Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.

1 Itinayo ng Panginoon ang lungsod ng Jerusalem87:1 Jerusalem: O Zion.

sa banal na bundok.

2 Mahal niya ang lungsod na ito

kaysa sa lahat ng lugar sa Israel.87:2 Israel: Sa Hebreo, Jacob.

3 Magagandang bagay ang kanyang sinasabi

tungkol sa lungsod na ito.

4 Sabi niya, "Kung ililista ko

ang mga bansang

kumikilala sa akin,

isasama ko ang Ehipto,87:4 Ehipto: Sa Hebreo, Rahab. Ito ang tawag sa dragon na sumisimbolo sa Ehipto. ang Babilonia,

pati na ang Filistia, Tiro at Etiopia.

Ituturing kong tubong Jerusalem

ang kanilang mga mamamayan."

5 Ito nga ang masasabi tungkol sa Zion,

"Ang taong ito at iyon

ay tubong Jerusalem.

At ang Kataas-taasang Diyos

ang siyang magpapatatag

ng lungsod niyang ito."

6 Ililista ng Panginoon ang kanyang

mga mamamayan

at isasama rin niya ang maraming tao

na ituturing niyang mga tubong Jerusalem.

7 Silang lahat ay magsisiawit ng,

"Ang lahat ng ating mga pagpapala

ay sa Jerusalem nagmula!"

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também