1 Hanggang kailan Panginoon?
Habambuhay ba ninyo akong kalilimutan?
Hanggang kailan ninyo ako tatalikuran?
2 Hanggang kailan ko dadalhin
itong aking mga pangamba?
Ang kalungkutan sa puso ko, kailan ito mawawala?
Hanggang kailan ba ako matatalo
ng aking mga kaaway?
3 Panginoon kong Diyos,
bigyan nʼyo ako ng pansin;
sagutin nʼyo ang aking dalangin.
Ibalik po ninyo ang ningning
sa aking mga mata,
upang hindi ako mamatay
4 at upang hindi masabi ng aking mga kaaway
na natalo nila ako,
sapagkat tiyak na silaʼy magagalak
kung akoʼy mapahamak.
5 Panginoon, naniniwala po ako
na akoʼy inyong mahal.
Nagagalak ang puso ko
dahil sa pagliligtas ninyo.
6 Panginoon, aawitan kita
dahil napakabuti nʼyo sa akin
mula pa noon.