Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 114

1 Nakatira noon ang mga taga-Israel

na lahi ni Jacob sa Ehipto,

na kung saan iba ang wika ng mga tao.

2 Nang papalabas na sila sa Ehipto,

ginawa ng Diyos na banal na lugar ang Juda,

at ang Israel ay kanyang pinamunuan.

3 Ang Dagat na Pula ay nahawi

at ang Ilog Jordan ay tumigil sa pag-agos.

4 Nayanig ang mga bundok at burol,

na parang mga lumulundag na kambing at mga tupa.

5 Bakit nahawi ang Dagat na Pula,

at tumigil sa kanyang pag-agos ang Ilog Jordan?

6 Bakit nayayanig ang mga bundok at mga burol,

na parang lumulundag na mga kambing at tupa?

7 Nayayanig ang mundo

sa presensya ng Panginoong Diyos ni Jacob,

8 na siyang gumawa sa matigas na bato

upang maging imbakan ng tubig

at naging bukal na umaagos.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também